Chapter 2

6.4K 133 13
                                    


"HOY! BUMALIK KA RITO!" sigaw ko nang makabawi sa pagkagulat, pero nakaalis na ang mamahaling sasakyan kung saan sumakay si Theodore.

I put my hands on my waist as I heaved a deep sigh. Ilang buntonghininga ang pinakawalan ko para tuluyang kumalma ang sistema ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at kapag hindi pa ako kumalma ay parang lalabas na 'yon sa dibdib ko.

"Ang first kiss ko..." I mumbled as I touched my lips.

Kahit ganito lang ako ay hindi mawawala ang kahilingan ko na sana ay romantic ang first kiss ko at sa lalaking mahal ko lang ibibigay 'yon! Pero hindi ko inaasahan na kabaligtaran ang nangyari!

Seriously? Dito pa talaga sa eskinita?

"That jerk!" asik ko bago tuluyang inayos muli ang sarili para makapasok na sa convenience store.

Hindi ko alam kung totoo ang mga kuwentong naririnig ko na maraming babae na ang dumaan kay Theodore. Naririnig ko pa sa iba na halos ialay na rin nila ang sarili nila kay Theodore.

Well, I guess, he's a total jerk if he really has tons of women.

"Oh, Sean! Na-late ka yata?" mataray na bungad ni Katarina nang makapasok ako sa convenience store.

Huminga ako nang malalim at iniwasan na mapairap sa kaniya. Hindi kami magkasundo nitong si Katarina. Saksakan siya ng taray at akala mo naman ay maganda. Mukha naman siyang payaso dahil sa nagkakapalang make-up sa mukha niya.

Kunwari akong tumingin sa mumurahing relo na nasa bisig ko. Napairap na lang ako sa isip ko dahil halos tatlong minuto lang naman akong na-late.

"Traffic, eh," sagot ko at pinigilan kong magtunog sarkastiko.

"Wala akong pakialam. Late ka pa rin!" reklamo niya pa at bumalik sa pag-aayos ng mukha niyang mukhang coloring book na.

Ayokong magkagulo kaming dalawa kaya ako na ang nag-a-adjust sa ugali niya. Baka maging dahilan pa 'yong away namin ng pagkatanggal ko sa trabaho kung sakali. Mahirap pa naman makahanap ng trabaho sa panahon ngayon.

Hindi ko na siya pinansin at nagtungo na lang sa counter para palitan siya. Hindi na rin naman siya nagtagal at umalis na rin sa store.

"Tsk. Mas late pa nga 'yong isang kasama ko rito," bulong ko habang inaayos ang mga paninda.

Dalawa ang kahera sa store na 'to, pero gaya nga ng sabi ko ay wala pa 'yong isa. Kaya rin siguro mas nairita si Katarina dahil naunahan siyang umalis ng kasabay niya sa shift.

I heaved a deep sigh. Nagsimula muna ako sa pag-aayos ng mga paninda bago nag-mop ng tiles na sahig. Nagpunas na rin ako ng dingding na salamin at sakto namang kararating lang ng kasama ko. Napailing na lang ako sa isip ko dahil isang oras siyang late.

"Pasensya na, Sean. May emergency kasi sa bahay," sabi ni Carlo at nahihiyang kinakamot ang batok niya.

Bigla naman akong nakonsensya sa mga reklamo ko kanina sa kaniya.

"Ayos lang. Naiintindihan ko. Sige na, sa counter ka na, baka may dumating na tao. Tapusin ko na lang 'tong pagpupunas," nakangiting sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya. "Sige, pasensya ulit. Ako na maglilinis sa susunod."

Nang makaalis siya sa harap ko ay nagpatuloy ulit ako sa pagpupunas ng bintana. Ipinagpapasalamat kong magkasundo kami nitong si Carlo. Mabait at tahimik si Carlo kaya wala kaming napag-aawayan o kung ano man. Parang wala lang talaga kaming pakialam sa isa't isa, pero nakapag-uusap namin kami kahit papaano.

Maganda talaga ang night shift ng pagiging kahera ko rito sa convenience store. Malaking tulong talaga dahil kapag walang masyadong tao ay nagagawa ko ang mga kailangang kong gawin para sa school stuffs. Ganoon din si Carlo kaya tahimik lang talaga, kapag kaming dalawa ang bantay ng store. May kaniya-kaniya kaming pinagkakaabalahan na hindi naman namin pinupuna.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon