Part 18

1.2K 28 0
                                    

Chel's pov

Nagmadali kaming umalis ni Jovs papuntang makati med. Ngayon ko lang nakitang sobrang natataranta ito at maya't maya tinatawagan si Chris.

"Shit... Bakit di sinasagot ni Chris ang phone nya." inis na sabi nito.

"Jovs" sabi ko habang nagmamaneho. "Ano ba kasing ngyari?"  Di ko magawang mag-usisa dahil di na maipinta ang mukha nito.

"Si Jaz kasi nasa ospital." saad nito.

Jaz?... Baka pinsan nila... "Wala naman sigurong masamang nangyari" sabi ko nalang para kumalma ito. Nagsisimula ng mamuo ang luha ni Jovs sa mga mata nya.

Hinawakan ko nalang ang kamay nya. "Wag kang mag-alala.... Malamang me inaasikaso lang si Chris kaya hindi nasasagot tawag mo... Malapit narin naman tayo."

Napatingin nalang ito na pilit nilalabanan ang sobrang kaba. Bakit parang kinakabahan na rin ako? May nais bang sabihin si Jovs pero nahihirapan syang ipagtapat ito?

Buti nalang di gaanong traffic at mabilis kaming nakarating ng makati med. Agad  nagmadali si Jovs na makababa ng sasakayan. Sobrang pag-aalala parin nito na halos liparin na namin makarating lang sa loob ng ospital.

Naabutan naming nag-uusap ang papa ni Jovs at si Chris.

"Papa" bungad ni Jovs. "Asan na si baby Jaz?"

Baby Jaz??

Napatingin nalang ang papa ni Jovs na bakas ang lungkot sa mga mata nito. Agad nalang nyang niyakap si Jovs.

"Papa... Anong ngyari?" iyak ni Jovs.

"Kumalma ka muna, anak.." sabi nito. "Nasa NICU si baby.... Wala pang sinasabi ang doctor..baka hindi kasi nagfufunction ang isang kidney ni baby kaya sya biglang nilagnat kanina... Pero siniguro naman ng doctor na maagapan nila ito."

"Pwede ko bang makita si baby?" hikbi nito.

"Bawal pa tayong pumasok. Sisimulan na kasi nila ang iba pang tests ke baby." paliwanag nito. "Bukas pa natin malalaman ang resulta. Kelangan ko rin munang umuwi at si tita belle mo sobrang nag-aalala din."

"Magiging okey din lahat Jovs... Siniguro naman ng doctor na magiging okey si baby." sabi ni Chris at inakbayan si Jovs.

"Buti naman at kasama mo si Chel" natuwa ito ng makita ako. "Mauna na kami... Wag na rin kayo gaanong magtagal dito at wala rin tayong magagawa sa ngayon."

"Sige po." sabi ni Jovs.

"Sige po tito... Chris" paalam ko at umalis na sila.

Hinarap ko si Jovs at nanatili lang itong nakatayo na me marka ng luha sa pisngi nya.

"Halika nga muna" sabi ko at niyakap ito. "Narinig mo naman sabi ng papa mo at ni Chris d ba?... Magiging okey si Jaz." dugtong ko at inaya syang umupo.

Agad kong nilabas ang panyo ko para pahiran ang mga luha ni Jovs. "Para ka na tuloy zombie oh.. At pinagpapawisan ka pa" biro ko at hinalikan sya sa pisngi.

"Salamat ha... At andito ka." pilit na ngumiti ito.

"Matitiis ba naman kita?" ngiti ko. "Sobrang pag-aalala mo sa baby ano.... Kanino nga palang baby si Jaz?"

Di ito umimik. Hinawakan ako sa kamay at nagtungo kami sa bandang dulo kung nasaan ang NICU viewing station.

Lumapit si Jovs sa nurse. "Pwede bang makita si baby Jaz?"

"Sige pero sandali lang ha. Me susunod pa kasi na test na gagawin." sabi ng nurse at pumasok na ito sa loob. Maya maya pa, hinawi na ang kurtina at nasilayan na namin ang batang nasa incubator. Biglang tumigil ang tibok ng puso ko at napalingon ako ke Jovs.

Napayuko nalang ito at nang tumingin sa kin, kagat labi nyang sabi "Ayan si baby Jaz...ba-...baby natin..??.."

Napanganga nalang ako sa sobrang pagkagulat. "Ano?.... Me baby na tayo??...Pa...Pano?... E di pa nga tayo ngkakabalikan?"

"A... Ehh... Dapat kasi sorpresa ito... Pag nagkabalikan na tayo..... Kaso dito pa kayo magkakakilala." sabi nito at napakamot nalang sa ulo.

Napako ang tingin ko sa baby. Parang nahihirapan ako sa kalagayan nya.

"Ito ba ang sorpresa mo?." Di pa rin mapawi ang sakit na nararamdaman ko para ke baby Jaz..  

"Biruin mo me anak na ko ng di ko alam!" napalakas ang boses ko.

"Ssshhhh... Ano ba? Bakit ba ang bilis mong magalit ngayon ha?.. Nagmemenopause ka na ba?" bulong nito.

"Sira!" hampas ko. "Naiinis ako sayo dahil kung ano anong kalokohan ginagawa mo!... Una... Pamilya mo ang pinapaligaw mo sa kin... Tapos ngayon... Itong baby na to.. Para ano?...para makuha loob ko at makipagbalikan sa yo!" daing ko.

"Hindi... Hindi ganon... Biglaan lang din ang pag-ampon sa bata... Premature ito... At marami pang test na gagawin sa kanya... Isa na to sa mga pwedeng mangyari sa kanya kapag di naagapan." paliwanag nito.

"Ano?... Maraming sakit ang baby natin?" gulat ko at lalo pang bumigat ang nararamdaman ko para sa baby.

Bigla nalang sumenyas ang nurse sa loob na itatabin na ulit ang kurtina.

"Teka... Nurse..." kaway ko sa nurse.

"Hinaan mo nga boses mo" kalma nito.

"Kainis ka talaga!... Nag-ampon ka, na hindi mo man lang sinabi sa kin?... Tapos ngayon me sakit pa ang baby... Ano pa bang hindi mo sinasabi sa kin ha?... Ha jovs?" daing ko at napaupo nalang ako.

Napaupo na rin ito at napabuntong hininga.

"Sorry na... So... Tinatanggap mo na ba sorpresa ko?" nag-aalangan na sabi nito.

Di ko sya pinansin.

"Maniwala ka... Hindi ko ginagamit ang pamilya ko.... O si baby Jaz para makipagbalikan sayo... Chel.. I need you... Hindi ko na kayang magising sa umaga na hindi ikaw ang unang nakikita ko."

Napangiti naman ako... Naku chel! Wag kang bibigay..

"Talaga lang ha.... Narinig ko na yan!" sabi ko na di tumitingin sa kanya. "hmmnn... O sige... Ok na sa kin."

"So tayo na ulit?" tuwa nito.

"Hinde... Si baby Jaz lang... Tangap ko na si baby Jaz... Pero hindi ikaw!"sagot ko.

"Ano?... Hindi pwedeng si baby lang!.. Package deal kami!" alma nito.

"Aba... Ano to sale?... Buy 1 take 1?... Hindi ako mahilig sa sale no!" sambit ko.

"Pano ako?" pagmamakaawa nito.

"Ayusin mo kasi panliligaw mo...Tss..Kaloka." irap ko.

"E di ba niligawan na kita... Dami na nga pinadala ni papa ah?" daing nito.

"Ikaw ba ang nanligaw o yung papa mo?" tanong ko.

"Haiz... O sige... Bakit dati... Di naman kita niligawan ah?" reklamo nito.

"Un na nga e... Inabuso mo nga ako at eto naman akong gaga... Open legs agad... Hindi na ngayon!" sabi ko.

"Haiz... O sige na nga.. Sasagutin mo naman ako agad eh." kampanteng sagot nito.

"Wish mo lang...." irap ko.

Just a dream (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon