Chel's pov
"Ang daya mo talaga ate chel" reklamo ni aly ng makarating kami sa condo ko, "nagpakahirap pa naman ako kumuha ng reservation at pinakiusapan ko pa yung manager na bigyan tayo ng magandang pwesto sa bigating resto na yun tapos ipapacancel mo lang!" dugtong nito.
"Alam mo ikaw, paulit ulit ka na. Kanina ka pa reklamo ng reklamo sa kotse." angas ko.
"E pano ba naman, porke hindi kasama si Jovs eh cancel na din yun! Mababaliw ako sa yo! E nagugutom pa naman ako!" sagot nito.
"Eto oh, kaya nga tayo bumili ng pagkain!" naiirita na talaga ako sa kakadakdak ni aly at minabuti ko nang ayusin ang mga pagkain na binili namin.
"E bakit nga? Bakit mo pinacancel? Napakainsensitive mo naman! Di mo ba naisip na gusto kong kumain dun?" patuloy nito.
"O sige na...sorry na...eh nag iba kasi mood ko. Kainis kasi bakit andun pa si Wensh." saad ko.
"E natural, girlfriend ni Jovs yun." sagot ni aly na napakamot nalang sa ulo nya.
"Hindi sila...never naging sila." sabi ko.
"Hahaha...ate chel ano na naman tinurok mo? Nababaliw ka na naman" natatawang naiiling na sabi nito.
"Totoo, nagpapanggap lang sila...inamin na sa kin ni Peter lahat. .. Nga pala, break na kami ni Peter." paliwanag ko.
"What?" gulat na tanong ni aly. "Kelan pa? At bakit naman biglaan?"
"Kahit ipilit ko pa, wala talaga. Ganun din naman siya kaya minabuti na naming maghiwalay nalang...nagbreak kami 3 days ago." sagot ko.
"So break na kayo ni Peter...tapos itong si Jovs di naman talaga jowa si Wensh?.... Ang gulo? Bakit kelangan magpangap ni Jovs?" gulong gulong sabi nito.
"Para tuluyan na akong maturn-off sa kanya at mahalin ko na talaga si Peter.... Pero ang hirap palang turuan ang puso." sabi ko.
"So ngayon....happy ending na ang drama mo kaya gusto mong sabihin na ito ke Jovs?" panunukso ni aly.
"Ang talino mo talaga!...hahaha...tumpak ka jan" ngiti ko.
"E bakit magkasama parin sila ni Wensh?" agad na tanong nito.
Napaisip rin ako bigla. "E kasi hindi pa nga nila alam na break na kami ni Peter."
"Bilib naman ako ke Jovs...talagang ginawa pa nya yon, matupad lang pangarap mo." sabi ni aly.
"Kaya nga mas lalo ko pa tuloy siyang minahal" ngiti ko.
"Parang gusto ko na rin siya" biro nito.
"Magtigil ka! Akin lang si Jovs no!" sabi ko sabay hampas sa balikat ni aly.
"Aray ko naman... Iyong iyo na." daing nito. "Bakit di mo pa sinabi kahapon sa kanya eh magkasama nman kayo sa practice." dugtong nito.
"E syempre di pa ko handa....tyaka kanina ko lang nakuha yung singsing. Pinarush ko nga eh." sabi ko at dali kong kinuha ang bag ko para kunin ang singsing, "Magpropropose na ako ke Jovs...This is it na talaga... It's now or never!" dugtong ko.
"Sheeeetttt.... Parang naiyak naman ako...totoo? After all these times, finally!" naiiyak na sabi ni aly at bigla akong niyakap. "Ate chel I'm so happy for you."
"Ako rin... Halos di na nga ko mapakali kanina pa." sabi ko habang tinititigan ang singsing namin na me nakaengrave na "Chel & Jovs - Forever"
"Ay... Kainis..kinikilig ako..hahaha" tawa ni aly. "So ano na? Pano natin mahahanap si Jovs?"
"Maaga pa naman. 8pm palang" sabi ko pagkatingin sa relo. "Papuntahin natin siya dito." dugtong ko.
"Sige...ayyy..naeexcite naman ako...ako pa ang witness...hahay..ako ng tatawag." kinikilig na sabi ni aly.
Agad na kinuha ni aly ang phone nya. "Ayan...nagriring na....ang tagal naman nyang sagutin..."
"Idial mo ulit." pilit ko.
"Eto na...Jovs...Hello Jovs?...Jovs asan ka....ha?...Di kita gaanong marinig...ha?...e kasi kelangan ko na kasing umuwi... Si ate chel kasi nalasing." sabi nito habang natatawang nakatingin sa kin. "Oo....sabi ko si ate chel lasing...e di ko maiwan..kelangan ko ng umuwi at hinahanap na ko ni mama.,..Ha?..dito sa condo nya...pupunta ka ha?...ok..bye" pagtatapos ni aly.
"O ano raw? Darating ba siya?" agad na tanong ko.
"Oo daw...kaso ang labo...mukhang...me kasama pa siya eh... "pagtatapat ni aly.
"Si wensh kaya?" bigla tuloy akong kinabahan.
"Di ko masabi... E pano na yung drama mong 'Now or never' , kung di naman sya dumating? " pag-aalala ni aly. "Di mo ba pwedeng iextend ng 1 more day?"
"Kung concern pa rin siya sa kin, darating siya....Alam kong darating sya..." sabi ko.
Jovs di ko na kayang mag antay pa bukas dahil ito na ang tinakda para sa tin....Ikaw at ako.... It's now or never.....
![](https://img.wattpad.com/cover/36853756-288-k490502.jpg)
BINABASA MO ANG
Just a dream (Book 2)
Fiksi PenggemarI was thinking 'bout her, thinking 'bout me Thinking 'bout us, what we gon' be Open my eyes yeah, it was only just a dream So I travelled back, down that road Will she come back, no one knows I realize yeah, it was only just a dream