Part 29

1.1K 31 1
                                    

Chel's pov

10:45am....

Nasan na kaya si Jovs? Kanina pa sya umalis pero di pa tumatawag kung anong plano nya. Anytime darating na si Papa para sunduin ako. Pano na ang kasal namin?

Ding doooonnggg

Naku si Papa na yan! Di na tuloy ako mapakali.

"Jovs?... Ah... Bakit andito pati si baby Jaz?" gulat ko pagkabukas ng pinto.

"Chel... Bigla kasing umalis si yaya... Me emergency sa kanila" hingal nito. "Tapos si tita check up nya ngayong umaga kasama si Chris... Eh si papa naman me meeting." dugtong nito.

"So pano na?" tanong ko at kinuha ko si baby Jaz. "Anong plano na?"

"Magtanan nalang tayo?" sagot nito at nilapag ang bag na gamit ni baby.

"Ha?.... Ayaw ko naman umalis ng ganon... Di ko kayang gawin yun ke Papa." sagot ko. "Parating na si Papa at tyak na magagalit yun pag nakita ka. Tumawag na nga kanina at pinapaempake na ako."

Napaupo nalang ito sa sofa at napabuntong hininga. "Hindi ako papayag na mawalay ka pa sa kin, Chel... Sige ako ng bahala... Tatawagan ko na ang aking mga super friends"

"Ano?... Jovs... Seryoso si Papa na paghiwalayin tayo." pag-aalala ko.

"Baby... Seryoso din ako na papakasalan kita bago matapos ang araw na to." Saad nito at biglang tumayo.

"Pano?"

"Tatawagan kita okey... Alis na muna ako." agad na sabi nito at hinalikan ako. "Magtiwala ka lang, Chel." dugtong nito at hinalikan din si baby Jaz at agad ng umalis.

"Teka...." habol ko. Naku iniwan pa si baby. Lagot na.

Sana matuwa si Papa pag nakita ka baby Jaz at magbago ang isip nya.

-

315pm.....

Dinggg donggg

Pagbukas ko ng pinto. "Papa..."

"O bakit di ka pa handa?... At sinong bata yan." tanong ni papa ng makitang karga karga ko si baby Jaz.

"Eh... Papa.... Anak ko...Si baby Jaz.." nginig kong sagot.

"Ano?.... Itinuloy mo pa rin?... Asan na si Jovs!" angas nito at nagmadaling pumasok.

"Pa... Wala si Jovs dito."

"Ang tigas talaga ng ulo mo... Tinangap mo pa yang bata... Tara na nga at magbihis ka na.... Dalhin na rin natin yan." galit nito.

"E... Papa... Pwede po bang kargahin nyo muna si baby?" ngiti ko. "Ayaw magpalapag eh... Pano ako makakapagbihis?"

"Ay nakung bata ka!... Akin na nga." sabi nito at kinuha si baby Jaz.

Nakakatuwa naman silang tingnan. Baby Jaz aliwin mo sana si Papa para patawarin na si mommy Jovs mo.

4:37pm...

"Asan na inempake mo?" pansin ni papa ng makitang isang packbag at bag ni baby ang bitbit ko.

"Me damit naman ako sa bahay, Pa." sagot ko.

"Aba... Talagang me plano ka pang bumalik dito ha." inis na sabi nito

"Waaaa... Waaa." biglang iyak ni baby.

"Naku... Tahan na baby." pag-amo ni papa ke baby.

"Ayan kasi... Nagulat sa boses mo." sabi ko. "Natakot siguro sayo."

"Sorry na... " sabi nito at sinayaw sayaw si baby.

Napangiti naman ako. "Love mo na apo mo Pa?" biro ko.

"Tigilan mo nga ako." sagot nito. "Hawig mo si Baby ano?"

"Napansin nyo rin?" ngiti ko. "Si Jovs nga agad nakapansin nyan kaya di na binitiwan si baby."

"Wag mo ngang mababangit ang pangalan non." sabat nito. "Halika na at baka gabihin pa tayo." diretso na tong lumabas na karga karga pa rin si Baby.

Wagi ka talaga baby Jaz... Konti nalang at mapapaamo mo na si Papa. Nasan naman kaya si Jovs?

5:11pm...

"Asan po sasakyan mo Papa?" tanong ko ng makarating kami sa parking lot.

"Banda dun." turo nito at tuwang tuwa pa rin na inaaliw si Baby Jaz.

"Papa... Flat yung tire... Naku dalawa pa!" sigaw ko ng makalapit ako sa sasakyan.

"Ha?... Lintek na... Sino naman me gawa nyan?... Asan na ba yung guard at di man lang nabantayan." sabi nito.

Si Jovs ba me gawa nito?

"Pa... Relax po... Medyo sa malayo po kasi kayo ng park kaya di nila napansin... " pagdadahilan ko.

"Kahit na... E Isa lang spare tire ko.... Asan ba sasakyan mo?... Babalikan ko nalang yan bukas." sabi nito.

"Pa, nasa Army Gym... " sagot ko kahit nasa basement nakapark ang sasakyan ko. "Sa Quarters ako natulog bago yung game nung Sunday at sa shuttle sumabay... Tapos di ba sinundo nyo ko?" pilit kong pinipigilan sarili ko at baka mahalata ni Papa.

"Kung mamalasin ka naman..." napakunot nalang ito.

Bigla nalang me humintong sasakyan sa harapan namin.

"Ate chel!" bungad nito sa me bintana. "Me problema ba?"

Aba ito na siguro ang Isa sa mga super friends na sinasabi ni Jovs.. Si Aly.

"Aly... Napadaan ka?"

"Binisita ko pinsan ko dito... Dito rin nakatira.. Eh bigla kitang nakita." ngiti nito. "Hello po Tito... Si baby Jaz ba yan."

"Hello din iha." bati ni papa.

"Aly naflat gulong kasi..." sabi ko na sumesenyas ng palihim ke Aly.

"Hatid ko na kayo." ngiti nito na mukhang nagkakaintindihan kami.

"Eh iha... Malayo ang Taytay." singit ni Papa.

"Ok lang po, maaga pa naman". Sabi nito at inaya na kaming sumakay.

-

"Iha, ... Kabisado mo ba daan?" pansin ni papa na sa likuran umupo at karga karga parin si baby Jaz.

"Tito short cut po ito." loko ni aly. "Madalas din po ako sa Taytay kaya alam ko po yung mas madaling daan." nagkatinginan nalang kami ni Aly.

7:03pm....

"Teka asan tayo?" pansin ni papa ng biglang ipinark ni Aly ang sasakyan sa harapan ng isang building.

Jovs... Ito na ba?... Dito ba tayo ikakasal. Nakangiti lang si Aly na nakatingin sa kin. Bigla naman kaming sinalubong ng Papa ni Jovs.

"Kumpadre!"bati ng Papa ni Jovs ng makalapit sa min.

Wala ng nagawa si Papa kundi bumaba ng sasakyan.

"Anong ibig sabihin nito?"Takang taka pa rin ito.

"Buti naman at nakasama mo ang apo natin." sabi ni Tito at inakay si Papa papasok sa loob.

Di ko maipaliwanag ang pakiramdam. Halong kaba at saya... This is it!

"Ready ka na ba, ate Chel?" ngiti ni aly.

Just a dream (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon