Part 24

1.1K 31 0
                                    

"Sorry ha... Ginawa ko naman lahat kaso... Kaso ayaw eh... Tinangihan ka nya... At tinangihan rin ako... " sabi ko at kinarga ito. "Siguro talagang tayong dalawa nalang... Hindi ko na alam kung anong gagawin ko... Hindi ko naman maipagtapat yung tungkol sa tin.. Hindi ko narin kakayanin magalit sya at itinuloy kita... Pero hindi ko naman kakayanin mawalay sayo.. At sa kanya... Hindi ko na rin maisip kung pano hahatiin oras ko sa inyong dalawa... Magagawa ko pa bang maghintay?... O susuko na ba ako?.. Ha?... Ano sa tingin mo?"

"Tama bang tanungin ang baby?" tinig ng isang babae sa likuran ko. "Hello baby Jaz.."

"Wensh... Ikaw pala." lingon ko. "Buti naman napadalaw ka."

"Actually dapat nung isang araw pa... Kaso medyo busy sa shop.." sagot nito at tumabi sa kin sa me garden. "Sabi ni tita mukhang nahihirapan ka na daw ah."

"Hindi naman...pero parang ganun na rin... Hirap kasing hatiin ang oras ko sa dalawa."

"Hindi pa rin ba nya alam?" tanong nito at kinuha sa kin si baby Jaz.

"Hindi ko parin magawang ipagtapat sa kanya... "

"Pano ka naman?... Dalawa inaasikaso mo... Sino na tuloy nag aalaga sayo?" baling nito. "Gusto mo tulungan kitang alagaan si baby Jaz?"

"Ikaw? ... E napakabusy mo kaya... Di mo nga maasikaso love life mo eh." biro ko.

"Love life talaga... Pwede bang career muna... Hahaha... Pwera biro, magaling ako sa bata no... Kung gusto mo pati ikaw alagaan ko eh." tawa nito.

"Sira... Andyan naman si yaya.... Kaso sa gabi ako na ang napupuyat... Pagod pa sa game at trabaho... Ganun siguro talaga... Kaya nga naiinis na sa kin si Chel at nakakalimutan ko na daw sya." saad ko.

"Pero wala pa ring nag-aalaga sayo." sabat nito. "ayaw mo bang alagaan kita?"

"Hahaha... Aber pano mo ko aalagaan?" sinakyan ko nalang ang trip nya.

"Madali lang naman... Simulan natin ngayong gabi."

-

Sanjuan Arena

Bakit parang sunod sunod na kamalasan naman nararanasan ko. Di na nga tinangap ni chel proposal ko. Tapos ngayon naman tinalo ulit kami ng PLDT. Ginawa ko naman lahat... Ano pa ba ang kulang?

"Jovs... Me dinner daw." aya ni tin.

"Baka di ako makasama... Alis na ko.." sabi ko at agad kong kinuha bag ko.

Paglabas ko ng locker room, nakabanga ko si Chel.

"O san ka pupunta?" pigil nito.

"Mauna na ko." sabi ko ng di tumingin sa kanya.

"Jovs teka... Okey ka lang ba?... " sabi nito at hinawakan ako sa braso. "Antayin mo na ko."

-

"Jovs... Galit ka ba?... " sabi nito ng makasakay kami sa sasakyan ko.

"San kita ihahatid?... Sa Quarters o sa condo mo?" iwas ko sa tanong nya.

"Wag mo na isipin yung game okey... Bawi nalang tayo next time." pansin nito na bad trip parin ako matapos ng game.

Ang bigat lang kasi... Hindi ko maipaliwanag...

"Jovs... Sa condo na tayo umuwi. Bukas ko nalang kukunin yung car ko sa Gym. " sabi nito.

Hindi ko magawang magsalita. Naiinis ako... Basta!

Hindi narin ito umimik. At sa buong byahe namin, di ko magawang tingnan sya. Hindi ko maintindihan kung nagagalit ba ako dahil talo kami o dahil hindi nya tinangap ang proposal ko. O dahil ginawa ko na ang lahat, pero wala pa rin nangyayari. San ba ko lulugar?

"Dito ka na matulog." aya nito ng maipark ko ang sasakyan.

Napabuntong hininga nalang ako. "Napapagod na ko."

"Kaya nga dito ka na matulog para makapagpahinga ka na." sabi nito.

"Napapagod na ko ....sa tin..." napayuko nalang ako.

"Kaya ba iniwan mo to." sabi ni chel at pinakita ang singsing ko. "Di ba sabi ko bigyan mo lang ako ng konting panahon."

Di nalang ako umimik. Sasabihin ko ba ang tungkol ke baby Jaz?

"Jovs... Kala ko ba hindi ka bibitiw?" sabi nito. "Suot ko na naman din oh." sabi nito at pinakita ang singsing na suot nya.

Tumingin ako sa kanya. "So... Anong ibig sabihin nyan?... Engaged na tayo?"

"Pano naman tayo magiging engaged eh iniwan mo naman to." sambit nya at biglang hinila ang kamay ko at isinuot ang singsing. "Marry me na."

"Talaga..." sobrang tuwa ko. "So tayo na talaga?"

"Oo na nga.. Kulit mo rin ano." irap nito na napapangiti.

Di ko mapigilan ang ngiti ko. "Totoo na to!" sigaw ko at agad ko syang hinatak para mahalikan. "Sobrang saya ko, Chel."

"So masaya ka na... Grabe pa drama mo ha..." sabi nito.

"Hahaha... So magpapakasal na talaga tayo!" sabi ko na halos di pa rin ako makapaniwala.

"Kaloka ka... Oo na nga... O ano? Dito ka na matulog... Kung ayaw mong bawiin..."

"Oo... Dito na ko matutulog.." sabat ko. Hindi ko maipaliwanag pero biglang ngbago pakiramdam ko. "Hahaha... I love you, Chel!" sigaw ko.

Just a dream (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon