Chel's Pov
Hmmmnnn. Sarap pang matulog kaso maaga training. Magising na nga si Jovs.
Pagbaling ko...
"Jovs?"
Wala na pala akong katabi...
Umalis na kaya yon? Agad akong bumangon at sinuot ang robe ko. Biglang me narinig nalang akong ingay sa me kusina.
"Sinabi ko naman sayo di ba......Hahahaha...ako ng bahala sabi eh.....Sige...tawag ako mamya.....Bye." sabi nito at binaba ang phone sa lamesa.
"Sinong kausap mo?" bungad ko ng makarating ako sa kusina at naabutan siyang nagpreprepare ng breakfast.
"Baby, morning!" ngiti nito at binalikan ang niluluto. "Malapit na to. Meron ng French toast at egg dyan. Lapit ng maluto tong bacon."
Nanatili pa rin akong nakatayo sa me gilid ng lamesa. "Sino nga yung kausap mo?"
"Eto, luto na" sabi nito pagkaharap sa kin at inilapag ang platito na me bacon sa lamesa. "Halika na at maaga pa tayo." Aya nito at hinalikan ako sa pisngi. "Bango mo parin kahit wala ka pang ligo."
Naupo na rin ako. "Ano ba Jovs?...Di mo ba sasagutin ang tanong ko?"
"Coffee or Juice?" ngiti nito.
"Lintek naman oh!...Ano ba? Sino nga yung kausap mo?" sigaw ko.
Natigilan nalang ito at matalim ang tingin sa kin. "Panira ka talaga ng trip ano?"
"Bakit hindi mo masabi na si Wensh yung kausap mo ha?" sabi ko at pinandilatan siya.
"Eto ba?" sabi nya habang hawak ang phone nya. "Eto ba ng dahilan kung bakit kaaga aga, nagtatalak ka na? Eto ba ha?" galit na sagot nito. "O ayan, see it for yourself!" dugtong nito at binalibag ang cellphone sa lamesa.
Agad syang tumayo at naglakad palayo sa lamesa. "Wala ka bang tiwala sa kin ha? Sisirain mo nalang sa walang kwentang selos mo ang magandang breakfast na hinanda ko para sayo?" at tuluyan na syang pumunta sa kwarto.
Bigla nalang tumulo ang luha ko. Bakit kasi ang lakas ng kaba ko pag naririnig siyang me kausap na iba?
---
ARMY GYM
"Kaya pa ba?" sabi ni coach "Break muna for 30 minutes then we'll repeat the routine."
"Yes Coach." Sabi namin. Parang mauubusan na rin ako ng hininga sa ginawa namin.
"Asan nga pala si Jovs?" tanong ni tin ng makaupo sa bench.
"Oo nga ano..Wala ring pasabi na di sya makakarating." Sabi ni M9.
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Matapos naming magtalo kanina, nauna syang umalis sa akin.
"O eto na pala si bionic." Ngiti ni ate ging. "Bakit ka late ha? Di pa ba magaling paa mo?" dugtong nito at umapir ke Jovs pagkarating.
"Galing akong clinic eh..Pinacheck ko muna kung pwede na." sagot nito at naupo sa tabi ko.
"Pinalagyan mo ba ng tape ulit?" tanong ni M9.
"Oo, nilagyan ulit para di mapwersa. Advise nga e mag hinay hinay lang muna daw ako sa practice ngayon" sagot nito.
"Oo, dapat lang. Mabibigat na kalaban natin ngayon." Saad ni ate tina.
"Kaya nga." Ngiti ni Jovs at napatingin sa kin. "Ate chel, pwedeng pakiayos ung tape sa braso ko?"
Napatingin nalang ako sa inasal ni Jovs. Wala na ba talaga sa kanya yung pagtatalo namin kanina? At balik kami sa dati?
"Akin na." sabi ko at inayos ito. Nakapako ang tingin nya sa kin habang inaayos ko ang tape sa balikat nya.
"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko.
"Dapat ba laging me dahilan?" baling nito.
"Oo kasi everything happens for a reason." Saad ko.
"Pano kung alam mo na naman ang sagot? Bakit mo pa kelangang tanungin?" sagot nito at nakatitig pa rin sa kin.
"We need affirmations." Sabi ko.
"Is love not enough?" tanong nito.
Natigilan nalang ako. Bakit parang me kirot sa puso ko?
"Uhm...uhmmm.....mukhang seryoso kayo dyan ah." Biro ni M9 na nakaupo malapit sa min.
"Guys, Let's get back to work." Sigaw ni coach para simulan na ulit ang practice.
--
BINABASA MO ANG
Just a dream (Book 2)
FanfictionI was thinking 'bout her, thinking 'bout me Thinking 'bout us, what we gon' be Open my eyes yeah, it was only just a dream So I travelled back, down that road Will she come back, no one knows I realize yeah, it was only just a dream
