Chapter 32

3.7K 79 20
                                    


"HAYOP KA, ALEK?! Bakit ka nandito?! Hindi ka pa ba nakuntentong sa ginawa mong demonyo ka?!" sunod-sunod na sigaw ko at masamang nakatingin sa kaniya.

"Leon, please calm down..." pagpapakalma ni Kuya Skyren pero parang wala akong naririnig dahil sa labis na galit na nararamdaman ko ngayon.

Napukol ang tingin ko kay Xavier na tahimik na nasa likod ni Alek.

"Xav..." I called but he didn't budge. I'm really getting more pissed right now! "Xavier, I'm calling you!"

I saw his shoulders moved because he took a deep breath before slowly turning his head upwards and met my piercing gaze. I scoffed when I saw pain and regret in his eyes when he looked at me.

"What the hell is happening, Xav?" tanong ko sa kaniya. "Bakit ka nandiyan sa demonyong 'yan?! Alam mo ang pinagdaanan ni Nanay sa kamay ng hayop na 'yan, 'di ba? Ano 'to?!"

"Please calm down, Seanelle..." mahinahong sabi niya pero umiling lang ako at disappointed na tumingin sa kaniya.

"Ano? Kakampihan mo siya, Xav?" hindi makapaniwalang tanong ko. "You're choosing that bastard?!"

"Seanelle, anak, kumalma ka muna..." singit ni Tatay na nasa tabi ko na pala na nakahawak sa braso ko at bahagyang pinisil 'yon.

"Paano ako kakalma, 'Tay..." mahina ngunit mariing sambit ko. "Napakawalang hiya ng taong 'yan! Hayop siya! Hayop!"

Akmang susugurin ko si Alek pero agad na napigilan ako ni Tatay pero nagpumiglas ako sa pagkakayakap niya sa akin. Tears started to roll down on my cheeks as I remembered what happened to me and my mother because of him.

"Tang ina ka, Alek Fyodorov! Ang kapal ng mukha mong magpakita rito matapos ng mga kasalanan mo?!" umiiyak na sigaw ko at pilit na nagpupumiglas kay Tatay. "Nababagay ka sa impyerno! Bakit ba nandito ka pa sa lupa? Ha?!"

"Seanelle, huwag mo naman siya pagsalitaan nang ganiyan!" singit ni Xavier na siyang nagpatigil sa pagpupumiglas ko kay Tatay at bahagyang nakaawang ang mga labi na tumingin ako sa kaniya, hindi makapaniwala na parang ipinagtatanggol nga niya si Alek.

"Ano, Xav?" I couldn't believe him! Mas kakampihan niya pa 'tong demonyo na 'to?! "He deserves it! Demonyo siya! Halang ang kaluluwa ng hayop na 'yan!"

"I said enough, Seanelle!" Xavier voice thundered.

My heart immediately clenched. Hindi niya pa ako nasigawan kahit kailan... Bakit? Bakit mas pinipili niya ang demonyong 'to?

"Don't yell at her, you son of a bitch!" nanggagalaiting sigaw ni Kuya Skyren at akmang susugurin niya si Xav pero napigilan naman siya ni Nanay.

Napatingin ako kay Alek. "Ano na, Alek? Tatahimik ka lang na gago ka? Magpapakita ka rito, para ano? Para ipamukha na ikaw ang hayop na nagpahirap sa 'min?!"

Alek suddenly looked at me. Matapang na sinalubong ko ang blangko niyang ekspresyon. Wala man lang akong makitang pinagsisisihan niya ang mga kahayupang ginawa niya sa amin!

"Seanelle, please..." pagmamakaawa ni Xavier kaya napatingin ulit ako sa kaniya. "He's here to talk to you then he'll surrender himself. I assure you that..."

I raised an eyebrow. "Why would I believe your words? Sigurado ba kami na hindi ka nilinlang ng demonyong 'to?"

"Please! Your words, Seanelle!" Tumaas ulit ang boses ni Xav.

I laughed sarcastically. "Right! Sige! Ipagtanggol mo 'yang hayop na 'yan!"

Xavier looked at me pleadingly, but I just looked at him with my stern look. Hindi ko na alam kung ano pa ang nararamdaman ko para kay Xavier ngayon. Hindi ko na alam kung may pagkakaibigan pa bang matitira sa amin pagkatapos ng gabing 'to.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon