Part 10

1.5K 30 0
                                        

1 week later


Ganito na ba talaga pag single. Parang ang tagal matapos ng araw pero ang bilis tumakbo ng panahon. One week na pala kaming di nagkikibuan ni ate chel pero feeling ko kahapon lang kami naghiwalay. Tuwing practice, wala akong ibang iniisip kung pano umiwas sa kanya. Hindi naman sa ayaw ko na syang makita, nasasaktan lang ako sa tuwing maaalala ko ang ngyari sa min. Mas mabuti pang magpakasaya nalang at magliwaliw, kesa naman unti unti akong pinanghihinaan ng loob.

Pero parang ayaw ko munang magpractice ngayon. Haiz talaga. Teka..... Sino tong cute na batang ito?

"Uy Iñaki, anong ginagawa mo dito at nasa labas ka?" tanong ko.

"Lilipop" utal na sabi nito.

"Ano? Lilipop o lollipop?"

Napangiti ito at nagpakarga sa kin. "Oh... Lollipop gusto mo...naku wala pa naman ako nun...teka me tindahan sa labas...guto mo lilipop ha."

Lalo pa tong natuwa at biglang yumakap pa sa kin. Naku bata talaga madaling mauto pag me suhol.

"Ang ninang mo kaya mauuto ko rin kung bibigyan ko ng lilipop?" tama bang tanungin ang bata.

Tumango ito. "Ninang... Lilipop."

Aba nakakaintindi ang mokong. "Tara na nga."

Ilang minuto rin bago kami nakabalik sa Army Gym.

"Inaki!" sigaw ni ate chel na nagmamadaling lumapit sa amin.

"Ano ka ba? Bakit mo naman tinangay si Inaki na di nagsasabi" sabi nito at agad kinuha sa kin ang bata. "Halos mabaliw ako sa kakahanap sa kanya!"

"Naabutan kong nasa labas yan kanina." paliwanag ko pero di nito pinansin.

"Ninang... Lilipop fo u."  sabi ni Iñaki at napatigil nalang dn si ate chel.

Napatingin nalang ito "Salamat"

"Chel." sabi ko at hinawakan sya sa braso "Pwede bang... Pwede bang..."

"Wag na jovs..." singit nito. "Wag mo ng ituloy kung ano pa man ang sasabihin mo."

"Lolipop!" Sabi ni Iñaki at biglang nagpumilit na magparkarga sa kin kaya hinayaan nalang ni ate chel.

"Aba... Dumiretso din ang dila mo...hahaha." tawa ko habang inaaliw si Iñaki.

"Maamo ka pala sa bata" sabi nito

"Oo kaya.... Kaya kahit limang anak kaya kong alagaan." ngiti ko. "Okey lang ba sayo ang lima?"

"Jovs..." irap nito "Wala akong planong makipagbalikan sa yo ano?"

"Hahaha" natawa nalang ako. "Bakit sa tingin mo ba nakikipagbalikan ako?... Tinatanong lang naman kita kung gusto mo rin ng limang anak."

"Ewan ko sa yo!" sigaw nito.

"Wow.... Happy family....Away agad...hehehhe" bati ni aly na bigla nalang sumulpot kung saan. "Ang cute nyong tingnan...parang anak nyo yan ah"

"Tumigil ka nga" saway ni ate chel at agad kinuha si Iñaki sa kin. "Dyan na nga kayo"  biglang alis.

"Hindi pa rin ba kayo ulit?" tanong ni aly.

"Hindi."

"Bakit?"

"Kasalanan ko."

"So bakit di ka gumawa ng paraan para makipagbalikan sa kanya?"

"Mukhang.... Mukhang pareho na kaming napagod" tanging sagot ko.

—-

Just a dream (Book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon