Part 8

1.3K 33 2
                                    

Chel's pov

SVL - San juan arena

Army vs Meralco


"Ate chel" bati ni aly ng makasalubong ko matapos ang game nila. "Galingan mo ha, baka matalo na naman kayo."

"Oo naman no...yabang nito porke wala pa kayong talo." agad na sagot ko.

"Maliit na bagay...hehehe." biro nito. "Oi si Jovs kararating lang?" dugtong nito ng namataan si Jovs na kasabay pumasok si Wensh.

Napalingon na rin ako. "Aba....talagang sabay pa sila ni legal wife." pansin ko at nagawa pang halikan nito sa pisngi si Wensh bago sila maghiwalay.

" Ano?....hahaha...so inako mo ng kabit ka?" lakas ng tawa nito.

"Hindi no!"saway ko ke aly. "break na kami." Bakit ba magkasama na naman sila?

"Buti nalang nakahabol pa ko." ngiti ni jovs ng makalapit sa min.

"Swerte mo nga eh....kung san san ka pa kasi sumusuot!" angas ko.

Napakunot nalang ito."Ate chel...pwede ba?...ipostpone mo muna selos mo." Saad nito.

"Hindi ako nagseselos no?"sagot ko. "Break na tayo di ba?"

"Break?.....Oo nga pala..Ms Single!" irap nito. "Ni hindi mo nga maamin na tayo."

"Aray naman...hahaha" singit ni aly."Nabasa ko rin yun ah..un ba yung interview ng rivals."

"Ano bang sinabi kong mali dun ha?" pag-aalangan ko. "Alam mo naman na hindi pa ko ready na maging open di ba?"

"Oo nga pala....hindi matatangap ng mga fans mo." tampong sabi nito.

"Jovs..." sabi ko at hinawakan ang mukha nya. "lam mo naman di ba...kahit ikaw hindi ka pa handang umamim." bulong ko sa kanya.

Nakatingin lang ito at nagsabing "Kiss mo nga ako?" tukso nito.

Napangiti nalang ako at hawak pa rin ang mukha nya "Kaw no...daming camera sa paligid kaya. Mamya na ang kiss pag nanalo tayo." Bigla nalang napawi ang selos ko pag ganitong nagpapacute si Jovs.

"Sarap nyong pag-untugin!" singit ni aly. "Kanina nagbabangayan...tapos ngayon dami ng langgam."

"Hindi ah" tangi ko. "Inaamo ko lang sya kasi mukhang kabado" pag-aalala ko. Para kasing pinagpapawisan ng malamig si Jovs. "Okey na ba talaga paa mo?" baling ko ke jovs.

"Oo naman" agad na sagot nito na biglang hinawakan ang kamay ko.

"Aysus...kinakabahan lang yan....kasi maghaharap ang legal wife at ang kabit...hahaha!" tawa ni aly.

"Ano?...Sira ka talaga aly!" saway ni Jo

Natapos rin ang game in 4 sets.

"Yes buti nalang at nanalo tayo." sigaw ni ate Tina.

"Yes!" sigaw ko rin habang nagsasaya kaming lahat. Asan...asan na ba si Jovs para mabigay ko na ang kiss nya.

"M9 nakita mo si Jovs?" tanong ko.

"Nagmamadali kanina...kasama si Wensh." sagot nito

Aba... Kaloka...ano ba talagang meron kayo ni Wensh.....

Dinnng dooonnnggg

Si Jovs.

"Kukunin mo na ba gamit mo?" bungad ko

"Bakit nakadouble lock?" agad na tanong nito.

"Kunin mo ng gamit mo at gusto ko ng magpahinga." sabi ko at hinayaan syang makapasok.

"So pinapalayas mo na ba ako ha? Dahil di ko nagawang mag paalam kanina?" tanong nito.

"Pagod na pagod na ko Jovs...wala pa kong pahinga...hindi ko na kaya tong panloloko na ginagawa mo...at ano na namang dahilan ang sasabihin mo ha?" angas ko.

"Ano?...Sa tingin mo ba nagdadahilan lang ako? Ganon nalang ba? Basta bibitaw ka nalang?" inis na sagot nito.

"Pwes...wala na kong pakialam kahit ano pa...umalis ka nalang." sabi ko sabay talikod sa kanya.

"Si Wensh na naman ba ha?... Hangang kelan ba matatapos ang pagseselos mo ke Wensh...Di ba dito na nga ako umuuwi?.... Wala na kami... Ano pa bang gusto mo ha?" galit nito.

"Hindi ko alam!...Dito ka nga umuuwi pero pag nakatalikod ako, sya ang kasama mo!...Ano ba ako sa yo ha?" sigaw ko.

"Bakit?...Asan ka ba ha?...Di ba lagi kang busy?....kung wala kang game...nasa photo shoot ka." sagot nito.

"Alam mo naman na trabaho ang ginagawa ko....E ikaw?...Puro ka Wensh!" sigaw ko at nagsisimula ng mamuo ang luha ko.

Di na ito umimik. Ilang minuto pa.

"Siguro nga tama ka.... Kunin ko lang gamit ko." mahinahong sabi nito at naglakad patungong kwarto.

Napaupo nalang ako at di ko na napigiling maluha. Bakit ba nangyayari sa min to?

Kriiinggg..... Krriiinnnggg..

"Pa?" dinig kong sagot ni Jovs sa cellphone mula sa kwarto. "Iniwan ko sya dyan sa bahay.... Pa hinde... Babalik... San naman nagpunta yon.... Opo... Sorry Pa... pero.... Sige...pupunta po ko sa ospital." sabi nito at lumabas na ng kwarto bitbit ang bag nya.

Napatayo narin ako "Jovs..anong problema..sino...sino yung nawawala?"

Napatigil nalang ito at bakas ang pagkabalisa. "Si Chris... Sinusumpong na naman."

"Samahan na kita." pag-aalala ko at lumapit ako sa kanya.

"Wag na...Kelangan mo pang magpahinga." nakayukong sabi nito at tuluyan ng umalis.

"Jovs" tangi kong nasabi.


Bakit ngayon ko lang nalaman na me problema ka? Jovs gusto ko sanang damayan ka...kaso kasalanan ko....

Just a dream (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon