Chel's pov
Three days later
Bigla nalang akong naalimpungatan ng me narinig akong kumakaluskos. Napalingon ako...
"Tin?" sabi ko na namamalikmata.
"Ate chel sorry." nanginginig na sagot nito habang tinatakpan ng kamay ang mga mata nya. "Hindi ko sadyang magising ka.... Kukuha lang ako ng damit at dun na ko matutulog ke ate M9."
"Eh okey lang... Kayo na pala roomate ni Jovs ng umalis si Jesse" sabi ko. "Teka... Bakit mo ba tinatakpan ang mga mata mo?"
"Eh ate sorry talaga." nahihiyang sabi nito. "Bukas kasi yung pinto kaya... Kaya pumasok ako... Di ko naman alam na magkasama kayo."
"Eh ano naman? Alisin mo na nga yang pagtakip mo?" utos ko.
"Eh ate.... Nakahubad kayo diba?" mahinang sabi nito.
"Ano?... Idilat mo na nga yang mga mata mo!... Nakakumot lang kami... Nakahubad na agad?" inis kong sagot.
"Eh..." sabi nito na nagawa na ring tumingin sa kin. "Hehehe... Sorry ate chel... Kala ko kasi..."
"Kala mo ano?" agad na tanong ko.
"E di ba kayo naman... Kaya okey lang.... Kaso wrong timing lang pasok ko.. Sorry talaga." paliwanag nito.
"Ano?"
"Ate syempre naman.... Matagal na naming alam.... Buksan mo lang cabinet ni Jovs, malalaman mo na." sabi nito at binalikan ang gamit nya.
"Bakit? Ano bang nasa cabinet nya?" tanong ko at napatayo nalang ako habang mahimbing paring natutulog si Jovs.
"Eto oh" sabi nito at agad binuksan ang cabinet ni Jovs.
"Aah..." napanganga nalang ako at puro pictures namin ang bumungad sa kin na nakadikit sa loob ng cabinet. Me nakalagay pang "forever". Susmaryosep! Kahit sino nga makakita nito, makakapagsabi nga na kami na nga.
"Marami na bang nakakita nito?" tanong ko.
"Oo naman....Halos lahat na siguro..." ngiti nito. "Kasi pag me hinihiram sila ke Jovs, kadalasan sinasabi ni Jovs na 'kunin nyo dyan sa cabinet'.... Yun!" dugtong nito
Gulat na gulat pa rin ako... Mukhang ako nalang ata ang walang alam - na alam na pala nila. Kaloka!
"Sweet ni Jovs no."ngiti nito. "alis na ko at nag-aantay si M9."
"Si M9?... Nasa labas?" tanong ko.
"Oo... Sabay kaming pumasok dito kasi... sana kukuha lang ako ng pera dahil kakain kami sa labas... Kaso sya na nga rin ngsabi sa kin na hayaan na dito ka nalang matulog at dun na ako sa bed mo....O cya ate alis na ko." sagot nito at lumabas na ng kwarto.
Hahay....Kaloka ang araw na to!
Rewind>>>>>>>
"Jovs!" sigaw ko na namataan ko syang palabas ng locker room. "Pwede bang kausapin mo si Chris?"
"Ha?"
"Hindi ko kasi maintindihan kung ano ba talaga sinabi nya at naiimbyerna na ako." sabi ko.
"Tungkol saan?" tanong nito na parang nanghihina.
"Tungkol sa tin.... Yung sinabi nya sa papa ko nung nasa bahay nyo." sagot ko.
"Ate chel... Di kita maintindihan.... E ano naman na ngayon?" saad nito.
"E kasi pinagpipilitan nila na tayo pa.... Nakakainis na kaya." inis kong sagot sa kanya.
Napakunot nalang ito at napahawak sa ulo nya. "Pwedeng bukas ko nalang intindihin yan?.... Punta muna ako sa quarters."
"Teka..." pigil ko at hinawakan noo nya. "Ang init mo.... Masama pakiramdam mo?" pag-aalala ko.
"Ok lang ako... Tulog lang to." tangi nya.
"Hindi eh... Halika na nga.... Samahan kita." aya ko.
Nang makarating kami sa kwarto nya.
"Humiga ka na... " sabi ko at kinumutan sya. "Sobrang taas ng lagnat mo. Uminom ka na ba ng gamot?"
"Kanina... Pagkatapos kong kumain." sabi nito at halatang giniginaw pa rin.
Tumabi nalang ako at niyakap sya.
Para naman syang bata at sumiksik sa kin. Nakakamiss din pala tong Ex ko. Kakaloka. Bakit ba parang lumalambot na naman ang puso ko?
Bigla nalang napadilat si Jovs at nakatingin sa kin. Tila bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan dahan syang lumapit at hinalikan ako sa labi.
"Jovs... Kaw ha....me sakit ka na nga, gusto mo pang makascore." sabi ko. "Break na tayo, remember?"
"Di ba panaginip ito?... Kaya okey lang...hmmmnn.." halatang nanghihina ito pero nagawa pang makahalik ulit.
BINABASA MO ANG
Just a dream (Book 2)
FanfictionI was thinking 'bout her, thinking 'bout me Thinking 'bout us, what we gon' be Open my eyes yeah, it was only just a dream So I travelled back, down that road Will she come back, no one knows I realize yeah, it was only just a dream