Chapter 3

6.2K 119 4
                                    


"ATE, okay ka lang?" Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Stan.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Ayos lang ako."

"Weh? Mukhang hindi, eh," aniya.

I chuckled. "Mukha ba 'kong problemado, Stan?"

He narrowed his eyes on me as if he was reading what's within me. Tinawanan ko naman siya sa ginagawa niya.

"May boyfriend ka na, 'no?" nanunuksong tanong niya.

Napanganga ako sa sinabi niya at kalauna'y kumunot ang noo. "Saan mo naman nakuha 'yan? Mukha ba akong may boyfriend, ha?"

He laughed. "Ate, ganito kasi 'yon." Umayos pa siya ng upo niya at seryosong tumingin sa 'kin. "Pansin ko na isang linggo kang natutulala. Hindi ko lang pinapansin, pero nag-aalala na talaga 'ko sa 'yo. Kadalasan kasi ay lalaki ang dahilan ng pagkatulala ninyong mga babae."

Mariin akong napalunok dahil sa pagkaseryoso ng kapatid. Aaminin kong medyo kinakabahan ako kapag nagseseryoso itong si Stan. Nagiging mas matanda ang postura niya kaysa sa akin.

I heaved a deep sigh. "Wala akong boyfriend, Stan. At saka, 'di ba, sabi mo dadaan muna sa 'yo kapag may manligaw sa 'kin?"

"Seryoso ako ro'n, Ate. Ayokong mapunta ka sa kung sinong lalaki lang," seryosong sabi niya. "Bakit ka ba kasi natutulala, ha? Ang pangit mo pa naman!"

"Mas pangit ka, Stan! Ako pa talaga inasar mo?" Inirapan ko siya at humingang malalim. "May nakasagutan lang akong matapobreng lalaki sa store. Hindi lang ako maka-move on sa buwisit na 'yon."

Napairap na lang ulit ako nang maalala ang nangyaring komprontahan namin ni Theodore isang linggo na ang nakalilipas. Hindi ko talaga nagustuhan 'yong ugali niya. Mas masahol pa sa mga nang-aalipusta sa 'kin sa school. Hindi ko alam pero ang sakit sa dibdib ng mga sinabi niya sa 'kin.

Hindi ko alam na maaapektuhan ako nang husto nang dahil sa mga sinabi niya, eh, halos gano'n lang din naman 'yong mga sinasabi sa 'kin. Sanay na ako sa mga panlalait nila, pero ang laking epekto naman na nanggaling 'yon kay Theodore.

"The more you hate, the more you love, Ate," tukso ng kapatid ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumahimik ka nga! Nilait-lait na nga 'ko ng walang hiyang 'yon tapos gaganyanin mo pa 'ko?"

Humagalpak siya ng tawa. "Hindi ka pa ba nasanay, Ate?"

"Ewan ko, Stan. Ang lakas ng epekto ng mga sinabi niya sa 'kin..." I trailed off as I heaved a deep sigh. "It's the first time I've encountered him, pero nasaktan ako sa mga sinabi niya sa 'kin."

Unang beses na nakausap ko si Theorore nang gabing 'yon, pero hindi ko inaasahan ang epekto ng pag-uusap namin.

"Ate, layuan mo 'yang lalaki na 'yan," mariing sabi sa 'kin ng kapatid ko. "Hindi ko gusto na nagkakaganito ka nang dahil sa kaniya. I won't ask who's who, but I don't want to see you like this. Wala rin akong pakialam kung guwapo man 'yan o mayaman."

I gave him a smile. "I'm fine, Stan. Hindi naman na rin siya bumalik sa store."

Sana nga ay tuluyan na siyang hindi mapadpad sa store. Alam ko namang aksidente ang pagkakapunta niya ro'n dahil sa dare na sinasabi niya, kaya sana naman ay hindi na maulit 'yon. Kumukulo lang ang dugo ko sa kaniya.

"Nandito lang ako, Ate. Hindi ka mag-isa sa laban natin..." he gently said.

Ngumiti ako at nanunuksong tumingin sa kaniya sabay sabing, "Payakap nga!" Ako na ang lumapit sa kinauupuan niya at niyakap siya nang mahigpit.

Natawa naman siya pero kalauna'y gumanti na rin ng yakap. Masaya ako na laging nasa tabi ko si Stan. Siya lagi ang nagpapagaan ng loob ko sa tuwing pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng lahat. Lagi niyang ipinararamdam na hindi ako mag-isa.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon