Bakit ba naman sobrang daming papeles nito na dapat kong sagutan? Hindi ko nga maisip kung nararapat na ba akong maging magulang sa idad ko ngayon. Haiz... Bakit ba kasi pinagpipilitan ni papa na gawin ko to?
"O jovs, tapos mo na bang sagutan yan?" bungad ni tita belle.
"Tita.... Parang hindi pa po ako handa... Pwede po bang di na muna ngayon?" nag-aalangan kong sagot.
"Hintayin natin ang papa mo at kausap lang ang kumpare nya." sabi nito.
"Jovs...ang cute nung bata." sabi ni Chris ng makalapit sa min. "Ayaw mo bang tingnan?"
"Ha?...." gulong gulo parin ang isip ko.
"Halika na muna." hatak ni Chris at sinamahan ako sa NICU. Habang nakasunod sa min si tita belle.
"Ayun sya oh..." turo ni Chris sa baby na nasa loob ng incubator. "Premature daw yung baby at more than 1 month ng nasa incubator... Sabi ng nurse kanina, maganda naman ang development ng baby pero marami pang test ang kelangan para masiguro na fully developed lahat ng organs nya." dugtong nito.
"Ang cute naman... Masigla naman ang bata kahit kulang sa timbang. " sabi ni tita belle.
"Iniwan nalang yan ng nanay nya dito dahil di na magawang tustusan ang gastos ng bata... Marami palang kasong ganyan dito." paliwanag ni Chris.
Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko... Naaawa ba ako sa bata dahil mahirap ang magulang nya at tuluyan syang inabandona?.... O naaawa ako sa kanya dahil ako ang magiging magulang nya na walang kaalam-alam kung panu magpalaki ng bata?...
"Jovs?" pansin ni Chris. "Iniisip mo bang di mo kayang alagaan ang bata ano?"
"Ha?" sabi ko na napatingin sa kanya. Pano mo nahulaan?
"Wag kang mag-alala.... Akong tatayong ama ng bata... At andito kami para tustusan lahat ng pangangailangan nya." ngiti ni Chris. "Alam kong nagdadalawang isip ka dahil wala sa tabi mo si chel... Hindi mo naman ito ginagawa para mapasagot sya diba?... Ginagawa mo to dahil gusto mo."
"Oo... Gusto ko pero hindi ngayon." daing ko.
"Jovs" singit ni papa na nasa likuran na pala namin. "Pacensya na kung pinilit kita dalhin dito ngayon... Naawa lang kasi ako sa bata nung kinuwento ni tito mike mo ... Dahil wala nga gustong mag ampon dahil sa marami pang test ang kinakailangan." paliwanag nito.
"Iha... Wag ka ng mag-alala... Hindi naman natin aampunin ang bata kung ayaw mo talaga." dugtong ni tita belle.
Ramdam ko ang lungkot sa mga salita nila pero ang hirap kasing mapasubo nalang na hindi ako sigurado magiging mabuting ina sa bata. Napatingin nalang ulit ako sa baby na nasa incubator. Bigla itong nag-iiyak. Ano ba tong nararamdaman ko?.... Parang magkarugtong na ata ang pusod namin....
>>>>>>
SVL - San Juan Arena
Army vs Phil Coast Guard
Hindi ko maiwasang mapatitig ke ate chel habang naghahanda ito bago kami sumabak sa game. Kamukha... Kamukha kasi nya si Jaz. Pareho sila ng lips na kinalolokohan ko. Medyo hawig din ang mata lalo na pag dumidilat. Malayo lang ang kutis, medyo kayumanggi kasi tulad ko. At sana tumangkad din tulad namin kaso di ko pa masabi dahil sa sobrang liit pa nito. Ang sigurado ko lang, lalaking volleyball player din si Jaz tulad namin.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan" kunot noong tanong ni ate chel.
"Ha?" di ko namalayan na napapangiti ako habang iniisip si baby Jaz.
"Natanong mo na ba si Chris?" agad na tanong nito.
"Tungkol saan?" sabi ko.
"Ano ka ba? Nung isang araw ko pa yun sinabi sa yo!....Kung anong sinabi nya sa Papa ko." diin nito at umupo sa tabi ko.
"Ano ba kasing kinagagalit mo?"
"Ayaw kasi akong tantanan nila Papa... Pati papa mo... Nagpadala ng mga pastries sa min." daing nito. "Siguro ikaw me pakana nun ano?"
"Ano?.. Hindi ko nga alam na ginawa yun ni Papa." sagot ko. "E baka natutuwa lang si Papa at nakilala papa mo."
"Kahit na... Sabihan mo papa mo na salamat pero wag ng magpadala pa." utos nito.
"Ate chel" baling ko at napatitig sa labi nya. Hawig talaga sila. "Hindi ka ba nabuntis noon?"
"Ano??" natawa nalang ito."Pano naman ako mabubuntis ha? Di mo nga ako nabuntis. Kaloka ka!"
"Hehehe... Oo nga no... Ako nga lang pala ang minahal mo." ngiti ko.
"Kapal mo talaga!" sabi nito at piningot tenga ko.
"Aaahh..." angal ko habang hinihimas tenga ko. "Malamang napaglihian ka?... Kasi madalas kang nakikita sa Tv..." bigla tuloy akong napaisip.
"Ano bang pinagsasabi mo?... Ano bang hinithit mo?" duro nito.
"Oo nga... Siguro volleyball fanatic... Hahaha." natawa nalang ako sa mga naiisip ko.
"Sira!.. Ano ba kasing sinasabi mo?" pilit nito.
"Wala." ngiti ko at napatitig sa kanya. "Ang ganda mo kasi."
"Hmmp...alam ko na yan." irap nito. "Kaya ka nga nabaliw sa kin."
"Talaga lang ha.... Kung baliw ako.." tukso ko at inilapit ang mukha ko sa mukha nya. "Tayo na ulit!"
"Tse!... Manigas ka!" biglang atras nito.
"Tss... Kung wala lang ibang tao dito baka..." gigil ko.
"Baka ano ha?...." alma nito.
"Wala." bawi ko at napangiti nalang ako.

BINABASA MO ANG
Just a dream (Book 2)
FanfictionI was thinking 'bout her, thinking 'bout me Thinking 'bout us, what we gon' be Open my eyes yeah, it was only just a dream So I travelled back, down that road Will she come back, no one knows I realize yeah, it was only just a dream