Chapter 10. Hard Decison

430 7 0
                                    

Naging magulo ang isip ko dahil sa sinabi ni Sir Shawn. Parang tama naman siya, gustong-gusto king ipatuloy ang talentong iniwan sa akin ng Mama at Papa ko. Nandito ako ngayon sa condo habang nagmumuni muni. Kanina ko pa tinatawagan si Shanella pero hindi ko siya makontak. Saan kaya ang babaeng iyon? Naisipan kong puntahan siya sa kanyang room. Pagkarating ko doon halos dumugo na ang aking kamay sa pagkatok nang pintuan ng kwarto nito pero walang bumubukas. Nagpapaalam din siya sa akin kapag aalis siya ngayon kang ata hindi.
Biglang tumunog ang cellphone ko sa aking bulsa. Kinuha ko iyon para makita kung sino ang tumatawag. Lumitaw ang pangalan ni Shanella kaya kaagd ko itong sinagot.
"Hello? Nassan ka? Kanina pa kita hinahanap ah," sabi ko.
"Ahmmm... basta may pinuntahan akong importante. Punta nalang ako sa room mo kapag nakauwi na ako!" aniya. Tila nagmamadali siya at nagulat ako ng may narinig aking boses ng lalaki.
"Shanella! Shanella!" tawag ko sa kanya pero binabaan niya ako ng telepono. Napabuntong hininga nalang ako, sino na naman kaya ang lalaking kasama niya? Hanggang kailan talaga hindi pa rin siya nagbabago. Pakiramdam ko may addiction na itong si Shanella sa sex eh. Bumalik nalang ako sa kwarto ko at humiga. Naisipan king kunin sa baol ang notebook na iniwan sa akin ni Mama. Diary niya ito at dito din nakasulat ang procedure kung paano gumawa ng sabon na pampaputi.
Napaka gaking talaga ng mga magulang at napaka talented.

(Flashback)

"Mama, balang araw magpapatayo ako ng sarili kong boutique at pinapangako ko na sisikat iyon sa buong mundo. Magiging magaling ako na taga gawa ng sabon dito sa Pilipinas," nakangiting sabi ko kay Mama.
"Naku anak, ikaw talaga napaka taas ng pangarap mo. Kaya kung gusto ming matupad iyon mag-aral kang mabuti ha. Kailangan mo iyon para mas lalong hahangaan ka ng mga tao, huwag kang maghangad ng ibang bagay sa mundo ng sobra. Iyan lang ang pamana namin sa iyo ni Papa mo," sabi naman ni Mama.
"Opo, Mama pero kung talagang magaling kauo gumawa ng sabon bakit kayo pinaalis doon sa Kompanyang tinatrabuhan niyo?" nalilito ko namang tanong. Matagal bago nakasagot sa akin si Mama, nag-isip muna siya at pinilit na ngumiti.
"Anak, may mga bagay na dapat kaming lang ni Papa mo ang nakaalam. Basta ipangako mo sa akin na balang magiging sikat ang sabon natin ha at tatawagin mo ito sa pangalang "Unique Whitening Soup" naintindihan mo?!" ani ni Mama.

End of Flashback.

Patuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha. Pangarap talaga nila na magkaroon ng sariling negosyo noon kaya nag-ipon sina Mama at Papa. Ngunit isang iglap lang ay naglaho na ang lahat lahat,  ang perang naitabi nila sa bangko ay hindi ko na alam kung sino ang kumuha. Ayon sa BDO may nag withdraw dito. Sayang naman ang mga pinaghirapan nang mga magulang ko. Dahil sa inggit ng mga taong nakapalibot sa kanila kaya nila ito pinapatay. I saw how they killed my parents. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nila akong hinayaan na mabuhay. Matapos naming maaksidente may mga lalaking lumapit sa amin. Akala ko tutulungan niya kami. Nakita ko rin si Mama at Papa na nagliligo sa sarili nilang dugo at hinahabol ang kanilanh hininga. Napaka swerte ko naman dahil kaunting galos lang ang nakuha ko.
Walang awang punagbabaril nila ang mga magulang ko. Sana pinatay nalang din nila ako noong mga panahong iyon.
Napaigtad naman ako ng marinig king tumunog ang pintuan. Kaagad kong pinunasan ang aking luha.
"Bes, nandito na ako tsaka may dala aking regalo sa iyo," nakangiting sabi sa akin ni Shanella. "Anong ginagawa mo‐---‐oh, gumagawa ka ng sabon?!" gulat pa nitong sabi.
Napatingin ako sa kamay ko. I'm mixing na herbal, hindi ko ito sinasadya. Siguro dahil sa anxiety ko sa mga naalala ko kaya hindi ko na namalayan na ito na nag ginagawa ko.
"Wow! Mabuti naman at naisipan mong ipagpatuloy iyan. Bakit hindi ka magpatulong kay Sir Shawn na magpromote ng product na iyan? Paniguradong yayaman ka niyan kasi napaka effective pa naman niyan," sabi ni Shanella.
Minsan ko na siyang binigyan ng ganitong sabon at nagustuhan niya kaso tinatamad na aking gumawa ulit.
"Sa tingin mo tutulungan niya kaya ako sa mga produkto ko? Paano kung hindi?!" nakataas kilay na sabi ko.
"Tutulungan ka non impossibleng hindi 'no. Halika nga muna kumain na muna tayo nitong pizza oh masarap 'to!" aniya.
Naalala ko ang lalaking narinig ko kanina na kasama ni Shanella. "Bes, sino ang lalaking kasama mo kanina? Si Malerick ba? Alam mo napaka familiar ng boses pero hindi ko lang matandaan kung sino. Iyong boses niyang bilugin------ay, parang kaboses niya si Sir Shawn!" sabi ko naman.
Bigla naman siyang nabulunan ng pizza. Dali-dali siyang kumuha ng tubig at uminom. "Nagpapatawa kaba? Si Sir Shawan talaga? Napaka impssible Bes," aniya.
"Alam ko naman na impossible ang sinasabi ko lang magkahawig sila ng boses. So sino nga iyon? Ikaw talaga ha baka may girlfriend na iyon ha kagaya sa ibang lalaki na nilalandi mo, baka malaman mo nalang may asawa na pala iyon!" sabi ko sabay kagat sa pizza na dala nito.
Tumawa naman siya sa akin. "Eh ano naman ngayon kung may girlfriend na? Kilala mo naman ako Erin, kapag gusto ko ang lalaki ginagawa ko ang lahat para makuha ko siya. Wala aking pakialam kung makakasakit ako kahit kaibigan ko pa," aniya.
"Hay naku, ilaw talaga bahala ka nga. Hindi ka talaga mapagsabihan ha, ang akin lang naman baka masaktan kana naman. Bakit ba kasi gustong gusto mo talaga ang mga lalaking may sabit na? Doon ka sa binata na kahit anong landian niyo walang masasaktan!" sabi ko naman. "Kagaya ni Sir Shawn, di'ba safe!" Nakangiting sabi ko.
"Erin, sanay na aking makipag-agawa. Pero ngayon? Tinitiyak ko na ako na ang pipiliin. Wala akong pakialam kung sino man ang masasaktan ako. Tsaka akala mo ba na hindi ko alam na si Sir Shawn ang lalaking naka virginize sa iyo?" ngumiti siya sa akin.
"How did you know?!" gulat kong sabi.
"I have my ways," aniya.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon