Chel's pov
"Ate chel.. Sandali naman o." habol ni Jovs ng di ko sya pinansin nung nagkasalubong kami sa locker room.
Agad nya akong hinawakan. "Pakingan mo muna ako..."
"Tantanan mo na nga ako... Wag ka ng umasa na magiging tayo pa!" sigaw ko.
"Ano ka ba?... Pag-usapan na muna natin... Nabigla lang naman ako..." pagmamakaawa nito.
"Kala ko ba gusto mong ayusin problema natin?.. Tama nga si Papa... Me isang bibitaw sa tin... At ikaw yon!" duro ko sa kanya.
Flashback>>>>>>
Ng maghiwalay ang mga labi namin. "Jovs... Gawa na tayo ng baby."
Parang humaling pa rin ito sa halik at biglang nagsabi. "Tara." Agad akong hinatak at nagmadaling makapasok sa condo.
"Teka... Ung sasakyan mo baka di nalock." sabat ko.
"Ok na... Nalock ko na yan." sagot nito na halos gusto ng liparin ang 21st floor sa kamamadali.
"Aba... Lagi kang handa ah." nasabi ko nalang na halos matisod na ko sa kamamadali namin.
Halos di na nagsayang ng oras si Jovs ng makapasok kami sa unit ko.
"Jovs... Teka... Teka.." wala na kong nagawa ng bitbitin nya ako sa me beywang papasok ng kwarto.
"Aayy.." sigaw ko ng agad nya kong tinulak sa kama.
"Chel... " Sabi nito na agad inalis ang tshirt nya at dumagan sa kin. "Hmmmm... Sobrang namiss kita." Bulong nito at siniil ako ng halik.
"Jovs... Teka parang ang bilis mo naman" pigil ko.
"Di ba ito gusto mo?" sagot nito. "Gusto ko rin to."
"E.. Oo pero hindi mo naman ako mabubuntis ano ba't nagmamadali ka?"
"Oo nga... Pero simulan na natin dito." sabi nito at nagpatuloy lang sa paghalik sa kin.
"So pumapayag ka na?" tanong ko at pinulupot ang braso ko sa leeg nya.
"Hmmmnn... Oo.." sabi nito at itinaas na ang tshirt ko. Nagsimula na ring mag-init ang katawan ko ng dumampi ang labi nya sa dibdib ko.
"Jovs... Kelangan na natin simulan maghanap ng donor... At dapat simulan mo narin maging healthy.. Masyado kang nahihilig sa junkfoods kasi." sabi ko habang napapaigtad sa ginagawa nyang paghalik sa katawan ko.
"Hmmmnn..."
"Iwasan mo na rin magpuyat ha...Jovs nakikinig ka ba?" pigil ko ng sinisimulan nya ng ibaba ang zipper ng shorts ko. "Jovs!"
Napatingala ito ."Oo... Kahit anong gusto mo, baby!" sabi nito at tuluyan ng hinilang pababa ang shorts ko.
Sobrang tuwa ko kaya agad ko muna syang hinila para mahalikan. "Baby... Ako bahala sa paghahanda para maging maayos ang pagbubuntis mo."
"Ha?" gulat nito. "Si-Sino magbubuntis?"
"Ikaw!... Di ba pumayag ka na?" sabi ko.
"Bakit ako?... Di ba ikaw dapat?" gulat na tanong nito.
Bigla ko syang tinulak. "Ano?... So ayaw mo?"
"A... Eh... Bukas na natin pag-usapan babe... Nakakabitin." iwas nito at hinalikan ako.
"Teka nga..." kabig ko. "So ayaw mo nga?" sabi ko at napaupo na ako.
"Aah... Ako pa... Pala muna... Iniisip ko kasi na ikaw?" naiiling na sabi nito.
"So ayaw mo nga... E Kala ko ba willing ka din magbuntis ha... Me nalalaman ka pang limang anak at gusto mo sabay pa tayo?... " inis ko at agad ko sinuot ang shorts at tshirt ko.
"Teka... Teka... Wag mo... " pigil nito at napasabunot nalang sa buhok nya. "Nambibitin ka naman o!" inis nito at napatayo narin.
"So galit ka ha? So talagang sex nga lang habol mo!" alma ko.
"Ano?... Kahit naman sino mabwibwisit eh... " galit nito at hinablot ang tshirt nya sa sahig. "Pwede naman kasi natin pag usapan bukas ang baby eh... Hindi naman din kasi na gusto mo ngayon na agad agad... "
"Hindi ko naman sinabi na bukas ka na agad magpapabuntis?.... Kaso mas inuuna mo kasi yang init ng katawan mo kesa mag-usap tayo!" angas ko.
"Ako pa ngayon?...E inakit mo ko!" sigaw nito.
"So kasalanan ko pa ngayon kung kaakit akit ako?" sagot ko. " Labo mo!"
"Ewan ko sa yo!" sambit nito at lumabas ng kwarto.
"Dyan ka magaling.... Mag walkout!"
<<<<<<
"Chel... Inaamin ko... Mali ako... Kaya please mag-usap tayo." hiling nito. "Sinusubukan ko naman baguhin sarili ko para sayo..."
"Talaga lang ha?.. E wala ka namang pinagbago." alma ko.
"Pinipilit ko naman." sabi nito. "Pero.... Pakingangan mo muna ako...Mahalaga ito." Dagdag nito at me inabot na papel sa kin.
"Ano to?" tanong ko. "Adoption papers?.... ni Baby...Baby Jaz?"
"Itutuloy pa rin natin... kahit ayaw nila." Sabi nito at biglang hinawakan ang kamay ko "Pumapayag ka ba?"
"Jovs.... " hindi ko malaman ang isasagot ko... Nagdadalawang isip nga ba ako?
"Sorry...Pero..." napayuko nalang ako. "Hindi pa nga siguro ako handa..."
BINABASA MO ANG
Just a dream (Book 2)
FanfictionI was thinking 'bout her, thinking 'bout me Thinking 'bout us, what we gon' be Open my eyes yeah, it was only just a dream So I travelled back, down that road Will she come back, no one knows I realize yeah, it was only just a dream
