Chapter 38

4K 102 9
                                    


"BABY, why won't you talk to me, hmm?"

I rolled my eyes for the nth time when I heard Theodore asking me that question again and again. Hindi ko na alam kung ilang beses na niya itinanong sa akin 'yan mula noong mag-umpisa ang seremonya ng libing ni Sir Zeino.

Ni hindi ko nga alam kung paano ko naging katabi ang lalaking 'to, samantalang si Stan ang katabi ko kanina! Pasaway na kapatid!

"Please lang, Theodore, magbigay respeto ka muna sa seremonyas," nagtitimping sabi ko sa kaniya.

"I just missed you, love..." he whispered but I still heard it.

Hindi ko na lang pinansin 'yon kahit nagwala ang sistema ko dahil sa sinabi niya. Nakakainis! Bakit gano'n pa rin ang epekto niya sa akin? Galit dapat ako sa kaniya! Galit dapat ako!

Hanggang sa matapos ang seremonyas ay hindi ko pinansin si Theodore, kahit na anong pangungulit o pagdaldal ang ginagawa niya sa akin. I just don't want to talk to him. I just don't want!

Hanggang sa pumunta kami sa reception matapos ng libing ay hindi ako tinantanan ni Theodore. Natigil lang siya noong sumama ako kay Jenesis sa sasakyan niya. Ang pamilya ko naman ay sa sasakyan ni Kuya Skyren nagsama-sama.

Nang makarating kami sa restaurant na pagdadausan ng reception para sa mga dumalo ng libing, agad lang kami nag-asikaso ng makakain.

"What do you want to eat, Sean?" tanong sa akin ni Jenesis habang nasa harap kami ng buffet.

Tiningnan ko muna isa-isa ang mga pagkaing nakahain. "I'll just have pasta."

"Diet ka ba? Ayaw mo mag-rice?" tanong niya pa.

Inirapan ko naman siya. "Tinanong mo pa 'ko kung ano'ng gusto ko 'tapos magrereklamo ka naman pala?"

"Sabi ko nga! Sungit-sungit!" bulong niya pa pero narinig ko naman. Ikinuha niya ako ng pasta gaya ng gusto ko habang sa kaniya naman ay nag-rice meal siya na may tatlong putahe yata ng ulam!

"Jenesis, mahiya ka naman!" pabulong na asik ko sa kaniya matapos makita ang plato niyang halos mapuno na.

Jenesis chuckled. "Bakit ako mahihiya? Eat all you can naman 'to, Sean." He then winked at me.

I rolled my eyes. "Nakakahiya ka talaga kasama."

"Ouch, ha?" ungot niya. "Pasalamat ka, crush kita."

"Move on din 'pag may time, ha?" pang-aasar ko habang naglalakad kami papunta sa table namin kung saan nando'n na rin sina Tatay.

"Pasta lang kakainin mo, anak?" tanong ni Nanay nang makita ang platong inilagay ni Jenesis sa harap ko.

"Diet daw po siya, Tita," singit ni Jenesis at tumawa pa.

I glared at Jenesis but he just shrugged his shoulders. "Ayos lang po ako sa pasta, 'Nay. Hindi pa ako masyado gutom."

Habang kumakain kami ay hindi nawawala ang kuwentuhan lalo na't nandito sina Stan at Jenesis na siyang nagpapaingay ng mesa namin. Nakikisabay naman ako sa kuwentuhan nila kapag interesado ako sa topic. Minsan pa nga ay pinagti-trip-an nila si Kuya Skyren, inuusisa nila kung bakit wala pa rin daw siyang asawa, at ang sagot naman ni Kuya?

"Wala akong balak mag-asawa," tipid na sagot lang ni Kuya Skyren.

"Weh?" sabay-sabay na tanong namin nina Stan at Jenesis. Nakisali na rin ako dahil ang pag-aasawa ni Kuya ang usapan.

"Hindi mo sure, Kuya!" kantyaw ni Stan. "Huwag kang magsalita ng tapos!" Sabay halakhak niya.

"Hindi ako naniniwala d'yan kay Kuya," singit ko. "Magugulat na lang tayo may ipakikilala na 'yan sa 'tin."

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon