Part 7

1.4K 29 1
                                        

Chel's pov

Hhmmm...bakit parang me.... Me nakadagan sa akin....

"Shet!...Sino Ka?" sigaw ko at agad kong kinabig ang braso nyang nakayap sa akin. "Jovs?"

 "Te chel" sabi nito na nagulat din.

"Anong ginagawa mo dito ha?" sabi ko sabay napaupo. "Pano ka nakapasok? Anong oras....shet 2am"dugtong ko pagkatingin sa alarm clock sa side table.

"Ate patulog lang." mahinang sabi nito at umayos ng higa.

"Teka nga lang....Pano ka nga nakapasok?....sabi mo nawala mo dati yung susi?" pilit kong tanong sa kanya.

Di na rin ito napalagay kaya napaupo na rin habang kinukuskos ang mata. "Andun lang pala sa isang bag ko...Ate patulog lang...Ayaw ko munang umuwi ng bahay...galing akong hospital." Paliwanag nito.

"Galing kang ospital?...Sinong nasa ospital?" agad ng tanong ko.

"Si Tita Bella....mama ni Chris...Sinugod namin kanina kasi sinumpong ng asthma." Sagot nito.

"Ha?...E kamusta naman na si Tita?" pag-alala ko.

"Okey na naman...stable na pero under observation pa ...Di pa sana ako uuwi kaso pinauwi na ko ni papa. Sila na daw ni Chris ang magbabantay don... Eh ayaw ko naman umuwi ng bahay kasi....kasi parang...alam mo yun...bigla nalang natumba si Tita kanina...Nataranta kaming lahat...si Chris....si Chris naiyak kasi halos di na humihinga si tita kanina...Parang ang bigat kasi kung uuwi ako don." Hikbi nito.

Bigla namang lumambot ang puso ko sa kwento nya. "O sige na nga, matulog ka na..."

"Pwedeng payakap?" agad na sabi nito.

"Abusado ka ha?...Nakikitulog ka na nga lang!..Break na tayo no?" irap ko.

"Break na tayo??? Kelan pa?" gulat nito.

"Break na tayo! Di mo ba alam? Ng malaman kong ginawa mo akong kabit, kaya break na tayo!" angas ko.

"Di ba nakaganti ka na? Sinampal mo na nga ako? Pero hindi pa ako nakikipag break sayo." daing nito.

"Kulang pa nga yon!" saad ko.

 "Baby ko.."biglang lambing nito

"Wag mo nga kong mababy baby dyan at baka makatikim ka ulit sa kin."

"Chel...di mo ba alam na mas kaakit-akit ang mga kabit?" ngiti nito.

"Hindi nga ako kabit sabi eh!" sagot ko

"Madalas ding mas magaganda ang mga kabit?" tukso nito at dahan dahang lumapit sa akin.

"Hindi pang kabit ang beauty ko no!"

"Hhmmmnn...At seksi pa!" titig nito.

"Dati na akong seksi no!" sambit ko.

"At higit sa lahat....." sabi nito na sobrang lapit na sa akin. "Mas minamahal ang mga kabit." dugtong nito sabay sungab ng halik sa pisngi ko.

Bigla naman akong kinilig. "Jovs...pwede ba! Umayos ka ha!"

"Will you be my kabit forever?" ngiti nito at bigla akong siniil ng halik sa labi.

Agad naman nya akong naihiga at di ko magawang itulak sya dahil agad syang nakadagan sa akin.

"Jovs naman eh. Ayaw kong kabit lang." Sabi ko na parang nagpaubaya narin. Bakit di ko magawang pigilan sya?

"Kahit anong mangyari...Ikaw lang, Chel." Bulong nito at naramdaman ko ng pababa ng pababa ang halik nito sa leeg ko.

"Jovs....Seryoso ako." Sabi ko at pinigilan sya. "Hangang kelan mo ba ako sasaktan ha?"

Just a dream (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon