Part 12

1.2K 26 3
                                        

Makati Med


"Buti andito ka na... Kelangan ko lang muna bumalik sa office." Bungad ni papa ng maabutan ko sya sa labas malapit sa nurse station.

"Pa, gabi na... Magtratrabaho pa po ba kayo?" sabi ko.

"Me kelangan lang akong pirmahan sa office at me isang meeting lang naman." sagot nito. "Nga pala, pacencya na at di na kita naasikaso anak."

"Po?... Hindi nyo na po ako dapat intindihin pa." sabi ko at inayos ang kwelyo ng polo nya.

"Hindi man lang kasi ako nakakapanood ng game mo.... Buti pa si Ramon... Napanood lahat ng game nyo at hanga daw sya sa yo." ngiti nito.

"Ramon?... Sino yun?"

"Ramon Daquis... Papa ni chel.. Bumisita sya dito kahapon." sabi nito at inayos na ang maleta nya. "Nabangit nya kayo ni chel... Wala namang problema." dugtong nito

"Ha?... kami ni chel?" gulat kong tanong.

"Yup....Alis na ako at nag aantay na kameeting ko." sabi nito sabay halik sa noo ko at naglakad ng palayo.

"Pero... Teka" huli kong sabi. Ano yung tungkol sa min ni chel? Haiz... Sinumbong ba ako ni ate chel sa tatay nya? Haiz talaga.


Flashback>>>>>

Chel's house, Taytay.

"Nakatulog ka ba ng maigi ha jovs?" tanong ng papa ni ate chel habang nag aalmusal.

"Opo" sabi ko. Bakit feeling ko unti unti akong kinakabahan sa tuwing tatanungin ako ng papa nya.

"Buti naman... At hindi kayo napupuyat ni chel." sabi nito. "Mahalaga kasi kumpleto ang tulog lalo na at me trabaho ka sa army at naglalaro ka pa." dugtong nito na parang me ibig sabihin.

Napatingin nalang din si ate chel na  di rin maipinta ang mukha. "Maaga naman kami natulog kagabi pa." singit nito.

"Okey naman ba trabaho mo? Hindi ka ba nahihirapan at pinagsasabay mo pa ang paglalaro? Baka wala ka ng oras para sa ibang bagay?" seryosong tanong nito.

"Ah...Hindi po...me oras pa rin naman po...." naiiling na sagot ko. Bakit para akong ginigisa? Haiz!

"Pa, Ano ba naman mga tanong mo?" biniro nalang ni ate chel ang papa nya dahil pati sya nakakahalata na.

"Gusto ko lang makasiguro." Saad ng papa ni Ate chel.

"Di na po siguro ako magtatagal.....Baka hinahanap na rin ako sa amin." sabi ko at agad akong tumayo.

"Salamat ulit ha." ngiti ni ate chel at tumayo na rin "Hatid na kita."

"Ako ng maghahatid sa kanya sa labas" agad tumayo ang papa ni ate chel at di na nagawang umalma nito. Inakay na akong palabas.

Napalunok nalang ako. Bakit ba para akong guilty? E wala naman kaming ginawa pero kung tingnan nya ako, parang me alam siya. Kung kelan na wala na kami, ngayon pa ba ako maguguilty?

Nang makasakay na ako sa driver's seat. "Sige po tito, salamat po." paalam ko at sisimulan ko na sana paandarin ang kotse ng...

"Papa nalang.... Papa nalang itawag mo sa kin." sabi nito.

"Po?....."   ano daw?

"Ikaw naman... Magiging isang pamilya naman na tayo." ngiti nito.

<<<<<<<< 



ARMY Gym

Gusto ko sanang makausap si ate chel kung me nasabi ba sya sa tatay nya. Iba na tong kutob ko kasi...  

"Ate chel" tawag ko sa kanya ng dumaan sya galing CR. "Sandali lang me itatanong lang ako."

"Pwede ba wala ako sa mood at baka masuka ka pa." irap nito at nagpatuloy maglakad.

"Ano? .....Itatanong ko lang kung me nasabi ka sa Papa mo?" sabi ko at pinigilan sya.

"Ano?....Wala......pwede bang tantanan mo na ako." Sigaw nya at nagpumiglas sa pagkakahawak ko.

"Ate...Sorry na okey....Kung ano man yung narinig mo nung Sunday." Pagmamakaawa ko.

"Talaga.... so inaamin mo na ngang sinabi mo yun."

"Hindi mo kasi naiintindihan eh.... Pero bahala ka...Kung ano gusto mong paniwalaan...Bahala ka!" Saad ko. "Hindi ka ba napapagod? Lagi nalang tayo nag-aaway."

"Sa tingin mo ba naglululundag ako sa tuwa sa ngyayari sa tin ha?.... Pagod na rin ako!" daing nito.

"Pwede naman siguro tayong mag-usap ng mahinahon di ba?" lapit ko sa kanya at hinawakan ang kamay nya. "Para kasing...wala tayong pinagsamahan...."

 Bigla nya akong tinulak. "Wag mo na nga lang kasi ako kausapin para matahimik na buhay natin!" sambit nito.

"Alam mo ikaw....Para kang Granada!....Sarap mong pasabugin!" inis kong sabi sa kanya.


KRRRRRRRRIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGG   KRRIIIIINNNGGGG


"Miko?....Bakit" sagot ni ate chel sa tawag. "Ano?....Asan Kayo? .......Nasa bahay kayo nila Jovs?.... Bakit?...." bigla siyang natigilan....

"Ano daw? Nasa bahay sila?" gustong makasiguro ni Jovs.

Nagkatinginan nalang kami. "Anong ginagawa nila dun?..."



Just a dream (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon