SVL - San Juan Arena
"O, buti napadaan ka." tapik ni aly at naupo sa tabi ko sa lower box seat. Kasalukuyang nglalaro ang mens team ng Spikers Turf.
"Syempre #1 fan mo ko eh." ngiti ko. "Nu oras ba game nyo? Napaaga ata dating ko."
"Echos...ano to moral support? Sabihin mo... Single ka na at wala ka ng matambayan. Hahaha" tawa nito.
"Hindi no.... Masaya nga ang single e...walang sakit sa ulo." alma ko.
"Kunyari ka pa...e me ngyari naman ata sa inyo ulit nung hinatid mo sya nung isang gabi." tukso nito.
"Wala kaya no!" sagot ko.
"Di ba duon ka natulog sa bahay nila sa Taytay?" tanong nito.
"Oo."
"E san kwarto ka natulog?" sunod na tanong nya.
"Sa kwarto nya."
"E san ka naman nahiga?"
"Sa bed nya."
"Kitam...E di tama ako!" bulalas nito.
"Tama saan?" agad na tanong ko.
"Na me ngyari sa inyo!" sagot nya.
"Porke ba sa iisang kwarto at iisang kama kami natulog...me ngyari agad?....Hindi no!... " daing ko.
"kunyari ka pa.... Naalala ko tuloy minsan si ate chel na nakatulog sa bangko habang practice... at nung ginising ko... Sabi nya....pinuyat kasi ako ni Jovs....Hahaha" tukso nito
"Ah talagang sinabi pa nya yun ha... Tingin mo ba manyak ako? Na sex lang ang habol ko?" inis kong sagot ke aly. "Sa tingin mo ba yun lang habol ko sa kanya?... Sa sobrang.... Sobrang...."
Pilit naman akong inaawat ni Aly na magsalita pa.
"Ano ba?...Gusto ko lang sabihin sa yo...na wala akong planong makipagbalikan ke chel kung yun lang ang dahilan ko....." sambit ko. "Sinasabi ko yan sa yo ha at hindi na ako parang asong baliw... na baliw na baliw sa kanya!... Na kung pwede lang wag na syang magpakita sa kin dahil sukang suka na talaga ako!" dugtong ko at napasandal ako matapos masambit yun.
"Hindi na kelangan.... Narinig ko ng lahat!" tinig ng pamilyar na boses sa likuran namin.
Patay .... Boses pa lang...Haiz...
Nagawa ko nalang humarap kahit hiyang hiya ako. Narinig kaya nya lahat?
"Ikaw pala ate chel." Pinilit kong ngumiti kahit di na maipinta ang mukha nya.
"Talaga bang sukang suka ka na ha?.... Sa pagmumukha ko?" angas nito. "Sa tingin mo ba gusto kong makipagbalikan sa yo ha? Ang kapal mo!"
"Ate chel... Di naman kasi ganun...tama na" awat ni aly.
Nanatili lang akong tahimik kesa sabayan ang galit nya.... Di naman kasi lahat totoo yung sinabi ko...Haiz...
"Bakit bigla kang natahimik dyan?.... Kung ako gusto mong isuka... Pwes ikaw gusto ko ng iutot at ilabas at ng maiflush na sa toilet!" inis na sabi nito.
"Pwede ba.... Tama na...talak ka na naman ng talak...me makarinig sa yo!" sabi ko nalang... Pano ko ba patitigilin ito at baka mageskandalo pa dito. "Maupo ka nga muna.... Iba naman kasi yung narinig mo eh." dugtong ko at pilit syang pinaupo.
"Ano ba? ....Alam mo... kung me galit ka sa kin, sabihin mo ng harapan!" hikbi nito at agad tumakbong palayo.
Napatingin nalang ako ke Aly. "Haiz...ikaw kasi.." buntong hininga ko.
"Oo na...Hayaan mo kakausapin ko yun." pag-aalala ni aly.
—
Chel's pov
"Ano ba? ....Alam mo kung me galit ka sa kin, sabihin mo ng harapan!" hikbi ko at agad akong tumakbong palayo.
Ang kapal nya! Sobrang kapal nya para isuka nalang ako. Lintek ka, pumunta pa naman ako dito para ibigay itong gift ni Iñaki. At magpapasalamat din ulit sana ako dahil hinatid mo kami. Tapos lalaitin mo lang ako. Kaloka ka talaga!
"Ate chel" tawag ni Aly na kumakaripas ng takbo papunta sa kin. "Ate chel....mali ang pagkadinig mo."
"Aba....pumunta ka ba dito para kampihan sya?...abogado ka na ba?...pinapunta mo ba ako dito para laitin nya ha?" duro ko.
"Hindi...hindi naman sya galit sayo.... Sa akin sya galit kaya nasabi nya yon." paliwanag nito na hingal na hingal pa rin.
"Bingi ba ako? E sa kin patama lahat ng sinabi nya eh!....Pwede ba....tumigil ka na at wala na akong paniniwalaan sa inyo!" sigaw ko.
"Ate...Makinig ka nga muna....Hindi naman kasi ganun....Nasabi nya lang yun dahil niloloko ko sya" Pilit na pinapaliwanag ni Aly ang ngyari pero tila yata wala na ako sa katinuan.
"Pero nasabi pa rin nya yon.....at dinig na rinig ko!" inis ko.
"Hindi!...Ano ka aba? Hindi mo naman naiintindihan eh... Pinapunta kita dito para magkaayos na nga kayo" Diin ni Aly.
Ng biglang......
Krriiiinnngggg...kkrrriiiinng.
Si papa.
"Hello pa?.... Po?.... Asan po kayo?... Sa makati med?.... Ano pong ngyari?... Okey lang po ba kayo????.... Ano po?...Kausap nyo Sino po?,....Ha?...Si..sige po." pagtatapos ko.
"Sinong na ospital?" agad na tanong ni aly.
Naguguluhan pa rin ako.... "Si papa.... Nasa makati med...kausap papa ni Jovs?"
BINABASA MO ANG
Just a dream (Book 2)
Hayran KurguI was thinking 'bout her, thinking 'bout me Thinking 'bout us, what we gon' be Open my eyes yeah, it was only just a dream So I travelled back, down that road Will she come back, no one knows I realize yeah, it was only just a dream