Part 13

1.3K 30 2
                                        

Chel's pov

1 month ago

Wala na siguro akong mahihiling pa.  Sa ganda ng takbo ng career ko ngayon at kasama ko pa ang taong pinakamamahal ko, sobrang saya ng feeling. Lalo na pag parehong maganda ang mood namin ni Jovs. Walang alitan, walang away, wala na siguro akong nanaisin pa. Isa nalang sana kung mabibigyan ng pagkakataon, ang mapaalam namin sa pamilya namin ang aming pag-iibigan. Alam kong hindi pa rin handa si Jovs na aminin ang relasyon namin. Kadalasan iniiwasan nyang pag-usapan ito. Pero napakahirap mamuhay ng palihim, katulad ng sitwasyon namin ngayon. Lagi nalang kung anu anong dahilan para lang maikubli ito.

"Baby" sabi ko habang minamasahe ni Jovs ang binti ko. "Ano kaya kung bisita tayo sa bahay this weekend?"

"Chel.... Alam mo naman mahirap kumilos sa bahay nyo di ba..." agad na sagot nito.

"Naisip ko lang....kung ipagtapat na kaya natin?" dugtong ko.

"Seryoso ka ba?.... Hindi kasi....para kasing sasabak tayo na hindi handa.... Pano...pano kung hindi nila tanggap?.... Pano na?...Iiwan mo ba ako?"Pag-aalala nito.

"Jovs" lumapit ako sa kanya "syempre hindi kita iiwan.... "Sagot ko at hinawakan ang kamay nya.

"E pano kung papiliin ka? Sinong pipiliin mo?"

"Jovs... " pilit kong ngumiti, "Di ba ikaw pinili mo rin sila over me? Nung nagkasakit si Chris ng dahil sa kin?"

"So... Iiwan mo nga ako?" baling nito.

"Jovs..... Mahal kita.... Pero katulad ng sitwasyon mo dati nung iniwan mo ako... Pero minahal pa rin kita." sabi ko at niyakap sya.

"Iiwan mo nga ako." hikbi nito.

"Ano ka ba? Mahal na mahal kita Jovs kahit ano pang mangyari." Sabi ko nalang at hinalikan sya.

>>>>>>>>> 

Agad kaming nagpasya ni Jovs na pumunta ng bahay nila matapos ang tawag ng kapatid ko. Pareho kaming naguguluhan kung bakit nagawa ng pamilya kong kausapin ang pamilya ni Jovs.

"Ate chel.... Kinakabahan ka ba?"tanong ni jovs habang nagmamaneho.

"Hindi ko lang kasi maisip kung anong balak nila?" sagot ko.

"Ako....sobrang kaba ko." mahinang sabi nito.

Napatingin ako sa kanya. "Ano bang pinag-aalala mo, kung alam na nila.... E di okey lang... Wala na naman tayo." sabi ko.

Di na siya umimik. Ano bang mali sa sinabi ko? Umaasa pa ba syang magkakabalikan kami? Ni hindi na ulit sumagi sa isip ko na gugustuhin pa nyang makipagbalikan matapos ng panlalait nya sa kin nung linggo.


Thirty minutes din ang lumipas bago kami makarating sa bahay nila.

"O buti andito na kayo." kaway ni Chris ng makababa na kami sa sasakyan. "Maraming pagkain sa loob, dala ng pamilya mo chel."

"Ano?.... " parang ngayon palang ako simulang kabahan.

"Chel... Jovs... Kain na muna kayo." aya ng papa ni Jovs.

Agad akong lumapit ke miko na karga karga si Iñaki. "Kasama pa yan?.... Ano bang ibig sabihin nito?" bulong ko na nagsisimula ng bumilis ang tibok ng puso ko.

"Chel.... Halika muna at batiin mo parents ni jovs." tawag ni papa at inakay akong makalapit sa kanila.

"Good morning po tita, tito." nasabi ko nalang pero feeling ko sobrang pula na ng mukha ko.

Just a dream (Book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon