Chapter 39

4.1K 98 14
                                    


"I'M DOING fine, 'nay," sagot ko sa pangungumusta ni Nanay. "Kayo po r'yan?"

Marahang tumawa si Nanay bago sumagot, "Ayos na ayos kami rito, 'nak. Don't worry that much."

I smiled. "Malapit naman na ako umuwi, kaya hindi na kayo mag-aalala sa 'kin palagi."

"Ayos lang kami, anak," agap ni Nanay. "Just take your time. Hindi kami nagmamadali na bumalik ka sa 'min."

"Handa na ako, 'nay. Wala na kayong dapat ipag-alala pa," nakangiting sabi ko.

"Can't wait for that, anak. Basta kahit anong oras o kailan ka bumalik, maghihintay lang kami," malambing na tugon niya.

"I love you, 'nay..." I muttered as I reclined on the counter of the reception desk.

"I love you too, baby..." she softly replied. "Wala ka bang trabaho, anak?"

I chuckled lightly. "Wala pa naman po, 'nay. Katatapos ko lang mag-rounds sa mga hotel rooms."

Ilang segundo ang lumipas bago ulit nagsalita si Nanay. Mukhang may kumausap sa kaniya. "I still want to talk to you, but I have something I need to look to. I love you."

"It's alright, 'nay," I replied. "Magta-trabaho na rin po ako. Ingat ka po, nanay. I love you too!"

"Bye, anak ko!" Then the line ended.

Nakangiting ibinalik ko ang aking cell phone sa aking bulsa. Kakausapin ko na sana ang receptionist ng hotel nang makita ko si Jenesis na papalapit sa akin na may ngisi sa kaniyang mga labi.

I raised my left brow. "May trip ka na naman ba?"

"Wow, ah!" he exclaimed as he stood beside me. Sumandal din siya sa counter ng reception desk. "Hindi ba puwedeng may makikita lang akong live show mamaya ulit?"

Inirapan ko siya. "Manahimik ka na lang."

Alam ko kung ano'ng tinutukoy nitong si Jenesis. At naririndi na ako sa kaniya dahil simula no'n ay paulit-ulit na niya akong inaasar tungkol doon.

"Sabihin mo lang na kinikilig ka sa panliligaw ni Theodore," pang-aasar pa ni Jenesis.

I glared at him. "Shut up."

"Tingnan mo, nand'yan na ulit 'yan," he said while smirking at me.

I just rolled my eyes. Bumaling na lang ulit ako sa receptionist at nagtanong kung may nangangailangan ba ng supervision ng kahit na sinong customer ngayon. Agad namang inasikaso 'yon ng receptionist, pero sa kalagitnaan ng pagtitipa niya sa harap ng kaniyang computer desk ay natahimik na naman ang buong paligid.

I heaved a deep sigh. Alam ko na ang dahilan kung bakit naging ganito na naman. Kung kanina ay may maririnig ka pang nagku-kwentuhan sa kung saan, pero ngayon ay halos magkaroon ng kuliglig dahil sa sobrang katahimikan.

"I told you." Hindi ko na binalingan pa ang pang-aasar pa ni Jenesis, dahil diretso kong itinuon ang aking tingin sa komusyon na nangyayari.

Then I met Theodore's eyes. He was walking cooly with a bouquet of roses in his hand. He was wearing his usual working attire, a navy blue dress shirt with its sleeves folded up to his arms, showing the protruding veins on his arms, then a black trousers with a pair of expensive leather shoes.

I quietly heaved a deep sigh.

"Hindi ka na talaga marupok, Sean," pabulong na pang-aasar sa akin ni Jenesis.

"Just shut up, Jenesis Feron," banta ko.

"Oo na. Galit na 'yan?"

Hindi ko na lang siya pinansin at hinintay si Theodore na makalapit sa kinaroroonan namin. He's been like this ever since I came back here in Cebu. He insisted in courting me even though I told him that I don't like what he was doing. Ayaw kong magkaroon na naman ng kung anong haka-haka sa amin nang dahil sa ginagawa niya. Hindi ko pa mawari kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa aming dalawa.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon