Part 15

1.3K 27 1
                                        

Chel's pov

Two days ago...

"Hahahaha... Talaga... Sinabi yun ni Jovs?" tawa ni aly.

"Oo nga... Pag naaalala ko nga, natatawa rin ako." ngiti ko.

"Sana pala...nakasama ako... Malamang ... mapapanganga din ako... Hahaha" tawa pa rin nito na tila hirap na hirap na sa kakatawa.

"Sira!" hampas ko ke aly.

"Lima agad... Tapos sabay kayo... So in two years... Nakaapat na kayo... Plus yung ampon nyo pa... Aba lima nga... Hahaha..." di parin nito mapigilan ang pagtawa.

Bigla nalang sumulpot si Jovs. "Sarap ng tawa nyo ah..." singit nito.

"Lupit mo Jovskie!.... Lima agad!" tukso ni aly.

"Ah... Yun ba....hehehe... Sayang di mo nasaksihan!" natawa na rin ito at umupo sa tabi ko.

"Talaga bang yun ang plano mo?" tanong ko.

"Yung limang anak?...Oo naman...Di ba sabi ko sayo, kaya kong mag-alaga ng lima." ngiti nito.

"Aba...isipin mo nga.... Sino mag-aasikaso pag pareho tayong buntis?... Naisip mo ba yon?...Tapos pareho pa tayong naglilihi?" sunod na tanong ko na hindi ko maimagine na sabay kaming magbubuntis.

"Bakit hindi?.... Pwede naman yon.. Wag kang mag-alala, malamang di naman ako maselan magbuntis... So maalagaan pa rin kita." paliwanag nito.

"Kahit na.... E pano tayo mabubuhay ha?.... Pareho tayong mawawalan ng trabaho nyan...tapos...tapos... Ang mahal pa naman ng gatas.... At sino pa mag aalaga sa ampon mo ha?... Naisip mo ba yon?" daing ko.

"Kaya nga mag-iipon tayo para mapaghandaan yon." sagot ni Jovs.

"Hindi lang yun.... Pano kung naglilihi ako... Tapos gusto ko ng pinya sa madaling araw?... Makakabili ka ba?... E buntis ka rin... Tapos yung gastos sa panganganak?... Pano kung pareho pa tayong cesarian ha?... Naisip mo ba yon?" reklamo ko.

"Teka...teka.." awat ni aly. "Bakit ba kayo nagtatalo?" napakamot nalang to sa ulo. " E kayo na ba ulit?"

Pareho kaming natigilan.

"Hinde!" bawi ko. "Na carried away lang ako no!"

"Hahaha" lakas ng tawa ni Jovs. "Sayang nga eh... Kung tayo parin... Ang saya sana."

"Bakit sa tingin mo ba papayag ako?... Kung tayo parin?" irap ko.

"Bakit hinde?.... E di ba sabi mo mahal mo naman ako?" tukso nito.

"E hinde na kita mahal di ba?" diin ko. "Kaya wag ka ng mangarap!... At wala din ako planong maging losyang agad no? Sunod na taon mo kong bubuntisin? Kaloka!"

"Ate chel... Bakit ba sobra kang affected?... Hahaha... E hindi naman kayo?" kantyaw ni aly.

"Hindi pa kasi sya nakakamove on." nakakalokong ngiti nito. "Ganito lang yan eh... I'm like a firefighter kasi....I find her HOT.... and I leave her wet!..Hahaha".

"Hahaha.... Boom... Panes!" sigaw ni Aly.

"Gago!" hampas ko ke Jovs. "Kapal mo talaga!" sigaw ko.

>>>>>>> 



Flashback>>>>>

Ang hirap hulaan kung ano ang tumatakbo sa isip ni papa. Matapos namin makaalis sa bahay nila Jovs, hindi pa ito umiimik.

"Papa.... Okey lang po ba kayo?" tanong ko habang nagmamaneho ito. "Hayaan nyo na po yun...."

"Hindi ko lang kasi maintindihan anak.... Kung matutuwa ba ako o maiinis.. " mahinahong sabi nito.

"Hahaha...ako natatawa ako!" singit ni miko na nakaupo sa likuran kasama si Iñaki.

"Tumigil ka nga!" saway ko ke miko. "Pa, nagbibiro lang naman si Jovs kaya nya nasabi yon" baling ko ke papa.

"Naiintindihan ko naman kung bakit nya nasabi yon.... Sinusubukan nya kami kung talagang matatanggap namin ang pag-iibigan nyo." paliwag ni papa.

"Pero pa, hindi na po kami ni Jovs... Break na po kami." pilit ko.

"Nauunawaan ko rin kung bakit nyo sinasabing hindi na kayo dahil sa naging reaksyon namin kanina... Natatakot kayo na hadlangan namin ang mga plano nyo." dugtong nito.

"Pero papa...." singit ko.

"Mabait namang bata si Jovs... Kaso iha..." baling nito. "Baka pwedeng kausapin mo si Jovs na hangang dalawang anak lang ha... Mahirap magpalaki ng bata ngayon."

"Papa!" sambit ko.

Kaloka! Hindi na nga kami eh!


<<<<<<< 

After practice, minabuti ko munang umuwi sa Taytay. Nakakabagot kasing mag-isa sa condo. At least sa bahay, andyan si Iñaki... Sarap kasing panggigilan ang batang yon lalo na pag bagong paligo.

"Hi bebe ko" bati ko ke Iñaki ng maabutan ko sa sala na naglalaro. "Paamoy nga ng bebe.... Ay ang asim....Miko, paliguan mo naman si Iñaki."

"Kaliligo lang nyan kaya.." sagot nito.

"Bakit ang asim agad?" pansin ko at lumapit ke miko na abalang inaayos ang pagkaraming pastries. "Namili ka?"

"Ah..eto ba... Hindi... Padala ito ng father in law mo." ngiti nito. "Grabe ang sososyal ng mga pinadala nila."

"Ano? Si... Si?" gulat ko ng makita nga lahat ng pinadala nila at me kasama pang red roses.

"Bigatin pala pamilya ng mapapangasawa mo Chel" mangha nito. "Mamahalin kung magregalo... Tapos biruin mo magiging bayaw mo pa isang sikat na basketball player!.. Astig!"

"Tumigil ka nga!" inis ko. "Bakit ba ayaw nyong maniwala na hindi na nga kami ni Jovs." daing ko.

"Ano ka ba? Sino naman ang maniniwala na hindi na kayo?... E lahat nga kami namangha sa tibay ng pag-iibigan nyo. Tinalo pa ang Dong-Yan Love story. Hehehe." ngiti nito.

"Ano bang pinagsasabi nyo... E di ba kelan nyo lang ba nalaman ha?" sambit ko.

"Kinuwento nga sa min ni Chris di ba.... Hehehe ang bayaw mong sikat!.... Minsan pala baka pwede mo ko hingan ng jersey nya na me autograph." sabi nito.

"Ano?... Kaloka ano naman kaya sinabi ng lalaking yon.?" inis ko.

Just a dream (Book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon