Part 19

1.2K 30 2
                                        

Chel's pov


"Pa, buti naman naisipan nyong makipagkita. Kala ko nga kasama mo si Iñaki." bati ko ng makaupo ako sa tabi ni papa sa isang restaurant.


"Syempre naman. Antayin lang natin sila." ngiti nito habang tinitingnan ang menu.


"Sinong sila?" agad na tanong ko.


"Si Jovs at pamilya nya." sagot nito


"Ha? Bakit?" taka ko. Ano kayang pag-uusapan namin.


"Gusto ko lang makasiguro sa gagawin mong pag-ampon at ayaw kong madehado ka.... Oh eto na pala sila." sabi nito at agad na tumayo para batiin sina Jovs.


"Ha?" nasabi ko nalang.


"Kamusta kumpadre... Sensya at medyo natagalan kami... Dumaan pa kasi kami ke baby Jaz" bati ng papa ni Jovs.


"Makakalabas narin si baby bukas at maganda naman ang resulta ng kidney nya... Nextweek naman mata naman ipapalaser." ngiti ni tita belle ng makaupo na sila.


"Hello po" tipid na bati ni Jovs at umupo sa tabi ko.


Hindi ko maisip kung anung pag-uusapan namin pero mukhang seryoso si Jovs. Maya maya pa, naramdaman ko nalang na palihim nyang hinawakan ang kamay ko.


Matapos namin makapag order, sinimulan na ni papa ang gusto nyang sabihin.


"Siguro hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Gusto ko lang naman na maging malinaw ang lahat lalo na sa gagawin nilang pag-ampon sa bata." panimula ni papa.


"Wala naman magiging problema don kumpadre.... Kami na sasagot ng gastusin ng bata dahil maselan nga ang sitwasyon ni baby ngayon." agad na sagot ng papa ni Jovs.


"Alam ko naman yon at magagawa naman din naming tustusan ang bata sa lagay nya. Ang sakin lang.... Hindi ko lubos na nauunawaan kung pano nila aalagan ito. Napakalaking responsibilidad nito. Ayaw ko lang malagay ang anak ko sa alanganin." paliwanag ni papa.


"Papa..." pigil ko. "Kaya ko po papa."


"Nasasabi mo yan dahil di mo alam kung panu magpalaki ng bata.. Ang sa kin lang... Pano nyo magagawang palakihin ang bata eh kayo ngang dalawa hangang ngayon di pa ngkakaayos." sabi ni papa


"Hindi naman siguro magiging problema yan.. Dahil maaayos din nila kung anong problema meron sila ngayon... At andito naman kami para alalayan sila sa pagpapalaki ng bata." paliwanag ni tita belle.


"Hangang kelan?.... Mahirap at malaking responsibilidad ang papasukin nila... Alam kong malinis ang intensyon nyo sa pag-ampon sa bata pero hindi ko yata mapapayagan na ipilit nyo sa anak ko ang pag-papalaki sa bata." saad ni papa.


"Papa... Hindi nila ako pinilit... Kusa kong tinanggap si baby jaz." daing ko.


Just a dream (Book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon