Chel's pov
"Ate Chel?" bungad ni Jovs pagkabukas ng pinto. "Asan si Aly?"
"Nakauwi na siya." Sagot ko
"Sabi ko wag kang iiwan hangga't di pa ko nakakarating... e bakit umalis na?" dugtong nito.
"A eh...kasi" nauutal kong sagot
"E kasi....teka...di ka naman lasing ah." Sabi at bigla akong inamoy. "Niloloko nyo ba ako ha?"sigaw nito.
"E jovs kasi.... Kasi..."
"Alam mo ba kung anong hirap ang dinanas ko ha...para... para lang makapunta dito? Tinakas ko pa sasakyan ni Chris at lagot ako nito bukas...Tapos naflatan pa ako ng gulong...Buti nalang tinulungan ako magpalit nung mga taga gas station...Sa dis-oras ng gabi...Buti nalang napansin agad nung nag karga ng gasolina na flat yung tire...Kung hindi inabutan ako sa gitna ng daan...Naisip nyo ba yung pwedeng mangyari sa kin ha??? Ano bang kalokohan tong naisip nyo ha?" galit na sabi nito.
"E Jovs....Sorry na" sinubukan ko syang amuin. "Me gusto...gusto sana akong sabihin sayo...Kaso walang pagkakataon kanina."
"E di sana tinext mo nalang...Di mo ba alam na nag-alala ako ng sobra sayo...dahil alam ko naman na di ka umiinom...tapos lasing ka daw???...Halos mawindang ako sa kakaisip kung bakit ka maglalasing...kung nag away ba kayo ni Peter...O galit ka ba sakin dahil hindi ako tumupad sa usapan kanina...alam mo yun."
"Jovs...pwede ba tumigil ka muna sa kakadakdak..pwede?" awat ko sa litanya nya na baka abutin pa hangang bukas. "Jovs...Sorry okay...Gusto ko lang kasi sabihin ng personal ito sayo" dugtong ko.
Nakapamewang ito na nakatingin lang sa akin. "Shoot..ano ba yon?"
"Pwede bang umupo muna tayo ha?...." sabi ko at bigla naman akong natense. "Me carrot muffin dito at gumawa ako ng hot choco para sayo." Aya ko sa kanya sa kusina.
"Carrot muffin?"
"Di ba paborito mo yan?..Paborito natin." Sabi ko at inihain ito sa kanya.
"Matagal na kong di kumakain nyan." Sambit nito.
"Ano ka ba?.. Masarap pa rin to." Sabi ko at agad akong nagslice at isinubo sa kanya. "Di ba masarap?"
"Ano bang meron ha?" sabi nito habang ngumunguya. "Ano ba yung sasabihin mo?"
"Ah...kasi" di ko malaman kung pano sisimulan. Pano ba?
"Sarap ng hot choco ah." Sabi nito pagkainom at me naiwang marka ng tsokolate sa labi nya.
"Para ka talagang bata ano." ngiti ko at pinunasan ko ng daliri ang naiwang mantsa sa labi nya.
Agad naman nyang nahuli ang kamay ko at di na ito binitawan. "Ano ba yung sasabihin mo sa kin ha? Mangungutang ka ba? O.....Namimiss mo na naman ako?" pabirong sabi nito.
Napangiti nalang ako. "Jovs....siguro nga namiss kita."
"Namiss din kita ate chel...sobra.." ngiti nito at nakatitig lang sa kin. Pano ko ba sisimulan?
"O ano na?" sabi nito na nag aantay ng sasabihin ko.
"Jovs...Mahal pa rin kita...Alam kong mahal mo pa rin ako di ba?" sabi ko na dama ang sobrang kaba.
"Ate chel..."
"Pwede bang kalimutan na natin ang nakaraan?...Magsimula tayong muli..." dugtong ko.
"Ano bang sinasabi mo ate chel?" nalilitong tanong nito. "Anjan si Peter at me girlfriend ako....Hindi...hindi pwede yung gusto mo...at isa pa...pangarap mo to di ba?"

BINABASA MO ANG
Just a dream (Book 2)
FanficI was thinking 'bout her, thinking 'bout me Thinking 'bout us, what we gon' be Open my eyes yeah, it was only just a dream So I travelled back, down that road Will she come back, no one knows I realize yeah, it was only just a dream