"IBABA MO NA 'KO RITO, XAVIER LACSON!" sigaw ko habang patuloy na umaandar 'yong ride na sinasakyan namin ngayon.Shuttle space na napakataas! Literal na papuntang langit na kami! Buwisit na Xavier 'to!
Ayoko sa matataas na lugar, pero hindi ko alam kung paano ako napunta rito! Kasalanan 'to ni Xavier Lacson! Makakatikim talaga sa 'kin 'to mamaya!
"FUCKING SHIT! ANG TAAS NA!" patuloy na sigaw ko at pakiramdam ko ay mapuputol na ang litid sa lalamunan ko.
Rinig ko pa na pinagtatawanan ako ng mga kasama namin pero wala na akong pakialam sa kanila dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko habang patuloy na umaangat pataas 'yong ride. Idagdag pa na nanlalamig ang mga kamay ko na mahigpit na nakakapit sa safety gear ng ride.
"Calm down, Seanelle," tumatawang sabi ng katabi kong si Xavier Lacson!
"HOW? FUCKING HOW WILL I COME DOWN, XAVIER! IBABA MO NA 'KO RITO!" mangiyak-ngiyak na sigaw ko.
Lasapin mo ang english kong mura!
Malakas na humalakhak si Xavier. "Ang tapang-tapang mo, pero takot ka rito?"
"I HATE HEIGHTS! YARI KA TALAGA SA 'KIN MAMA— AAAAHHH!"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang bumaba nang mabilis ang shuttle space na sinasakyan namin. Pakiramdam ko ay naiwan ang kaluluwa ko sa tuktok at gusto ko nang masuka.
Tuwang-tuwa naman ang magaling kong best friend sa pagdurusa ko. Alam kong sinadya niya na kaladkarin ako rito para pag-trip-an, pero isinusumpa ko na hindi na ako makapapayag na makaladkad pa 'ko ng isang Xavier Lacson sa matataas na rides.
"HAYOP KA, XAVIER!" sigaw ko nang muli na namang mabilis na bumagsak ang shuttle space mula sa itaas.
Hilong-hilo na 'ko. Nagpipigil na lang ako na hindi masuka. Kawawa naman ang mababagsakan ng suka ko sa ibaba kapag nagkataon. At saka, hindi ako makapapayag na makagawa ng kahihiyan nang dahil lang sa kasuklam-suklam na ride na 'to!
"ANG GANDA MO, SEANELLE!" rinig kong sigaw ni Xavier pero hindi ko na pinansin dahil nakapanghihina 'tong shuttle space na 'to.
Makakatikim talaga ng kurot at sapak 'tong best friend ko kapag natapos lang ang impyernong 'to!
"Solid! Bitin! Isa pa! Isa pa!" sunod-sunod na sigaw ni Xavier nang makababa kami sa shuttle space.
Akala mo hindi trenta ang edad kung makaasta!
Wala sa sarili na naglakad ako palapit kung nasaan sina Stan at Tatay na naghihintay sa amin. Nanginginig din ang mga tuhod ko at parang nanuyo ang lalamunan ko. Umurong naman 'yong pagsusuka na nararamdaman ko kanina.
"Ang epic ng mukha ni Ate!" Hindi ko pinansin ang kapatid ko kahit may nakatutok sa 'kin na cell phone na halata namang ako ang vini-video-han niya. "Sana ayos ka pa!" Malakas na humalakhak ang hudas kong kapatid.
Gusto ko na lang humilata dahil sa panlalata. Sino ba'ng nag-imbento ng gano'ng ride? Mamamatay ako ng wala sa oras!
Malapit na sana ako sa bench na kinauupuan ni Tatay nang biglang bumigay ang mga tuhod ko.
"Buwisit..." I hissed silently. "Papatayin talaga kita, Xavier..."
"Ate!" sigaw ni Stan at agad na lumapit sa gawi ko, pero umangat na ako sa kinasasadlakan ko bago pa siya makarating sa akin.
"You alright?" marahang tanong ni Xav at bakas na bakas ang pag-aalala at guilty sa kaniyang mukha.
Marahan akong iniupo ni Xavier sa bench katabi ni Tatay. Agad naman inabot sa 'kin ni Tatay ang isang bottled mineral water. Si Xav ang kumuha no'ng tubig at binigay sa akin 'yon nang nakabukas na. Agad ko namang ininom 'yon dahil sa panunuyo ng lalamunan ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Wicked Dare
RomanceReverio Twins #2: Theodore Aradame Seanelle Leon Villasanta was a breadwinner of her family and she would do everything to provide for their needs, even if it would cost her happiness. Her father was sick and worse came to worst, where she needed to...