Chapter 4

5.5K 126 6
                                    


VACANT time ko kaya nandito ako sa usual na tambayan ko sa university. Sa likod ng building, para mapag-isa ako at makaiwas sa gulo na sila naman ang laging nag-uumpisa.

Napabuntonghininga ako at sumandal sa bench na naroon. Bukod tangi ang bench na 'to dahil nag-iisa lang siya rito sa likod ng department building namin.

Mapakla akong napangiti dahil ako na naman mag-isa. Kahit kailan ay hindi ko naranasan na magkaroon ng mga totoong kaibigan. Tanging si Nurse Daisy lang ang nakakausap ko rito na hindi ako inaalipusta.

"Ano na namang drama mo, Seanelle?" bulong ko sa sarili.

Umiiling-iling ako at tinapik ang mga pisngi ko. Alam ko namang walang makikipagkaibigan sa akin dito kaya hindi ko na hihilingin pa na mayroon akong magiging kaibigan dito sa GU.

Napaigtad ako nang biglang mag-vibrate ang mumurahing cell phone ko sa bulsa ng palda ko. Agad na kinuha ko 'yon at nakita ang pangalan ni Stan sa caller I.D.

"Stan..." bungad ko nang sagutin ang tawag niya.

"Okay ka lang ba, Ate?" tanong niya agad sa kabilang linya.

Ngumiti ako at marahang tumango kahit hindi naman niya ako nakikita. Sumulyap ako sa relo ko. May ten minute-break lang si Stan kaya siya napatawag. Kabisado ko rin kasi ang schedule ng kapatid ko. Hindi naman na rin 'to bago sa 'kin, dahil palagi siyang ganito.

"Ayos na ayos ako, Stan," sagot ko, "Huwag mo 'ko masyadong alalahanin, hmm?"

I heard him sigh. "Ate naman, siyempre mag-aalala pa rin ako sa 'yo kahit sabihin mong okay ka lang. Deep inside kasi alam kong hindi, eh."

Marahan akong tumawa. "Nagiging sweet ka yata, Stan?"

"Hoy, Ate! Palagi kaya akong sweet sa 'yo! Napagkakamalan nga tayong mag-jowa minsan, eh!" agad na asik niya at tumawa.

Natawa ako. "Masyado kasi akong maganda. Pasensya ka na, ha? God Bless!"

Humalakhak ang kapatid ko. "Huwag masyadong dibdibin dahil wala ka namang dibdib, Ate. Pangit ka pa rin!"

"Anong walang dibdib? For your information, maipagmamalaki ko 'to, 'no!" kunot noong sabi ko sa kapatid ko.

"Pagbibigyan kita ngayon, Ate, dahil saglit lang ang break ko. See you later, 'love you!" Hindi na ako nakasagot pabalik nang ibaba na ni Stan ang tawag.

Nakangiti na ibinalik ko ang cell phone ko sa bulsa. Kahit kailan talaga ay alam ng kapatid ko kung kailan ako guguluhin.

Hanggang ngayon kasi ay naguguluhan pa rin ako sa naging pag-uusap namin kay Doc. Liam kahapon. Mas nadagdagan lang ang mga tanong sa isip ko.

"Doc. Liam," bati ni Stan nang makapasok kami sa opisina ni Doc. Liam.

Tumingin naman sa amin si Doc. Liam at napatigil sa kung anong tinitipa sa kaniyang laptop. Ngumiti siya at tumayo sa kaniyang swivel chair.

"Have a seat." Itinuro niya ang sala ng kaniyang opisina kaya dumiretso kami roon ni Stan.

Tahimik na umupo kami ni Stan sa mahabang couch, habang si Doc. Liam ay sa isang single couch naupo na nakapuwesto sa puno ng coffee table.

"Want some drinks? Coffe? Juice?" alok ni Doc. Liam nang makaupo siya.

Agad kong iwinasiwas ang kamay ko. "Hindi na po. May itatanong lang po sana kami kaya kami nandito."

"I see." He nodded. "So, what's bothering you?"

Ako na sana ang magsasalita para magtanong pero inunahan na ako ni Stan. Talagang pinanindigan niya na siya ang magtatanong kay Doc. Liam.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon