Chapter 18

3.8K 94 5
                                    


"SEAN, nakapag-decide ka na ba?" tanong sa akin ni Milan nang makalabas ang huling professor namin.

Alanganin akong ngumiti sa kaniya. "Hindi ko pa alam, Milan, eh..."

"Basta kapag gusto mo, sunod ka lang sa 'min!" magiliw na sabi niya.

"Tama si Madam Milan!" singit ni Jacky na close din ni Milan. "Dapat nagsasaya ka rin minsan, Sean!"

"Correct ka diyan, Jacky, sis!" segunda ni Milan at nakipag-apir pa kay Jacky.

Natatawang napailing na lang ako. "Titingnan ko pa, Milan, Jacky. Wednesday pa lang naman ngayon."

"Oo na, Sean! Malakas ka sa 'kin, eh!" tumatawang sabi ni Milan. "Basta sa BZ Club lang naman."

BZ Club? Don't tell me na pinapatakbo rin 'yon ni Skyren? Parehas ng name sa company niyang BZ Coop.

"Sige. Noted," sang-ayon ko na lang.

Hindi naman talaga ako sigurado kung makapupunta ako sa birthday celebration ni Milan. Nahihiya lang akong um-absent sa trabaho dahil nakapag-advance ako ng dalawang buwan. Speaking of, hindi pa dumadalaw si Tita Aren sa opisina. Busy siguro?

Nang makapag-ayos ng gamit ay napagpasyahan kong umalis na agad. Sa ospital ang diretso ko ngayon para makita muna si Tatay.

I sighed as I think of my father's condition. Sa bawat araw na lumilipas ay nakikita ko ang panghihina ng katawan niya. Nasasaktan ako kapag nakikitang hinang-hina si Tatay. Alam kong lumalaban siya pero natatakot ako na umabot sa puntong hindi na niya makayanan...

Please, God... I'm begging... Give my father more strength to fight this battle...

Agad akong pumara sa driver ng jeep nang makarating sa Montesori Hospital. Nakasuot pa ako ng uniform ng GU kaya agaw pansin ang eksena ko pagpasok sa lobby ng ospital.

Parang hindi pa sila nasasanay?

Dumiretso ako sa elevator para makarating agad sa palapag kung nasaan ang mamahaling silid ni Tatay. Sinigurado ko munang nakangiti ako bago ko pinihit ang seradura ng pinto ng kaniyang silid.

Bumungad pa rin sa akin ang tunog ng mga makina na naka-konekta sa katawan ni Tatay. Natutulog si Tatay at sa tabi ng kaniyang higaan ay ang personal nurse niya na mukhang ino-obserbahan siya batay sa kilos niyang may isinusulat sa chart na hawak niya.

Maingat na inilapag ko ang aking bag sa sofa bago marahang lumapit sa nurse.

"Ate, kumusta po ang lagay ni Tatay?" tanong ko nang makalapit ako sa tabi niya.

Ngumiti siya sa akin. Ngayon ko lang nakita ang nameplate niya. Pia ang nakalagay doon.

"He's still fighting, don't worry. Alam kong mabigat sa pakiramdam pero sana ay huwag kang panghinaan ng loob. Balita ko rin ay may possible heart donor na siya, kaya baka maisagawa na ang operasyon," mahabang sabi niya.

Mariin akong napalunok. Gusto ko nang gumaling si Tatay kaya ginagawa ko ang lahat para makapag-ipon para sa operasyon niya, pero hindi ko maiwasan na mangamba, dahil alam kong hindi biro ang magiging halaga ng operasyon ni Tatay.

"S-Salamat po," tanging sabi ko at pinagmasdan si Tatay na natutulog.

Gagawin ko pa rin ang lahat, 'Tay. Hindi ako susuko basta gumaling ka...

Nagpatuloy ang nurse na si Pia sa pag-obserba kay Tatay. Ako naman ay naligo na para pumasok sa trabaho.

Bumuntonghininga ako. Makikita ko na naman ang talipandas. Matapos ang naging sagutan namin kagabi kasama si Skyren, ay umalis na rin kami ni Skyren doon nang paalisin kami ni Theodore.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon