Part 26

1.1K 38 1
                                        

Chel's pov


Di parin maalis sa isip ko ang nasaksihan ko kaninang umaga. Si baby Jaz karga karga ni Wensh. At kasama pa si Jovs. Ayaw ko mang isipin pero napakasaya nilang tingnan. Parang isang tunay na pamilya. Na sana.... sana ako ang kasama nila. Dahil ba hindi ako pumayag noon na ituloy ang pag-ampon kay baby Jaz. At si Wensh ang pinili nyang kapalit ko? At magkasama pa sila sa bahay? At ako? Ako nga ang inuuwian ni Jovs pero me iba pala syang pamilya.

Nahalata siguro ni coach na me iniinda ako kaya hindi nya na ako ipinasok ulit matapos ang first set. Habang pinagmamasdan ang magandang laro na ipinapakita ni Jovs kalaban ang PLDT, hindi ko mapigilang maluha sa inis ng nararamdaman ko. Ano ba talaga ako sa buhay ni Jovs?

Matapos namin maipanalo ang game in 4 sets, agad akong niyakap ni Jovs.

"Baby, ito na talaga." ngiti ni Jovs at hinigpitan pa ang yakap sa kin.

Ngumiti nalang ako at di nagpahalata. "Alam ko naman na mananalo tayo."

Sobrang kasiyahan ang nangibabaw sa dinner kasama ang buong team. Kaya hangang sa pag-uwi namin ni Jovs, napakasaya parin nito.

"Baby, okey ka lang ba kanina? Sabi ni coach me masakit sayo." pag-aalala nito at tumabi sa kin sa sofa.

Oo, ang puso ko na makailambeses mo ng tinapaktapakan.

"Wala naman. Tong balikat ko lang, medyo nanigas kanina." tangi ko.

"Hmmmnn...gusto mo masahiin kita." lambing nito at hinawakan ang balikat ko.

"Teka nga." di na talaga ako nakapagpigil. "Wala ka ba talagang sasabihin sa kin?" angas ko at hinarap sya.

Nagulat ito na napatingin lang sa kin. "Ha??" bigla itong ngumiti. "I'm so inlove with you, Baby."

"Jovs naman... Hangang kelan mo ba ko lolokohin ha?" inis ko.

"Hindi naman kita niloloko... Ano ba kasing gusto mong marinig?" sagot ni Jovs.

Matalim ko syang tiningnan at pinigilan ko nalang sarili ko. Ayaw kong pangunahan ng galit dahil alam kong hindi gagawa si Jovs na ikakagalit ko.

"Jovs, me itinatago ka ba sa kin?" mahinahong tanong ko.

Bigla nitong ibinaling sa malayo ang tingin.

"Wala..." halatang nagsisinungaling ito dahil di makatingin sa kin.

"Fine." tumayo ako at agad na pumasok ng kwarto.

Magpapakamartyr nalang ba ako? Alam kong me inililihim si Jovs pero di ko magawang awayin sya. Natatakot ba ako kung totoo man ang kutob ko? Pano kung piliin nya sila at tuluyan akong iwan? Hindi.... Hindi mangyayari yun. Hindi sila ni Wensh. Pinsan sya ni Chris at hindi magagawa ni Jovs na pagtaksilan ako.

"Chel.... " sabi nito ng makapasok sa kwarto. "Aalis muna ako."

"At san ka naman pupunta? Sa pamilya mo?" inis kong tanong.

"Oo.... Nagtext kasi si tita.... Teka... Ano bang ngyayari sa yo?... Bakit parang pinagdududahan mo ako?.. " sagot nito at nilapitan ako.

Hindi ko na talaga kayang palampasin to. "Pag umalis ka, wag ka ng bumalik."

"Ano?"

"Hindi ako nagbibiro, Jovs." Diin ko.

"Hindi rin ako nagbibiro.... Ano ba kasing iniisip mo?" naguguluhan parin ito. "Ano bang problema natin ha?"

"Ikaw ang problema eh!" sigaw ko. "Me nililihim ka... Ayaw mo parin umamin. Nakipagbalikan ka ba ke Wensh ha?... Ito bang igaganti mo sa kin?...Porke hindi ako pumayag na ampunin si Baby Jaz?" at nagsimula ng pumatak ang luha ko.

"A... ano?.... Pano..."

"Nakita ko kayo? Ano yon?... Ha? At talagang nagsama pa kayo sa bahay nyo!" angas ko.

"Chel... Hindi ganon... Wala..."

"Kitang kita ko!...."sabat ko. "Ano pa bang hindi ko alam?... Na nagsasama kayo? Sa akin ka nga umuuwi pero me iba ka namang pamilya?" dugtong ko.

"Chel... magpapaliwanag ako..."

"Ayaw ko ng marinig ang paliwanag mo!"

"Yan ang hirap sayo!.... Ayaw mo kong pakinggan." Diin nito.

"Bakit kasi kelangan mong maglihim sa kin?" agad na tanong ko.

"Oo... itinago ko si Baby Jaz dahil ayaw mong pumayag noon at di ko kayang mawala pa sya...Pero sasabihin ko naman sayo.... Si Wensh.... Hindi kami... Okey...Bakit ako makikipagbalikan sa kanya e ikakasal na tayo..." paliwanag nito at hinawakan ako. "Maniwala ka naman sa kin.... Kasalanan ko na itinago si Baby Jaz at inaamin ko yon... Pero wala kaming relasyon ni Wensh."

Nanatili lang akong nakatayo. Kung totoo man ang sinasabi ni Jovs.. Bakit ang sakit sakit parin ng nararamdaman ko?

"Baby ko... Ikaw lang..." sabi nito at niyakap ako. "Alam ko dapat matagal ko ng sinabi ang tungkol ke baby Jaz... para di na umabot sa ganito..."

Niyakap ko na rin sya. "Ako lang ba talaga?"

Hinawakan ako ni Jovs sa mukha. "Ikaw lang.... Engaged na tayo. Bakit pa ba ako maghahanap ng iba?... At kung tatanggapin mo.... Tatanggapin mo ba si Baby Jaz?" dagdag nito.

Hinalikan ko si Jovs. "Oo naman.... "

Napangiti ito. "Alam mo para pala akong Gambler ano?"

"Ha?.. Bakit?"

"Coz all I need is you, the Queen of my heart."

Just a dream (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon