Chapter 29

3.7K 94 6
                                    


TATLONG BESES. Tatlong beses kong nakita na magkasama sina Xavier at Alek sa loob ng dalawang buwan na lumipas. Gustong-gusto kong tanungin si Xav kung bakit nakakasama niya si Alek.

Maybe about business? Hindi ko alam at ayaw ko ring magtanong. Natatakot ako sa isasagot niya sa akin.

Noong unang beses na nakita ko silang magkasama sa Fortune Island, ay pinili kong huwag sabihin kay Theodore ang tungkol doon. Alam kong may tensyon na sa pagitan nina Xav at Theo kaya ayoko nang makadagdag sa kung ano mang gulo nila.

"Graduation mo na bukas, babe." I blinked numerous times when I heard Xavier's voice. I almost forgot that I was with him at the moment because of my deep thoughts.

Nang makakita ako ng bench ay nagtungo ako ro'n at sinundan naman ako ni Xav. Tahimik na umupo ako sa bench at tumabi naman siya sa akin. Nandito kami ngayon sa GU dahil may ipinasa akong document para sa graduation namin bukas. He offered to accompany me.

I gave him a subtle smile. "Yeah. Finally..."

Xavier held my hand as he squeezed it gently. "Proud na proud ako sa 'yo, babe. Masaya 'ko para sa 'yo."

Pa-simple kong inalis sa pagkakahawak niya ang kamay ko. "Thank you, Xav. Salamat dahil naging malaking parte ka rin ng buhay ko."

He's my closest friend. Siya ang kauna-unahang kaibigan ko. Siya ang kauna-unahang estranghero na hinayaan kong makapasok nang tuluyan sa buhay ko. Pero ngayon, hindi ko alam, nagdududa ako sa kaniya simula noong nakita kong magkasama sila ng demonyong Alek na 'yon.

At saka, gusto kong pagbayarin si Alek sa pambababoy niya sa akin, pero natatakot ako. Sa tuwing nakikita ko pa lang siya kahit sa malayo ay bumabalik ang lahat ng masasakit na ala-alang pilit kong kinalilimutan. Paano pa kaya kapag nagkaharap na naman kami? Baka mangyari na naman sa akin 'yong nangyari sa Reverio Corporations nang makaharap ko siya kasama si Tita Veronica.

"Thank you for letting me in your life..." he mumbled as he smiled at me.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "You're my only friend, Xav. Sana ay hindi masira 'yon."

"He's your friend for a purpose."

"Paano kung lumapit siya sa 'yo dahil may rason? At 'yong rason na 'yon ay maaaring makasakit sa 'yo?"

Huminga ako nang malalim nang sumagi na naman sa isip ko ang mga sinabi nina Skyren at Theodore tungkol kay Xavier. May itinatago nga ba sa akin ang pinakamatalik kong kaibigan?

Gusto kong magtanong pero heto na naman ako, pinangungunahan ng kaduwagan para malaman ang katotohanan.

"Ayos ka lang ba, Seanelle?" nag-aalalang tanong ni Xav.

Lumingon ako sa kaniya at tipid na ngumiti. "Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko."

Agad siyang napatayo sa puwesto niya at nag-aalalang tumingin sa akin. "Iuuwi na kita. Magpahinga ka. Graduation n'yo pa naman bukas."

"Uuwi rin ako. Hinihintay ko lang si Theo," sabi ko.

Napayuko naman siya at marahang tumawa. Iyong tawa na may halong sakit. "Right. Nakalimutan kong may boyfriend ka na nga pala..."

"Iwan mo na 'ko, Xav..." mahinang sabi ko. Baka kapag magtagal ulit kaming magkasama ay hindi ko na mapigilang magtanong sa kaniya. "Theodore will fetch me."

"Alright..." pabulong na sabi niya at tumango-tango na para bang sumusuko. "Lalayo ako pero hihintayin kong masundo ka ni Theodore."

Pagkatapos niya sabihin 'yon ay tumalikod na siya sa akin at naglakad palayo. I heaved a deep sigh. Alam kong napapansin na niya ang mga pag-iwas ko sa kaniya, pero hindi lang siya nagsasabi. I know I was wrong on avoiding him without knowing the truth, but can you blame me? Binaboy ng Alek na 'yon ang pagkatao ko at hindi ko masikmura na mapag-usapan ang tungkol sa kaniya.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon