"Baby Jaz... Wag ka ng umiyak... Bakit ba parati kang umiiyak pag paalis na ako?... Kanina naman ang saya saya mo... Adik ka rin no... Mana ka sa mommy mo!" ngiti ko.
Mommy mong nagpapakasaya sa boracay ngayon. Malamang naka two piece pa yun at halos luwa ng kaluluwa nya na pinangangalandakan sa buong madla. Haiz, kung andun lang ako..sinakluban ko na ng sako yun.
"Waaaa..waaa" iyak ni baby jaz.
"Tahan na baby." sabi ko at kinarga ito. Ano ba talagang gusto mo? Nagagalit ka ba dahil di mo pa nakikilala si mommy chel mo? Pano naman kita mapapakilala sa kanya, eh malabong magkaayos pa kami. Haiz.
"Jovs" bati ni tita belle ng makapasok sa silid ko. "Paalis ka na ba? ...kami ng bahala ni yaya ke baby jaz." ngiti nito.
"Opo tita... Kaso umiiyak na naman pag paalis ako." sabi ko.
"Syempre... Mamimiss ka nya buong araw." sabi nito at kinuha na si baby jaz sa akin. "Wag na iyak baby... Malapit mo ng makilala pa isang mommy mo"
Natawa nalang ako sa sinabi ni tita. Bakit ba iniisip nila na magkakabalikan pa kami ni ate chel.
"Jovs" baling nito. "Nagkaayos na nga ba kayo?"
"Po??" iwas ko. "Di ko pa po naisip yun."
"Ano ka ba? Babagal bagal ka. Buti nalang mabilis kami ng papa mo." ngiti nito habang inaaliw si baby jaz.
"Ano po?" taka ko.
"Kami ng lumiligaw para sa yo... Sabi kasi ni Chris di mo naman nagawang ligawan nun si chel.... Kaya siguro ayaw kang sagutin ngayon.... But don't worry..."
"Tita" singit ko. "Niligawan nyo si chel?"
"Oo nga.... Malamang pagbalik nya ng bora... Sasagutin ka na agad." ngiting ngiti ito. "Ooppss... Wag ka ng umalma..."
"Haiz?... Bakit ba pinapangunahan nyo ako?" napakamot nalang ako sa ulo ko.
>>>>>>>
Army gym
Katatapos lang namin magsalo salo sa dalang pancit malabon ni ate tina.
"Grabe... Sobrang busog...ate tina bukas ulit ha." sabi ko.
"Aba... Abusado... Ate tina spaghetti naman bukas." dagdag ni tin.
"Aba... Hindi rin kayo makapal ano?" biro ni ate tina. "bukas buhangin ang dadalhin ko.. Hahaha"
"Naku ayaw ko ng buhangin...Pwedeng samahan mo ng cake?" dagdag ni ate ging.
At nagtawanan kaming lahat. Napakasaya talagang kasama ang team ko. Puro lang kami tawanan at biruan.
Bigla nalang me nglapag ng card sa harap ko.
"A-ano to?" sabi ko at napalingon ako. "Ate chel.... Dumating ka na pala."
"Anong ibig sabihin nyan?" inis nito at tinuro ang card na inilapag nya sa lamesa.
"Ah... Eto ba?..." biro ko para mapawi galit nya. "E di card!..Hehe" bigla kong binuklat at binasa ito. "Dear chel... Missing u.. Xoxo JG..... Sinong Xoxo JG?"
"Ano ba gusto mong palabasin, e sayo galing yan!" sabi nito. "Me kasama nga yang ilang dosenang bulaklak at inilibing ko na sa boracay!"
"Sa kin galing?" taka ko. "Hibang ka ba? Ako mgpapadala ng bulaklak sa yo sa boracay?" bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni tita belle. Haiz ito na yon!
"Aba so tinatangi mo?" angas nya.
"Hindi nga ako.... Ma...malamang sila Papa nagpadala nyan." hiyang sabi ko at nagawa pa namin magtalo sa harap ng mga kasamahan namin. "Hayaan mo sasabihan ko.."
"Ano ba tong pakulo nyo ha? Bakit ba ayaw nyo akong tantanan?" sabat nito.
Napatayo nalang ako dahil nahihiya na ko sa mga kasamahan namin.
"Baka pwedeng wag dito." awat ko at hinawakan braso nya.
"At bakit?.. nahihiya ka? E nagawa mo ngang idikit mga pictures natin sa cabinet mo... Para ano... Ni hindi mo man lang sinabi sa kin na alam na pala nila!" sagot nya at kinabig ang kamay ko.
"Ano?... Teka nga... Bakit ka ba naiinis kasi... E hindi naman bulaklak para sa patay ang binigay sayo, diba?" angas ko.
"Ano ba kasi gusto mong palabasin? .. Na nililigawan ako ng pamilya mo?"
This is it Jovs... Isigaw mo na!
"Oo.... Kasi....kasi... " sobrang kaba ko. "...kasi... I STILL LOVE U CHEL!" sigaw ko. "And i can't live a day without u."
"Wooooo....wooooh!..Sa wakas!" tuwa ng mga kasama namin at nagpalakpakan silang lahat.
Chel's pov
"Oo.... Kasi....kasi... " kabado ito. "...kasi... I STILL LOVE U CHEL!" sigaw ni Jovs. "And i can't live a day without u."
Natigilan ako... Feeling ko sobrang pula ng mukha ko.
"Wooooo....wooooh!..Sa wakas!" tuwa ng mga kasama namin at nagpalakpakan silang lahat.
"Stop it!... Hinding hindi ako makikipagbalikan sayo!"inis ko at tuluyang umalis.
Bakit di ko magawang maniwala sa sinabi nya? Hindi tuwa kundi sobrang sakit parin ang nararamdaman ko.
"Chel!" habol ni Jovs.
Di ako natinag at diretso akong ngtungo sa parking lot.
"Chel...Wait.." hingal na sabi nito ng maabutan ako. "Pakingan mo muna ako."
"Jovs tama na please.." di ko na napigilang maluha at tinakpan ko nalang ng kamay ang mukha ko.
Agad nya akong niyakap. "Sorry....hindi na..." bulong nito at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kin. Dama ko sa yakap ni Jovs kung gaano nya pinahahalagahan ang pagkakaibigan namin.. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ko magawang ibigin syang muli.
Bigla nalang me tumunog.
"Teka." sabi nito at kinuha ang phone sa bulsa nya.
"Chris?... Ano?..Ngayon?... Sige punta ako jan." pagtatapos nito.
"Chel..." sabi nito na halatang kinakabahan. "Alis na muna ako.... Shit!... Nasa shop nga pala car ko... "
"Hatid na kita... San ba?" bigla rin akong kinabahan ng makita si Jovs na natataranta.
"Makati med." sabi nito.
BINABASA MO ANG
Just a dream (Book 2)
FanfictionI was thinking 'bout her, thinking 'bout me Thinking 'bout us, what we gon' be Open my eyes yeah, it was only just a dream So I travelled back, down that road Will she come back, no one knows I realize yeah, it was only just a dream