Part 9

1.4K 28 0
                                    

Chel's pov

FLASHBACK>>>>>>>>>>>>>>>>

1 year ago — Army Gym

"Kelan ba sunod na practice?" dinig kong tanong ni ate ging.

"Bukas pahinga pa tayo malamang sa susunod na araw." Sagot ni Ate tina.

"Hindi ba pwedeng dalawang araw na pahinga?" singit ko na sobrang pagod na pagod na talaga ang katawan ko sa sunod sunod na practice.

Bigla ko nalang namataan si Jovs na parating. Parang napakaganda ng aura ni Jovs habang palapit sa amin. Ngiting ngiti ito na kita na ang cute na sungki nyang ngipin.  At me dalang red roses??

"Para sayo." Ngiti ni Jovs habang inabot sa kin ang dala nyang bulaklak.

"Jovs...." Natulala ako. Iniisip ba nyang? "Jovs...wag mo sana bigyan ng.."

"Teka ate.." sabi ni Jovs habang kinakapa ang bulsa nya.

"Wag mo sanang bigyan na kahulugan ang pagiging close natin... "

"Ha?..."

Pano ko ba sasabihin sa kanya pero bakit ang lakas ng kaba ko. "Hindi kasi ako... Wag mo sanang isipin na me gusto ako......"

Napanganga nalang ito at biglang napangiti "Ano?.... Iniisip mo bang sa akin galing yan?"

"Hindi ba?"

"Hahahaha....Lakas tama ka naman eh....Syempre hindi!"

"Ha?" at bigla akong namula.

"Ke Chris galing yan...pinapabigay... eto nga pala yung card...nahulog kasi kanina kaya binulsa ko nalang" nakangiti pa rin itong inabot ang card.

"Pwede naman...Hahaha.." singit ni ate tina "Ano nga yung tawag sa inyo?"

"Hahaha....oo nga Gonzaquis ba yon?....Pwede!" tukso ni ate ging.

"Never akong magkakagusto dyan ano." Angas ni Jovs. "Sungit kaya nyan, kawawa naman ako...e me pagka Amazona pa naman yan...Hahahaha."

Lakas mang-asar nito ah!

"Bakit sa tingin mo ba magkakagusto ako sayo! In your dreams!" inis na sagot ko. Aba kala nya napakaganda nya.

"In your dreams ka dyan!" sabi nito na nakapamewang sa harap ko. "Tingnan lang natin!"

"Oi kayong dalawa, magtigil na nga kayo....para na naman kayong aso't pusa." Saway ni ate ging.

"Alam mo ba kung mababago ko lang ang Alphabet.." baling ni Jovs sa kin. "I would put U and I together." Tukso nito.

"Nakssssss.......Cheezzzzyyyyyy.....Hahahaha" Tawa ni ate tina.

 

>>>>>>>>>>>>>>>> 

PSL — Cuneta Astrodome

Petron VS Shopinas.com

Biruin mo, nasungkit namin ang ika-sampung panalo at wala pa kaming talo . Nakakatuwa lang panoorin ang mga kasama kong nagsasaya sa pagkapanalo namin. Pero bakit di ko magawang magdiwang. Dahil ba nagdurugo ang puso ko ngayon at di ko na makakapiling si Jovs. Ayaw ko naman na isuko nalang sya at tuluyan ng kalimutan ang lahat.

"Ate chel" tawag ng isang babae sa likuran ko.

Lumingon ako "Wensh?" gulat akong lumapit sya para kausapin ako.

Just a dream (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon