Chapter 1

8.9K 186 15
                                    


"HOY, POKPOK!"

Huminga na lang ako nang malalim habang nagpatuloy sa paglalakad. Binalewala ko na lang ang tawag na 'yon. Alam ko naman na ako ang tinatawag, dahil 'yon ang bansag nila rito sa 'kin.

"Aba! Hoy! Tinatawag kitang pokpok ka!" sigaw na naman ng schoolmate ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa tahimik na paglalakad. Hindi naman na bago sa akin na tawaging ganoon, dahil sa nanay ko na bigla na lang kaming iniwan at hindi na nagparamdam pa. Dati siyang nagtatrabaho sa isang club, isang escort. Kaya ngayong wala na si Nanay ay sa akin nabagsak ang lahat ng panlalait sa kaniya.

"Ang kapal ng mukha mong hindi huminto!" Hindi na ako nagulat nang may humablot sa buhok ko. "Pokpok ka talaga! You're not even belong here! Dapat sa club ka na lang din katulad ng nanay mo!"

Nagpatuloy siya sa pagsabunot sa aking mahabang buhok. Napailing na lang ako sa isip ko dahil nakalimutan ko na naman na itali ang buhok ko. Hindi ako lumaban at hinayaan lang ang schoolmate ko, dahil kapag lumaban ako ay paniguradong may tutulong na naman sa kaniya.

"You're nothing but a filthy slut! And how old are you? 23? 24? 'Tapos hindi ka pa graduate?" panunuya niya.

Napasalampak ako sa semento nang sipain niya ang likod ng tuhod ko. At dahil may kaiklian ang palda ng Gresena University ay agad na nagkagalos ang mga tuhod ko.

I let out a heavy sigh. Hindi pa ba siya tapos? Gusto ko na pumunta sa room ko, mali-late ako sa klase.

"Wala ka talagang kuwenta!" sigaw niya bago tuluyang umalis.

May mga estudyanteng nanonood sa amin, pero wala man lang nagtangkang tumulong. Alam ko naman na pinagtatawanan lang din nila ako kaya hindi tutulong ang mga 'yan. Kahit kailan naman ay walang tutulong sa 'kin dito.

Bumuntonghininga na lang ulit ako bago tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa semento. Pinagpag ko ang palda na suot ko. Buti na lang at kulay dark and light green na checkered ang disenyo ng palda kaya hindi halata ang dumi.

I was used to this set-up. Tuwing papasok ako rito ay hindi nawawala ang pangmamaliit at pang-aalipusta nila sa akin. Mas pinipili ko na lang ang manahimik dahil alam kong magsasawa na lang din naman sila, pero mukhang hindi na mangyayari 'yon.

And yes, I'm already 24, and I'm still studying. Huminto ako nang dalawang taon dahil sa hirap ng gastusin. Nagtrabaho ako para mapaaral muna ang kapatid ko sa kolehiyo at panggastos sa mga gamot ni Tatay.

Laking pasasalamat ko na nga lang na nandito na ako ngayon sa huling taon ko bilang isang HRM student. Sa mga taon na huminto ako sa pag-aaral ay nagtrabaho ako dahil may nakababatang kapatid din ako na nag-aaral sa kolehiyo.

"Miss Villasanta?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Sir Gresena, ang may-ari ng unibersidad na pinapasukan ko.

Lihim akong bumuntonghininga at ngumiti bago tuluyang humarap sa kaniya. "Good morning po, Sir!"

He didn't reply. He surveyed my whole body and his eyes fixated on my knees.

Kung minamalas nga naman ako, dalawang tuhod ko pa ang nagkasugat dahil sa maling pagkabagsak ko kanina sa semento. May pagka-morena ang balat ko kaya hindi naman ganoon masyado kahalata ang galos, pero dumudugo pa rin 'yon at mahapdi.

"They're bullying you again?" tanong niya.

"Ayos lang po ako, Sir," sagot ko at nanatiling nakangiti.

He sighed. "Miss Villasanta, hindi ko na nagugustuhan 'tong gusto mo. Bakit ba ayaw mong sabihin ang mga pangalan ng mga nananakit sa 'yo?"

I shook my head. "I don't want more damages po, Sir. At saka, sanay naman na po ako."

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon