Part 23

1.2K 25 0
                                        

Chel's pov


Sarap talaga ng feeling na maging champion sa Psl. Sana maging champion din kami sa SVL. Sobrang saya lang at parang me hangover pa ako sa naging victory party namin kagabi.

Kaso parang me isang taong nakalimot. Na sana kasama mo sa tagumpay...

Aba! ito na ang magaling at ni hindi man lang ako tinawagan kagabi.

"Hoy.... Bakit hindi mo man lang ako binati?" bungad ko ke Jovs ng makalapit sa kanya.

"Ha?... Birthday mo?" tanong nito na nakaupo sa bench.

"Aba... Wala ka talaga sa ayos no? Nanalo kami kahapon sa PSL at Mvp ako. Sabi mo susunod ka!" inis ko.

Ngumiti lang ito.

"At bakit ngingiti ngiti ka pa jan?" angas ko.

Bigla itong tumayo. "Eto naman girlfriend ko oh... Lam mo, gumaganda ka pag galit." ngiti nito.

"Tigilan mo nga ako.... Hindi mo ko girlfriend no!" irap ko.

"Talaga?... Eh bakit kung umasta ka parang jowa ko?" sabi nito at lumapit pa sa kin.

"Hi-hindi ah... Kainis ka talaga!" sagot ko.

"Babawi ako mamya after practice" sabi nito.

"Puro ka nalang sabi... E ilang araw mo naman akong dinededma."

"Asus... Tampo naman agad... Love you baby ko." ngiti nito at aakmang hahalikan ako.

Agad akong umatras. "Ano ka ba?"

"Oh guys... Start na tayo." sigaw ni coach.

"Later baby..." bulong ni Jovs.

-

Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang status ng relationship namin ni Jovs. Sweet sya pag magkasama kami. Pero pag hindi kami magkasama, ni hindi man lang magawang tumawag o mag text. Tapos sasabihin nyang girlfriend nya ako. E wala namang kaeffort effort. Ano ba talaga ako sa kanya?

Nang maipark nya na ang sasakyan sa harap ng condo.

"O babe, tulog ka ng maaga ha." sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.

"Hindi ka dito matutulog?" taka ko.

"Kelangan kong umuwi." sagot nito. "Next tym nalang."

"Ano ba talaga tayo Jovs?" inis kong tanong. "Ni hindi mo man lang ako tinatawagan para kamustahin... Tapos ngayon... Aalis ka agad?... Nakakainis ka na."

"Eto naman..." ngiti nito. "nagtatampo agad... Next tym nalang babe ha."

"Alam mo ikaw..." sabi ko at hinarap sya. "Kung hindi ka dito matutulog... Break na tayo!" banta ko.

"Hahaha... Ikaw ha... You miss me terribly ha... Especially my sexy body." biro nito.

"Hindi ako nagbibiro!"sigaw ko.

Napangiti lang ito. "Ikaw?... Kung yan gusto mo."

Aba... Ako pa ang hinamon. "E di sige... Break na tayo! Dyan ka na nga." sabi ko at agad akong lumabas ng sasakyan.

Nagmadali akong pumasok ng condo. Ni hindi ako lumingon. Nakakainis lang at hindi man lang ako hinabol. Sobrang nakakapikon na talaga.

Kaloka talaga! Break na talaga tayo.

Dinnngggg.... Dooonnnggg

Sino ba naman ang bibisita ngayong dis-oras ng gabi?

"Jovs?" bungad ko pagkabukas ng pinto. "Bakit andito ka pa?"

"Hindi mo man lang ba ako papatuluyin?" tanong nito.

Hinayaan ko na syang makapasok. "Bakit di ka pa umuwi?"

"Di ba sabi mo dito ako matulog? ... Eto na ko!" kibit balikat na sabi nito.

"So napipilitan ka lang?"

"Alam mo ikaw?... Andito na nga ako di ba?" sabi nito at lumapit sa kin.

Umatras ako para makaiwas sa balak nyang gawin kaso napakabilis nya at napasandal nalang ako sa pader. "Teka nga." sabi ko ng bigla nya kong hinawakan sa me beywang.

"Chel... "bulong nito at hinalikan ako sa labi. "Let's get married na."

"Ha?.... Pero.."

"Wala ng pero pero..." ngiti nito at biglang lumuhod. "Will you marry me?" sabi nito at nilabas ang singsing.

"Teka?... Singsing ko yan ah!" sabi ko at kinuha ito. "Pano mo to nakuha?"

"Papakasalan mo ba ako o hinde?" diin nito.

"Eh... Ninakaw mong singsing ko e."

"Ano ka ba? Suot ko na nga yung isa o.." sabi nito at pinakita ang suot nyang singsing."Me pangalan ko kaya...kaya akin to... O ano na?" napatayo na rin ito.

"Ah... Eh.."

"Ano?" tanong nito ulit.

"Bakit mo ba ako pinipressure?" iwas ko.

"Hindi kita pinipressure... Gusto mo dito ako matulog na para tayong nagli-live in.. E di totohanin na natin to.. Magpakasal na tayo.... Gusto kong patunayan sa pamilya mo na hindi ako bibitaw at kaya kitang panindigan." paliwanag nito.

"Pero... Pero.."

"Chel.." sabi nito at hinawakan mukha ko. "Ikaw ang gusto kong makita paggising ko sa umaga... At wala akong ibang hihilingin pa kundi makasama ka... " dugtong nito.

Bigla naman akong kinabahan. "Pwede bang...pag-isipan ...ko muna."

Napakunot nalang ito. "Hindi ka pa ba sigurado sa kin?"

"Jovs.... Hindi sa ganon... " sabi ko at hinawakan magkabila nyang braso. "Masyadong mabilis lang kasi... Tapos kelan lang naman tayo nagkabalikan.. E hindi pa nga tayo nag-aano... I mean... Hindi ka pa nga dito natutulog... Tapos... Hindi mo nga ko madalas kamustahin... Ni hindi ko alam kung asan ka... Tapos..."

"Un ba ang dahilan mo kung bakit ayaw mo kong pakasalan?" singit nito.

"Jovs hindi... Gusto ko munang mabalik yung samahan natin dati... Sa dami ng pinagdaanan natin.. Jovs mahal kita... Pero...pero hindi pa ko kampante sa samahan natin.. Minsan hindi ko nga maintindihan kung ano tayo."

Biglang tumabang ang timpla ni Jovs at napaatras ito. "So ayaw mo nga."

"Jovs.. Give me time..." sabi ko nalang at hinalikan sya para di sya lumayo. Alam kong hindi ganito ang inaasahan nyang marinig at dama ko ito dahil di sya tumugon sa halik ko.

"Jovs..." niyakap ko nalang sya. "Mahal kita okey... Sobra.."

Hindi parin ito umiimik kaya lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko. At sinimulan halikan sya sa leeg. Sobrang sabik narin ako ke Jovs.

"Jovs..." mariin ko syang hinalikan sa labi at nagsisimula ng mag-init ang katawan ko.

Di rin nagtagal, tumugon na rin ito at agad akong hinatak patungong kwarto. Dali akong inihiga at itinaas ang tshirt ko. Dama ko ang init sa bawat dampi ng labi nya sa katawan ko kaya napaungol na ko. Mas tumindi pa ang nginig ng katawan sa ginagawa nyang paghaplos sa akin. At sa bawat pagdikit ng aming katawan, halos maubusan na ako ng hininga.

Tumindi pa ang pagkasabik sa tuwing maririnig ko ang ungol ni Jovs habang inaangkin ako.

"Jovs.... I Love you...."

--

Unang nasilayan ko ang araw na pilit dumudungaw sa bintana kaya agad akong napatingin sa orasan sa me side table.

"Shit... 9am na.... Jovs.." sabi ko at bumaling sa kabila. "Jovs?..."

Mag-isa nalang pala ako. Kaya tiningnan ko ulit ang orasan. Teka....

"Singsing to ni Jovs?"

Just a dream (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon