Part 25

1.1K 27 2
                                        

Chel's pov

Hindi ko na yata kakayanin mawalay pa ke Jovs. Lalo na ngayong engaged na kami, gusto ko lagi syang nakikita. Habang pinagmamasdan ang kanyang hubad na katawan, hindi ko maiwasang manggigil. Mahimbing lang itong natutulog na nakadapa.

Beep beeep

Cellphone ba yun?

Beep beeep

Cellphone nga ni Jovs ang tumutunog. Tulog naman ito kaya matingnan nga kung sino naman itong sobrang aga magtext sa kanya.

Message from Wensh

"Jovs nakatulog naman ng mahimbing si baby. Hindi ka pa ba uuwi?"

Bakit bigla atang nagdilim ang paningin ko matapos mabasa ang text mula ke Wensh? Sinong baby ang tinutukoy nya? At bakit nya hinihintay si Jovs na makauwi?

Naku Chel kalma ka lang. Wag mo pairalin ang selos mo. Me tiwala na ako ke Jovs na hindi na to gagawa ng kalokohan.

"Hmmmnn.... Baby..." baling sa kin ni Jovs. "Gising ka na... Halika nga dito.." sabi nito at hinatak ako payakap sa kanya.

Di parin maalis sa isip ko ang text message mula ke Wensh. Chel... Parang awa mo na... Relax ka lang...

Sinimulan naman akong papakin ni Jovs. "Nakakaadik ka naman."

Kahit medyo nakikiliti na ko sa ginagawa ni Jovs. Nangingibabaw pa rin ang inis ko. Pero hindi ko dapat pairalin ang selos at baka mag-away na naman kami.

"Buti naman at di ka nagmamadaling umuwi ngayon." sabi ko nalang.

"Bakit naman ako magmamadali? Sobrang saya ko parin Chel... At magpapakasal na tayo." ngiti nito na nakatitig sa kin.

"Baka lang kasi hinahanap ka na." pigil ko.

"Hmmmnn... Nagpaalam naman ako... " sagot nito at siniil ako ng halik.

"E kanino ka naman nagpaalam?" agad na tanong ko.

"Ke Tita." patuloy lang ito sa paghalik sa leeg ko.

"Ke tita mo lang"

"Oo naman.. Sya na bahala magsabi ke papa." sabi nito at pababa na ng pababa ang paghalik nito.

"Ahh... Eh Jovs.... Wala ka bang sasabihin sa kin?"

Tumigil ito sa paghalik sa dibdib ko at tumingin sa kin. "I love you."

"Eh ano pa?"

"Hmmmm.... I love you more." at nagpatuloy na itong panggigilan ulit ako.

"Wala ka ba talagang sasabihin sa kin" nagpipigil parin ako sa inis at bakit di magets nito ang ibig kong sabihin.

Ngumiti nalang ito. "Ano ba kasing gusto mong sabihin ko ha?"

"Baka lang.... Me dapat kang sabihin."

" Hmm... " at pumuwesto itong pumatong sa kin. "Baby, make love to me." bulong nito at sinimulan angkinin ako muli....

-

Tama ba tong ginagawa ko? Tama bang pagdudahan ko si Jovs dahil sa isang text message.

Wag kang tanga, Chel! sigaw ni konsensya.

Di na ako nagdalawang isip pa at bumaba agad ako ng sasakyan at nagtungo sa bahay nila Jovs. Nakabukas ang gate nito at tuluyan akong pumasok.

Bigla akong me narinig na tinig sa garden kaya minabuti kong puntahan ito.

Si Wensh nga... At me karga kargang bata.

"Baby... Tahan na... Eto na nga si mommy... Umiiyak ka pa rin." sabi nito habang pinapatahan ang baby.

"Ayaw pa rin tumahan?." tinig ng babae na lumapit ke Wensh.

Si Jovs?

Ano to? Anong ibig sabihin nito? Di ko na mapigilan ang luha ko.

"O ayan tumahan na.... Love u baby Jaz." sabi ni Wensh.

Baby Jaz?

Just a dream (Book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon