Chapter 13

4.1K 84 10
                                    


DALAWANG Linggo na ang nakalilipas simula nang magtrabaho ako rito sa Reverio Corporations bilang janitress. Sa dalawang Linggo na pananatili ko rito ay hindi man lang nagbago ang pakikitungo sa akin ni Theodore. Ang hilig niya pa rin na asarin ako hanggang sa mapikon ako.

Ang nadagdag lang na panibago sa paningin ko ay ang pagiging seryoso niya kapag trabaho na ang pinag-uusapan. Tutok na tutok siya sa kung ano'ng mga dapat na gawin sa kompanya nila.

Nakita ko na rin ang kambal niyang si Sir Tredore at kitang-kita ko agad kung ano ang ipinagkaiba nilang dalawa. Sir Tredore seemed to be the serious and silent type as I obseerved. Mukhang bihirang ngumiti sa ibang tao, dahil palaging seryoso lang ang mukha niya. Si Theodore naman ay halata sa pagmumukha ang pagiging masungit. He also looks cunning and manipulative. Basta, sa madaling salita, mukhang mas matino si Sir Tredore.

"Seanelle, hija!" Napatigil ako sa pagbabasa ng libro ko nang marinig si Ma'am Aren, Theodore's mother.

Isinara ko ang hawak na libro at inilapag sa sarili kong table dito sa opisina ni Theodore. Oo, may sarili akong lamesa rito sa loob ng opisina niya. Para raw 'yon sa akin kapag mag-aaral ako habang walang trabaho. Pero sa totoo lang ay pa-chill-chill lang ang trabaho ko bilang janitress dahil itong 48th floor lang ang nililinisan ko.

"Good evening po, Ma'am," magalang na bati ko at tumayo sa silya.

"I told you to just call me Tita," agad na tugon niya.

I chuckled lightly. "Nakakahiya naman po 'yon."

"Huwag ka dapat mahiya, Seanelle!" She giggled. "I really like you."

Napangiti naman ako at sumunod sa kaniya nang nagtungo siya sa sofa set sa harap ng book shelf. May inilapag siyang paper bag at inilabas ang laman no'n. Napagtanto kong container 'yon ng mga pagkain.

"Here. Let's eat. Kumain ka na ba?" she asked.

"Kumain na po 'ko ng hapunan," sagot ko naman.

"Kain ulit tayo," she said as she excitedly opened the three containers of food.

Napangiti na lang ako. Hindi rin talaga ako makatanggi kay Ma'am. Napakabait niya. Bakit hindi namana ni Theodore ang ugali ni Ma'am Aren?

"Kukuha lang po ako ng mga plato," paalam ko kay Tita Aren at tumango naman siya bilang tugon.

Tumayo ako at nagtungo sa isang kuwarto na narito sa opisina ni Theodore. Ito 'yong pinto na napansin ko noong unang araw ko rito. Kuwarto ang loob nito. May malaking kama, may mini sala set, may banyo at mini kitchen. Siguro ay dito na lang natutulog si Theodore kapag naisipan niya.

Dumiretso ako sa mini kitchen para kumuha ng dalawang plato, mga kutsara't tinidor at mga baso. Inilagay ko ang mga 'yon sa isang tray para isahang bitbitan na lang. Buong araw ay wala rito si Theodore dahil nasa Baguio siya ngayon para sa meeting daw kuno.

Pinagsaluhan namin ni Tita Aren ang mga dala niyang pagkain. Hindi ko alam kung paano kami naging close ni Tita Aren. Naalala ko pa na na-i-intimidare ako sa kaniya noong unang kita ko sa kaniya. She looked so sophisticated and elegant. Pero noong nagkausap kami ay napakabait ni Tita Aren. Simula no'n ay napapadalas ang pagpunta niya rito at may dala pang mga pagkain na pinagsasaluhan naming dalawa at minsan naman ay kasama rin si Theodore kung nandito man siya.

"Kumusta kayo ng anak ko?" biglang tanong ni Tita at halos maibuga ko ang kinakain ko. Ramdam ko rin na may pang-aasar sa boses niya.

"A-Ayos naman po ang trato sa 'kin ni Sir Theo," utal na sagot ko.

Nambibigla naman kasi si Tita. At saka anong klaseng tanong 'yon? Para namang nililigawan ako ng anak niya.

Dakilang pa-fall po ang anak n'yo, Tita!

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon