Part 20

1.3K 35 1
                                    

Philsport Arena


"20 missed calls?" bungad ni aly ng pinuntahan nya ako sa patron seats bago magsimula ang game nila. "Ganyan mo na ba ako namiss?... Ikaw ha!" biro nito.

"E bakit ba kasi di mo sinasagot?" lingon ko sa kanya ng tumabi sa kinauupuan ko.

"Alam mo naman na me game kaya ako!" sagot nito.

"E kakasimula pa nga lang ng first game... Matagal pa kayo... Nga pala... Ayusin mo game mo baka malampaso na naman kayo...Magdala ka kasi ng walis." biro ko

"Walis ka dyan?"

"Oo... Para walisin mo sila... Hahaha." tawa ko

"Sira!" hampas nito. "Ano bang atin ha?"

"Favor naman o... Dun mo muna ako patirahin sa bahay nyo." sabi ko.

"Ano?" sabi nito na halos malaglag sa kinauupuan nya. "Di ka parin ba umuuwi sa inyo? Army ka pa naman pero nagrerebelde ka!... Hangang kelan ka ba magmamatigas ng dahil ke baby Jaz ha?"

"E... Basta ayaw ko munang umuwi... " diin ko."Lagi na kasi akong pinupuntahan ni Chris sa Quarters."

"Bakit di ka ke ate chel?... Papayag yon.." sabi nito.

"E hindi naman kami ano... Tyaka mahirap na."

"Ayaw mo nun... Ng magkabalikan kayo...at makascore ka!" sambit nito.

"E yun nga iniiwasan ko!" sagot ko.

"Aba... Si Jovelyn?... Ayaw na ng sex?... Nagbago ka na?" loko nito.

"Haiz... Sabi ng hindi yun ang habol ko... Syempre gusto ko yon pero sa ngayon... Mas gugustuhin ko na maayos namin kung ano man ang problema namin... Wala kasi sa min yung tiwala sa isa't isa... Lagi kasing nauuna yun... Kaya kapag me problema... Di namin maayos at kakalimutan nalang... Kaya naiipon." paliwanag ko.

"Eh bakit di kayo mag-usap... Ligawan mo na kasi sya." sabi nito habang nagtetext.

"E yun nga... Di ako marunong manligaw no.... Tyaka isipin ko lang na liligawan ko sya... Alam mo yun iba naiisip ko..." naiiling na sabi ko. "Syempre dadalhan mo sya na flowers at kung ano ano pa... Tapos kikiligin sya... Iba... Iba kasi naiisip ko pag ganon."

"Aahhh.... Pag kinikilig sya... Bigla kang nag-iinit... Kaya gusto mo na agad syang ikama... Hahaha" biro nito.

"Sira... Hindi... Medyo lang hahaha" natawa na rin ako. "E yun nga iniiwasan ko... Given na kasi yung attracted kami sa isa't isa... Pero ang relationship... Hindi naman puro sex lang... "

"E pumikit ka nalang kasi pag nag-iinit ka na... Hahaha." biro nito. "bakit kaya di mo nalang yan sabihin mismo sa kanya." dugtong nito sabay turo sa likuran ko.

Bigla akong napalingon.

"Andyan ka?" gulat ko ng makita si ate chel na nakaupo sa likuran.

"Opo... Kanina pa... Walastik ka rin ano... Muka ba kong boldstar sa paningin mo?" taray nito.

"Hahaha... Magpaliwanag ka sa nbi.. Hinahanap na ko ni coach." tawa nito at umalis.

"Pahamak ka talaga aly!" sigaw ko.

"Ikaw ha kung ano anong kabastusan iniisip mo!" irap nito.

"Hindi ah" tangi ko at lumipat ako ng upuan sa tabi nya. "Bakit ba bigla ka nalang sumusulpot?"

"Aba... Manonood ako kaya ako nandito at hindi ikaw ang pinunta ko." bawi nya.

Natigilan nalang ako. Bakit bigla na naman akong kinakabahan? Parang first time?

"Ano ba talagang problema natin Jovs." biglang kumalma ito.

"Pareho siguro tayong immature?" sabi ko na napasandal nalang.

"Sobra ba akong selosa noon kaya napagod ka na." tanong nito na malayo ang tingin.

"Aah... Eh medyo... E napagod ka rin ba sa kin sa pagiging stubborn ko?" tanong ko

"Oo no... Bigla ka nalang magagalit... Magwawalk out..." sagot nito.

"E ikaw nga walang tiwala sa kin?" daing ko.

"Bakit ikaw pinagkakatiwalaan mo ba ako?... Iniisip mong di ko kayang damayan ka.. Tsss... " irap nito.

"Aba... So kasalanan ko pa pala kung ginusto kong maging masaya ka lang?" bawi ko.

"E bakit dapat ba puro saya lang... Dapat pinag uusapan din ang problema no??" inis na sabi nito.

"E ang problema lang naman e yang pagiging selosa mo!" galit ko

"So kasalanan ko pala!" harap nito sa kin na nanlilisik ang mata.

Bigla akong natigilan ng unti unti ng nagsisipagdatingan ang mga tao para manuod ng game.

"Ano?" angas nito.

"Sshhh... Dami na tao oh." sabi ko.

Napasandal nalang ito.

"Namimiss ko na si baby Jaz." mahinang sabi ko. "Kahapon laser surgery ni baby."

"Talaga... " sabi nito at napatingin sa kin. "Gusto ko syang makita, Jovs."

Napatingin narin ako sa kanya. "Ako rin."

Chel's pov

Matapos ang game ni aly, nagpasya kami ni Jovs na bisitahin si baby jaz sa makati med.

"Hindi ko man lang nayakap si baby jaz" sabi ko habang pinagmamasdan ito mula sa NICU viewing station.

"Pwede naman... Teka.." sabi ni Jovs at kinausap ang nurse.

"Pwede ka ng makapasok" ngiti nito.

Pinasuot ako ng blue scrub, face mask at gloves bago pinapasok sa NICU. Hindi ko matatawaran na ito ang una at huling mayayakap si baby Jaz. Labis na tuwa ang naramdaman ko habang karga karga ito. Agad akong lumapit sa me viewing section para makita rin ito ni Jovs ng malapitan. Bakas sa mukha ni Jovs ang pagkasabik sa bata ng unti unting pumatak ang luha nito.


Tama nga ba si Jovs?... Na ito ang tanging pag-asa namin para tuluyang mapatawad ang isa't isa at magsimulang muli?

-

Hindi na rin kami nagtagal sa makati med. Nagawa pa ni Jovs na sundan ako pauwi dahil pareho kaming me dalang sasakyan.

"Sabi ko naman sa yo, makakauwi ako." sabi ko ng lumapit ito matapos ipark ang sasakyan nya.

"Gusto ko lang makasiguro na makauwi ka ng maayos." ngiti nito. "O sige pasok ka na."

Bakit bigla akong kinakabahan ngayon ng napako ang tingin namin sa isa't isa.

"Umuwi ka na rin at sobrang late na." sabi ko.

Nagawa pa nyang humakbang sa harap ko. "Goodnight." sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.

Napapikit nalang ako. Bakit kakaiba yata? Parang...parang first time?

Bahagyang umatras ito pero di pa rin natitinag sa pagtitig sa kin. Lalo yatang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Chel" sabi nito.

"Jovs" at napalunok ako.

Tatlong segundo lang at nagawa nyang makalapit ulit. Aakmang hahalikan ako. Pero bigla itong natigilan.

"Ahh..Eh...Chel" nahiyang sabi nito.

"Jovs.." di ko na napigilan ang sarili ko na halikan sya. Dama ko ang sobrang pagkasabik sa kanya.

Ng maghiwalay na ang mga labi namin. "Jovs.... Gawa na tayo ng baby."

Just a dream (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon