Ito na nga siguro ang pinakamimithi ng mga babae.... Ang makasal. Sino ba naman ang mag-aakalang ikakasal ako ngayon? Aber... Ikakasal na nga talaga ako! Salamat sa aking mga super friends at sa connections ni Papa. Nagawa kong ibigay ang hiling ni Chel na makasal kami sa araw na to.
Ano pa ba ang mahihiling ko? Habang pinagmamasdan ko si Chel na naglalakad kasama ang Papa nya na medyo tuliro parin sa pagkabigla sa kasalan nagaganap, di ko maiwasan maalala lahat ng pinagdaanan naming hirap ni Chel. At sa gabi ng aming pag-iisang dibdib, tunay na kaligayahan ang nadarama ko.
Napakaganda ni Chel sa suot nyang wedding dress. Courtesy of ate ging at nagawa nyang makahanap agad ng white dress. Simple lang ito pero bukod tangi parin ang kagandahan ni Chel. Lalo pa syang nagmukhang dyosa sa ganda ng ngiti nya na bumagay sa mga bulaklak na nakapaligid sa roof top garden na pagmamay-ari ng business partner ni Papa. Para nga kaming nasa isang paraiso na saksi ang buwan sa aming pag-iibigan.
Suot ko? Syempre bukod tangi din ang damit na nahanap ni M9 para sa kin. Medyo lang pang beach attire na maikli ang cut pero bumagay naman sa kin. Syempre madalian lahat, magiging choosy pa ba ako? Ang mahalaga... Eto na yon oh... Ikakasal na nga ako!
Kahit dama ko na ang sobrang pagod sa buong araw na pag-aasikaso para lang maisakatuparan ang kasal na to, lubos din akong nagagalak na makasama ang buong team army. Nagawa ring makahabol Ng ilan sa mga kasamahan namin sa team pinays. Syempre present din ang ever supportive kong family. At nakarating din ang mga kapatid ni ate chel. At higit sa lahat, ang aming munting anghel na si baby Jaz.
Ito na siguro ang dream come true na matatawag. Ang maikasal ka sa taong mahal mo. At magsasama kayo habang buhay.....
"Jovs... Jovs... Uupo na tayo at start na." hatak ni aly at agad akong pinaupo.
"Ha?"
"Okey ka lang ba? Kanina ka pa tulala." pansin ni Aly.
Teka..... At sa huling pagkakataon, sinulyapan ako ni ate Chel. Hindi ko mapaliwanag ang kasalukuyang nangyayari pero bakas sa mga mata nya ang pag-aalinlangan.... Ito na ba ang kasagutan sa mga tanong ko? Na hindi ako ang pinili nya pero ikakasal sya ngayon. Hindi sa akin.... Kundi ke Peter.
Gumising ka na sa katotohanan, na ang pag-iibigan namin ni ate Chel ay pawang kathang isip lamang.....
The end....
Book 3????? Well.....
BINABASA MO ANG
Just a dream (Book 2)
FanfictionI was thinking 'bout her, thinking 'bout me Thinking 'bout us, what we gon' be Open my eyes yeah, it was only just a dream So I travelled back, down that road Will she come back, no one knows I realize yeah, it was only just a dream
