Chapter 11

4.1K 94 5
                                    


"HE'S OKAY now, Miss Villasanta," sabi ni Doc. Liam at agad naman akong nakahinga nang maluwag matapos marinig 'yon.

"T-Thank you, Doc..." sagot ko.

Doc. Liam nodded his head. "Inatake si Mr. Villasanta. Maigi rin na agad siyang nadala rito sa ospital."

I became silent. I hardly closed my fists. Ito ang isa sa kinatatakutan ko kapag naiiwan si Tatay nang mag-isa. Kung tutuusin, mukhang suwerte lang ang kanina dahil umuwi si Stan, wala raw silang trabaho ngayon ayon sa Boss niya.

"But I suggest you that he must be admitted," the doctor added.

I silently gasped.

"His condition worsened. Kailangang mas matutukan na siya, Miss Villasanta. As of now, I have contacted different hospitals for a possible heart donor, even international. Babalitaan kita agad kapag nakatanggap na ako ng balita tungkol dito, pero..." he paused. "Mas maigi na mag-stay na rito si Mr. Villasanta."

I slowly nodded my head as I was absorbing his words. Alam kong mas makabubuti nga kay Tatay na ma-admit na siya rito.

"S-Salamat po ulit," tanging usal ko at nagpaalam na rin siya agad sa amin.

"Ate..." Napalingon ako kay Stan na nakasandal sa pader dito sa labas ng kuwarto ni Tatay.

I sighed as I gave him a smile, assuring that everything would be fine. "Magiging okay si Tatay..."

Napakagat labi na lang ako nang basta na lang akong yakapin ni Stan. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa baywang ko. Tumingala ako para pigilan ang pagbuhos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

I can't be weak right now...

"Titigil na muna 'ko sa pag-aaral, Ate..." mahinang usal ng kapatid ko.

Agad na nalukot ang mukha ko at kinalas ang pagkakayakap namin.

"No. Hindi ka titigil. Ako ang titigil kung kinakailangan," mariing sabi ko habang nakatingin sa mga mata ng kapatid ko. Bakas doon ang halo-halong emosyon.

"Ate naman..." mahinang reklamo niya. "Huminto ka na ng dalawang taon. Ako naman ngayon..."

I shook my head as I held his right cheek. Pinunasan ko rin ang luhang tumulo sa mata niya.

I smiled. "Ayos lang naman sa 'kin. Huwag mo 'kong isipin."

"Why would I do that?" agad na sagot niya. "Sobra-sobra na 'yong sakripisyo mo, Ate. Sarili mo naman piliin mo."

I tousled his hair. "Tatapusin ko 'tong 1st semester, okay? Kapag hindi na kinaya sa 2nd semester, titingnan ko pa rin."

"Ang kulit mo talaga, Ate!" ungot niya at nagpahid ng luha.

I chuckled as I heaved a deep sigh. "Kailangan ko na rin makahanap ng bagong trabaho."

"Bakit? Ano'ng nangyari sa store na pinapasukan mo?" nagtatakang tanong ni Stan.

I sighed again. "Sisante na 'ko. Napagbintangan ba naman akong nagnakaw ng pera?"

Kapag naaalala ko 'yong nangyari ay kumukulo ang dugo ko kay Arnold. May kutob ako na kagagawan niya 'yong nangyari. Judgemental na sa part na 'to, pero 'yon ang kutob ko sa lalaking 'yon. Lalo na sa pag-uugaling mayro'n siya.

"Tsk. Tsk." Umiling ang kapatid ko. "Ang pangit mo kasi kaya napagbintangan ka!"

Agad na hinampas ko ang braso niya. "Buwisit ka!"

Marahan siyang tumawa. "Totoo naman, eh! At saka..." Lumingon siya sa paligid na para bang may hinahanap. "Nasa'n na pala 'yong kasama mo? Parang kilala ko 'yon."

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon