Chel's pov
PSL - Cuneta Astrodome
Petron Vs Mane N' Tail .
"Congrats Chel." Bati ng isang reporter. "Pabigat na ng pabigat ang laban ngayon, anong paghahanda ang ginagawa ng team nyo?"
"Ganun pa rin po, tuloy tuloy na training at tiwala po talaga..Tiwala sa sarili at sa isa't isa." Sagot ko at natapos na rin ang interview.
"Chel, next practice natin sa Monday, makakarating ka ha?" bilin ni coach.
"Opo coach" ngiti ko at nakigulo na ko sa mga kasamahan kong ngsasaya ng ika limang panalo namin.
Bigla nalang akong me namataan sa me di kalayuan. Si Jovs ba yon? Nanuod pala sya. Isang araw din siyang hindi nagparamdam. Wala man lang ni text o tawag.
"Tara ate chel, me dinner daw!" sabi ni dindin.
"Sige sunod ako, me kakausapin lang ako." Sabi ko at agad akong nagtungo sa kinaroroonan ni Jovs.
"Kanina ka pa?" bati ko sa kanya ng makalapit ako ng isang metro mula sa kanya.
"Hi!" ngiti nito at humakbang sya palapit sa akin. "Oo napanuod ko ung buong game nyo. Maganda yung laban. Ang galing mo pa rin."
"Salamat." Sabi ko at di ko malaman kung anong sasabihin sa kanya.
"Pwede ka ba ngayon?....uhm....pwede...pwede ba tayong lumabas?" naiilang na sabi nito.
"Ah...me dinner kasi kami ngayon kasama buong team..Hindi ka ba sa condo uuwi?"tanong ko.
Napakagat labi nalang ito. "Kasi....Sige saka nalang tayo mag usap kung kelan ka pwede."
"Jovs, teka....ganito nalang, magpapaalam lang ako na di na ako sasama okey. Me dala ka namang sasakyan di ba. Puntahan nalang kita sa parking lot?"sabi ko.
"Okey...Malapit sa me gate bandang kanan ako nakapark." Ngiti nito na tila nabuhayan.
Ilang minuto lang, kasama ko na si Jovs sa sasakyan nya.
"Buti nalang nagbago isip mo ano at sumama sa kin." Ngiti nito. "Nonood tayo ng sine."
"Ha? Sigurado ka?" tanong ko.
"Oo naman. 10pm ang last full show kaya aabot pa tayo. Showing pa yung ke Coco at Toni." Sabi nito at sinimulan ng paandarin ang kotse.
"Talagang magpapagabi tayo ha...Alalahanin mo me game pa tayo bukas." Sabi ko.
"Wag kang mag-alala. Puspusan naman training namin kanina. 7am hangang hapon na. Umeskapo na nga lang ako kasi sabi ko manonood nga ako ng PSL." Sabi nito
"Buti pinayagan ka ni Coach at di ka sinabon." Tawa ko.
"Hindi naman, kasi sabi ko para mapahinga na rin paa ko. E di lusot" ngiti nito.
"Sira ka talaga...Pero mag take out tayo ha. Nagugutom kasi ako."
"Oo naman kahit ako gutom." Sabi nito na nakangiting nakatingin sa kin. Napakagaan ng pakiramdam pag kasama ko si Jovs. At sana manatiling ganito buong gabi.
Nang makarating kami sa sinehan, agad kaming nagtake out at eksakto lang ang dating namin para sa last full show. Buti nalang at me dala kaming cap ni Jovs kaya wala gaanong nakakilala sa min. Ayaw ba naman bitawan ni Jovs ang kamay ko habang naglalakad sa mall.
"Ay shet nakalimutan ko yung jacket ko sa kotse."sabi ko.
"Eto oh...Ikaw na magsuot." Sabi ni Jovs at hinubad ang jacket nya.
"E pano ka?" tanong ko
"Anjan ka naman e. Ikaw ang jacket ko." Ngiti nito
Napangiti nalang din ako. Ngayon lang namin ulit magagawang manood ng sine na magkasama. Masaya ako ngunit tila me kirot akong nararamdaman pag naaalala ko ang pagtatalo namin nung isang araw. Pero ayaw ko naman sirain ang gabing ito para lang mapanatag ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Just a dream (Book 2)
FanfictionI was thinking 'bout her, thinking 'bout me Thinking 'bout us, what we gon' be Open my eyes yeah, it was only just a dream So I travelled back, down that road Will she come back, no one knows I realize yeah, it was only just a dream