Part 27

1.2K 26 1
                                        

Sobrang excited na ako dahil magsasama sama na kaming tatlo. Pumayag narin si Chel na dito narin titira si Baby Jaz sa condo nya. Ano pa bang mahihiling ko? Ako na yata ang pinakamasayang nilalang sa buong mundo. At matapos lang ang SVL at iba pang commitments ni chel, magtutungo na kami sa America para magpakasal.

Habang pinagmamasdan ko si Chel na inaayos ang pinamili naming gamit ni baby Jaz, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Parang kelan lang, para kaming aso't pusa ni Chel. Ibang iba na ngayon. Pareho na kasi kaming matured at responsable.

"O... Bakit ka nakangiti dyan?" pansin nito.

"Ang swerte ko kasi. " sabi ko at niyakap sya sa me beywang. "Biruin mo... Napasagot ko ang dyosa."

"Swerte mo talaga!" irap nito. "Nakajackpot ka... Para kang nanalo sa lotto." ngiti nito.

"Hahaha... Sobra... High na high pa nga ako eh." tawa ko. "Baby... Baka pwedeng makaisa...bago natin sunduin si baby Jaz." hirit ko at hinipan ang tenga nya at kinagat ito.

"Jovs naman..." iwas nito. "Nakakarami ka na ha...Wala ka na ngang palya... Umaga't gabi nalang... Tapos ngayong tanghaling tapat gusto mo pa."

"E baby kasi... Baka pag andito na si baby Jaz... Wala ka ng time sa kin." tampo ko.

"Aba... Tatampo agad eh wala pa naman." sabi nito at humarap sa kin. "Pwede bang wala akong time sa baby ko." hinawakan ako sa mukha sabay hinalikan. "I love you baby ko."

Agad ko syang niyakap at mariing hinalikan. Hindi ko na kinaya ang panggigigil ko kaya agad ko syang inihiga at pumatong ako sa kanya.

"Jovs teka" pigil nito. "Baka inaantay na tayo ng papa mo at ni tita belle... 1130 na... Di ba dun tayo maglunch?"

"Baby... Mabilis lang to please... " pagmamakaawa ko at dali dali kong tinanggal ang butones ng polo nya.

"Jovs... Sandali.." sabi nito pero wala na rin syang nagawa at tumugon nalang sa kahilingan ko.

-

"Buti naman at magkasundo na kayo. Alam ko naman na magkakaayos talaga kayo." bungad ni tita belle ng saluhan namin sila sa pananghalian.

"Sigurado na ba kayong isasama nyo na si baby Jaz... Pwede naman na dito muna sya kung medyo di kaya ng schedule nyo." pag-aalala ni Papa.

"Kakayanin naman po namin, Tito." sagot ni Chel. "Tyaka me yaya naman sa umaga para pag wala kaming pareho ni Jovs."

"Pwede mo ko kuning yaya, iha." biro ni tita belle. "Naku mamimiss ko talaga si baby."

"Wag kang mag-alala tita, baka madalas ka naming kuning yaya." tawa ko.

"Gusto ko yan." ngiti ni tita belle. "Chel, kung okey lang sa yo..sana kahit sa weekend... Dito kayo tumira... Malaki naman kwarto ni Jovs... Para makasama ko naman ang apo ko." pakiusap ni tita.

"Syempre naman po." ngiti ni chel. "Sa darating na weekend, dito po kami magstay."

"Ay.. Buti naman... Salamat Chel." sagot ni tita.

"Si baby Jaz kasi aliwan namin dito.. Kaya siguradong mamimiss namin." dagdag ni Papa.

"Tingnan ko lang si baby Jaz baka gising na." paalam ko at agad akong nagtungo sa kwarto ko.

Nang makalapit na ko sa kwarto.. Parang me tao sa loob....

"Wensh?" nakatayo ito at karga karga si baby Jaz.

"I love you, baby Jaz." sabi nito.

"Andito ka pala, sabay ka ng maglunch sa min." Aya ko.

"Bakit mo ititira si baby sa condo ni ate chel?" agad na tanong nito. "Hindi mo man lang sinabi sa kin... Kung di ko pa tinawagan si tita kanina, di ko pa malalaman."

"Ha?" gulat ko sa tanong nya. "Ito naman talaga ang plano eh... Na magsasama sama kaming tatlo." paliwanag ko.

"Pano naman ako?... Ha?... Napamahal na sakin si baby kaya hinding hindi ako makakapayag!" angas nito.

"Ano?... Anak ko si baby Jaz... At ako ang me karapatan sa kanya... Ano bang nangyayari sa yo Wensh?" lumapit ako at kinuha si baby Jaz at nilapag ito sa crib nya.

"Ganon nalang ba yon?... Napamahal na sa kin si baby... Wag mo naman syang ilayo sa kin.." sabi nito.

"Hindi ko naman hiniling sayo na alagaan si baby ah... Ikaw ang nagprisinta.. Wensh... Magkaibigan tayo... Bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong ko na me pag-aalala.

"Bakit?... Nagkaganito ako simula ng nagparaya ako.." sabi nito at hinawakan ako. "Umaasa ako na mababaling ang tingin mo sakin pag napamahal sa kin si baby... Jovs masaya na tayo, di ba? Kilala na ko ni baby bilang mommy nya. Masaya na tayo na parehong napupuyat sa pag-aalaga ke baby. Nakalimutan mo na ba yon?"

"Ano bang pinagsasabi mo?.. Wag mo naman bigyan ng kahulugan....Ni minsan hindi naging tayo... At kung ung dati man napasagot mo ko... Hindi ko ginusto yon." pilit kong kinabig ang kamay nya.

"So ano ako? Panakip butas mo lang?... Hinalikan mo ako Jovs... Dito mismo sa kwarto mo." angas nito.

"Totoo ba?" tinig ng isang babae.

Napalingon ako. "Chel.. " agad akong lumapit sa kanya. "Chel, maniwala ka... Walang namamagitan sa min."

"Totoo bang hinalikan mo sya?" ulit na tanong nya.

Aaminin ko ba? "Chel..."

Matalim akong tiningnan nito at biglang tumalikod.

"Chel... Sandali..." habol ko at pinigilan sya.

"Lagi mo nalang ako sinasaktan, Jovs." Di na nito napigilan ang luha nya.

"Chel... Pakinggan mo naman ako o." pagmamakaawa ko.

"Tama na please... Hayaan mo na ko." hikbi nito at tuluyang umalis.

"Chel naman..."

Just a dream (Book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon