Part 28

1.2K 34 3
                                        

"Kamusta? Haba ng hair mo ah... Me ate chel ka na... Me wensh ka pa." biro ni Aly ng lumapit sa kin matapos nila kaming talunin sa Game 2.

"Pati ba naman ikaw maniniwala na kami ni Wensh." baling ko sa kanya.

"Syempre yun sabi ni ate chel... Galit parin sya sayo... Halata nga sa laro nyo... Pareho kayong wala sa focus." sabi nito. "Naku... Mukhang samin na talaga ang championship" tawa nito.

"Hindi pa tapos ano... Me game 3 pa." angas ko.

"Pero ano ng plano mo... Bantay sarado sya ng Papa nya ngayon." pansin nito.

"Wala naman talaga yung sa min ni Wensh... Oo inaamin ko... Hinalikan ko sya... Pero agad kong binawi yon... Dala lang ng sama ng loob nung di tinanggap ni Chel ang proposal ko... Pero di ko talaga yon sinasadya." paliwanag ko.

"Aba... Magpaliwanag ka sa nbi..Hahaha" tawa nito "Mahal ka naman ni ate chel... Makikinig din yon sayo." kumbinsi nito. "Tyaka engaged na kayo... Maayos din yan."

"Naniniwala naman ako sa pag-iibigan namin."

Chel's pov

"Okey ka lang ba anak" pag-aalala ni papa. "Wala ka sa focus kanina... Siguro dapat kalimutan mo na si Jovs... Duda talaga ako sa taong yon eh... Ikakasal na nga kayo, nagloko pa." dugtong nito habang nagmamaneho.

"Papa... Hayaan mo nalang.. Malamang di naman sinasadya yon ni Jovs." sabi ko. Kahit nasasaktan ako, me tiwala parin ako ke Jovs.

"Ipapagtanggol mo pa ba yon?... Ikaw na nga niloko... Hindi ako papayag na makipagbalikan ka pa sa kanya ha." inis na sabi ni papa.

"Pa, me maganda sigurong dahilan si Jovs.."

"Wala.." sabat nito. "Walang magandang dahilan ang taong nagloko... Hangang kelan ka ba magpapakatanga sa kanya ha?"

"Siguro nga tanga ako." mahinang sabi ko. "Dahil mahal ko si Jovs, Papa."

"Bakit ba puro puso nalang ang pinaiiral mo. Dun na tayo sa Taytay uuwi ngayon at di ko hahayaan makalapit pa sya sayo." galit nito.

"Pa, sa condo mo nalang ako ihatid please." pakiusap ko. "Gusto ko pong mapag-Isa... "

"Chel..."

"Pa, please." singit ko. "Maayos ko to. Pagbigyan nyo na po ako."

"Pero wag mo syang kakausapin ha." bilin nito. "Bukas susunduin kita at sa bahay ka na maninirahan." Utos ni papa.

Diretso narin ako sa unit ko ng maihatid ako ni Papa. Sobrang bigat ng pakiramdam. Di ko malaman kung ano ba talaga ang masakit sa kin. Balikat ba, daliri ko o puso ko? Jovs..... Nakakainis ka na talaga.

Kahit sobrang sama ng loob ko at natalo pa kami sa Game ngayon. Tapos na sana kaso kelangan pa ulit mgtraining para sa Game 3. Nakakapagod na.

Di ko na binuksan ang ilaw at diretso na kong humiga sa kama. Binuksan ko nalang ang lamp shade sa gilid nito.

Susuko na ba ako sa yo Jovs? Pero mahal na mahal kitang hayop ka.

Di ko na mapigilan ang luha ko.

Makatulog na nga lang.

Naalimpungatan ako ng me bigla akong narinig na nagbukas ng pinto. Maya maya pa, nasilayan ko itong nakatayo sa me gilid ng kama.

"Jovs?"

"Pwede bang makitulog?" sabi nito.

Di ako umimik at agad akong tumalikod. Naramdaman ko nalang na humiga narin ito sa tabi ko. Bigla nyang pinatay ang naiwan kong nakabukas na lampshade.

Hindi ito umiimik at nakikiramdam lang. Malamang pagod narin ito sa buwis buhay nyang laro kanina. At siguro pareho kaming nanghihinayang sa game na sana kami na ang nanalo. Pero pareho kaming walang focus kanina. Gusto ko sana syang yakapin pero para ano pa?

Naramdaman ko nalang na sumiksik ito sa likod ko at niyakap ako.

"Chel.... Payakap lang... " sabi ni Jovs.

Hinayaan ko lang sya. Wala narin akong lakas para makipagtalo pa sa kanya tungkol ke Wensh. Pero bakit naluluha na naman ako.

"Tapos na sana kanina no... Sorry ha... Ginagawa ko naman lahat kaso huli narin..." saad nito.

"Bakit ka naman nagsosorry kung natalo tayo? Pareho naman tayong nagkulang." sagot ko. Alam kong mahirap para sa kanya na tanggapin ang pagkatalo namin kanina.

"Minsan kasi nakakalimot ako... Na dapat nakafocus lang ako sa game... Na dapat pagtuunan ko ng atensyon kung ano ba talaga ang mahalaga... At hindi ako madaling madistract ng kahit na ano pa." paliwanag nito. "Katulad ng pag-ibig ko sa yo. Hindi ako dapat nagpadala sa tukso... "

"So inaamin mo na ba na niloko mo ako?" agad na tanong ko.

"Hindi naman kita niloko... Oo inaamin ko hinalikan ko sya gawa ng litong lito ako nung tinanggihan mo ang proposal ko... At alam kong hindi yon excuse para bumitaw ako."

"Nagpadala ka pa rin sa tukso."

"Alam ko... Pero hindi ko sinasadya yon... Agad kong binawi yon at pinaliwanag sa kanya na ikaw ang mahal ko." dugtong nito. "Dapat umpisa palang di na ako pumayag na alagaan nya si baby Jaz... Binigyan nya ng ibang kahulugan."

Di na ako umimik. Napapikit nalang ako. Dama ko naman na totoo ang sinasabi ni Jovs.

"Chel..." bulong nito. "Maiintindihan ko kung di mo ko mapapatawad ngayon... Pero mahal na mahal parin kita."

"Jovs..." sabi ko at humarap sa kanya. "Magpakasal na tayo.... Bukas agad"

"Ha?" gulat nito pero napangiti. "Ibig bang sabihin na pinapatawad mo na ako?"

"Aayain ba kita agad na magpakasal kung di kita pinatawad... Pero...Naku... pag inulit mo pa yan... Puputulan na talaga kita." Banta ko.

"Ano naman puputol mo sa kin?... Wala naman akong... ano?" natawa ito.

"Puputulin ko yang.... yang daliri mo at buhok mo... Subukan mo lang!"

"Hahaha.... Chel..." at bigla akong niyakap. "Ako ng bahala sa kasal natin bukas mismo."

"Siguraduhin mo lang... baka habulin ka ng sibat ni Papa." Bilin ko.

"Chel... Baby ko.... I love you..." at siniil ako ng halik.

Just a dream (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon