CHAPTER 37.

192 5 0
                                    

"Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo Erin, pwedi ba tigilan mo na ako!" galit na singhal sa akin ni Shanella.
"Hindi kita titigilan hangga't hindi mo inaamin sa akin ang totoo na may kinalaman ka sa pagkamatay ng mga magulang ko! Napaka bata mo ng mga panahon na 'yun Shanella. Paano mo nagawa ang bagay na 'yun? Alam ba 'yung ng Mama mo bago siya namatay?!" sabi ko naman.
Kanina pa kami nag-aaway pero todo deny pa rin siya. Ang gusto ko lang naman ay lumabas sa kanyang bibig at aminin niya mismo sa aking harapan. Kahit na may vedio na ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Simula nang kinompronta ko siya kaninang tanghali hangganh ngayong gabi. Marami ng tao sa paligid dahil mag-uumpisa na ang party.
"Kanina pa ako naiirita sa'yo Erin! Napakaraming tao sa paligid at ayaw ko ng gulo. Hindi ako mamamatay tao. Sino ba ang nagsabi sa'yo niyan?" aniya.
Ayaw ko din mapahiya kaya hindi nalang din ako umimik pa. Hindi ko na rin siya kinulit pa.
"Mabuti pa Erin, hayaan mo malang si Shanella baka mag-away pa kayong dalawa dito. Napakaraming tao!" saway naman ni Malerick. Kasama ko siya ngayon dahil inimbita ko siya. Gusto kong masaksihan niya ang mangayyari ngayong gabi. Si Shawn busy sa pag-aasikaso ng mga bisita. Kasama din niya ang kanyang ama na walang hiya. Akala mo mabait tingnan pero isa rin palang mamatay tao at manggagamit.
Padabog na lumakad si Shanella paalis sa aming harapan. Hinila ako ni Malerick papunta sa sulok na kung saan ay hindi gaanong marami ang mga tao.
"Calm down Erin, alam ko na galit ka ngayon pero mali ang ginawa mo. Dapat hindi mo na siya kinompronta at ang ebidensiya na iyon ay ginamit mo nalang para magbayad sila sa kanilang ginawa. Paano kapag malaman niya na may hawak kang USB? Baka ano ang gawin nila sa'yo!" sabi ni Malerick.
"Hindi nila malalaman na sa'kin ang USB. Ngayong gabi, matitikman nila ang ganti ko Malerick. Tapos na ang kanilang pagpapanggap. Tapos na rin akong magpakatanga. Masakit man sa akin pero kailangan nilang magbayad sa kanilang ginawa. Kahit sobrang hirap na makitang masaktan ko si Shawn. I know that he loves me Malerick, i see it in his eyes. Baka noong una talagang magpapanggap lang ang nangyayari pero ngayon alam ko at nararamdaman ko na mahal na niya ako," malungkot na sabi ko.
"Kaya ka nahihirapan dahil nainlove kana rin sa kanya hindi ba? Well, ikaw ang makapag desisyon niyan. Ayaw ko ng mangialam pa sapat na sa akin na nalaman mo ang totoo at nalaman mo kung sino talaga ang salarin sa pagkamatay ng mga magulang mo," ani nu Malerick.
Napatingin ako kay Shawn na nakangiti habang may kinakausap na guest. Nagsalubong ang mga mata namin at tila may kutsilyong humiwa sa puso ko. Nag wave pa siya ng kamay sa akin.
"Makakamove on din naman ako siguro. Nawalan ako ng Pamilya dahil sa mga pinanggagawa nila kaya dapat silang magbayad," pabulong ko na sabi.

(SHAWN'S POV)

Kanina pa nakatitig si Erin sa akin. Ramdam ko rin na bigla siyang nanlamig at pati mga kilos niya ay kakaiba. Kung kailangan ko siya suyuin ng isang daang beses ay gagawin ko. Ayaw ko na layuan niya ako dahil sobrang mahal ko na siya ngayon. Hindi ko maimagine ang buhay ko kung hindi ko siya makapiling.
Ang mas nakakainis pa ay kasama na naman niya ang Malerick na 'yun. Hindi kaya sinabi ni Malerick na naabutan niya kami ni Shanella na magkasama kaya siya nagbago?
Nakuha ko na ang nais ko kay Erin pero hindi ako masaya. Ginawa ko lang naman iyon para kay Daddy. Alam ko na pagkatapos ng gabing ito ay paalisin na ni Daddy si Erin sa Kompanya dahil ngayong gabi iannounce kung sino ang fiancee ko.
"Are you ready?"
Nagulat ako ng may boses akong narinig mula sa aking likuran. Alam ko na si Daddy iyon.
"Y-yes!" sagot ko lang.
Humarap ako sa kanya.
"Oh! Bakit parang hindi ka masaya? Ang laki ng improvement ng Kompanya ng dahil sa'yo. Mapupunta din naman sa'yo to lahat kapag mawala na ako. Mabuti nalang at napakinabangan kita Shawn," ani ni Daddy habang nakangiti sa akin.
"Hi, parang ang sarap ng usapan niyo ah. Pwedi bang makisali?" nakangiting sabi naman ni Shanella.
"Oo naman. My future daughter in law," Hulakhak si Daddy pagkatapos niyang sabihin iyon.
"I'm so excited na ipakilala niyo na ako Tito. Matagal king hinintay ang pagkakataong ito. Kunting oras na lang at marami ng mga taga media ang darating para masaksihan ang magagandang pasabog sa party na ito. I'm just thinking kung ano ang magiging reaction ng isa diyan!" Tumawa din si Shanella.
"Huwag mo ng alalahanin iyan. She's useless now," ani naman ni Daddy.
Hindi ko kayang marinig ang kanilang pinag-uusapan kaya nagpaalam akong umalis. Pumasok muna ako sa loob ng opisina dahil dito ginanap ang party sa loob ng Kompanya.
Naupo ako sa chivel chair at sinandal ang aking ulo sa may upuan sabay pikit ng aking mga mata.
"I'm so sorry Erin!"
Hindi ko alam kung ano na ang mangayyari pagkatapos ng gabing ito. Kung pwedi ko lang mapigilan ang oras ay ginawa ko na.
Biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Shanella.
"Gusto kong mapag-isa pwedi ba layuan mo muna ako!" galit na singhal ko sa kanya.
"Why? Nalulungkot ka dahil ngayong gabi mo nalang makikita si Erin? Oh kawawa ka naman. Pero dapat kang magpasalamat dahil hindi naisipan ng Daddy mo na ipapatay siya," ani ni Shanella.
Tumayo ako sa may chivel chair ko. "Shanella, alam mo naman na hindi na kita mahal. Pero bakit mas pinipili mo na isiksik ang sarili mo sa akin? Ang daming lalaki diyan na mas deserved mo!" sabi ko sa kanya.
Biglang nagalit ang reaksyon ng kanyang mukha.
"Bakit mo pa ako itutulak sa iba eh ikaw ang gusto ko? Kunting respeto naman sa nararamdaman ko Shawn," aniya.
"Paano kung hindi ako papayag na ipakilala ka ni Daddy bilang fiancee ko ngayon? Wala kang magagawa," inis na sabi ko sa kanya.
"Are you sure na wala akong magagawa? Remember the USB na inilagay ko diyan sa drawer mo? Gagamitin kong ebidensiya iyon at ipapakita ko 'yun kay Erin. I have a copy kaya kahit itapon mo 'yun may hawak pa rin akong isa." Nagsmirk siya sa akin na talagang inaasar ako. Ang ipinagtataka ko lang ay kung anong USB ang sinasabi niya.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon