Chapter 14

3.7K 81 9
                                    


"BALITA KO umiyak ka raw," bungad ng magaling kong bestfriend nang sagutin ko ang tawag niya.

Napairap ako. Paniguradong si Stan ang nagsabi sa kaniya.

"'Di na ba 'ko puwede umiyak?" pilosopong tanong ko sa kaniya.

Xavier chuckled on the other line. "Bakit ka ba umiyak? May problema ba, hmm?"

"Wala po..." usal ko. "Na-frustrate lang sa schoolworks."

Lihim akong bumuntonghininga. Ayokong makadagdag sa iisipin ni Xavier. Mas maigi nang malayo siya sa 'kin. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya kung bakit ako nagkakaganito.

May gusto siya sa akin pero ibang lalaki ang iniiyakan ko.

"Sure ka? Ngayon ko lang nabalitaan na na-frustrate ka sa acads," tugon niya.

Mukhang hindi binanggit ni Stan kung bakit ako umiyak kaninang madaling araw. Mukhang wala ring ideya si Xavier na natanggal na ako sa trabaho at naka-admit na si Tatay sa ospital.

Mas maigi na 'yong ganito. Nakakahiya na sa mga naitulong ni Xav sa amin.

"Hindi kaya 'ko santo! Para kang timang, Xav," reklamo ko at umirap ulit.

He laughed. "Pangalawang irap mo na, 'no?"

Umirap ulit ako. Alam na alam niya talaga kung paano ako inisin, at alam niya rin ang magiging reaksyon ko.

"Pangatlo," sabi niya ulit.

"Ewan ko sa 'yo!" asik ko pero tinawanan lang niya ako. "Pero ikaw diyan? Balita sa 'yo?"

"Gusto mo rito? Nasa Paris ako ngayon," pang-iinggit niya.

Sana all nasa Paris!

"Tigilan mo 'ko, Xav. Huwag kang mang-inggit," kunwaring mataray na sabi ko.

Humalakhak siya. Sa pagkakaalam ko ay magkaiba ang oras namin sa kaniya. Hindi ko nga lang alam kung anong oras sa kanila ngayon.

"Pero, Seanelle..." His voice became serious. "Kapag may problema, nandito lang ako. Don't hesitate to come and tell me about it. I'll always be there for you."

Napalunok ako nang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Theodore tungkol sa kaniya. Paano kung lumapit nga lang sa akin si Xavier dahil may dahilan siya?

But no! Hindi gagawin ni Xavier 'yon. Ginugulo lang ni Theodore ang aking isipan tungkol sa kaibigan ko dahil alam niyang malapit kami.

"I will," I replied as I shook the thoughts off my mind.

"Just wait for me, hmm?" malambing na sabi niya.

I chuckled lightly. "Hinihintay ka naman namin."

"I will really court you, Seanelle..." he trailed off. Mariin naman akong napalunok. "Hindi ako nagbibiro tungkol do'n. Liligawan kita kahit anong mangyari."

Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Kinakabahan ako sa gusto niyang mangyari. Gusto kong sabihin ang nararamdaman ko, pero ayoko naman na pag-usapan namin 'yon sa telepono lang. Mas maigi kung hihintayin ko na lang talaga siya na makabalik muna.

"We'll talk once you came back," I said.

Dapat lang na ingatan ko ang mga salitang bibitawan ko sa kaniya mula ngayon. Baka mamaya pala ay may masabi ako sa kaniya na iba pala ang pagkakaunawa niya.

I heard him sigh on the other line. "Alright. We'll talk."

"Mmm," I hummed as I nodded my head.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon