Chapter 25

4.1K 97 7
                                    


"XAV!" I happily exclaimed as I hugged him.

Narinig ko naman ang pagtawa niya bago ako niyakap pabalik, mahigpit na yakap.

"Miss mo 'ko?" pang-aasar naman ni Xavier.

Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at hinampas ang braso niya. "Asa ka!"

"Weh?" hirit niya pa. "Hindi halatang miss na miss mo 'ko, eh! Kung makayakap wagas!" Sabay halakhak niya.

"Paniwalaan mo 'yang sinasabi mo, 'di kita pipigilan kung diyan ka masaya," sarkastikong sabi ko at inirapan siya.

"Ito naman! Hind mabiro!" Xav laughed again. "Pikunin ka pa rin, 'no?"

"Happy ka? Happy ka?" pabalang na asik ko sa kaniya.

He tousled my hair. "Happy talaga ako kapag masaya ako."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano raw? Ito ba epekto ng pangingibang bansa? Nagiging mas sabog?

Napahinto kami sa pag-uusap ni Xavier nang makarinig ng isang malakas na tikhim sa likod ko. My body froze. Shit! How could I forgot about Theodore?!

"Theodore, you're here?" Xav casually greeted, but he was looking at Theodore intently.

"Why wouldn't I?" Theodore fired back. Napasinghap na lang ako dahil nararamdaman ko na ang pagtaas ng tensyon sa paligid. "Is it inapporiate to accompany her?"

"You should mind your own business, Theodore," mariing banggit ni Xavier. "Leave Seanelle alone."

"Manahimik na kayo," kalmadong awat ko pero tila wala lang ako sa kanilang dalawa dahil nagpatuloy sila sa sagutan nila!

"She's my business, Lacson, of course, I will always mind my own business," Theodore firmly said emphasizing the words 'my own'.

"Stop fooling around. I know you're a jerk and I won't let you hurt Seanelle," ganti naman ni Xavier.

Napasapo na lang ako sa aking noo. Mukhang walang balak na magpaawat 'tong dalawa. Eh, kung iwan ko na lang kaya sila rito?

"And you won't hurt her, Lacson?" Theodore rebutted. "Alam ko ang sikreto mo. You better tell it before it's too late."

My forehead creased. Sikreto? Si Xavier may sikreto at alam 'yon ni Theodore? Tungkol saan naman 'yon? Kaya ba mainit ang dugo ni Theo kay Xavier ay dahil do'n?

"Shut the fuck up, Theodore," Xavier hardly said as I saw him clenching his jaw.

"Tahimik pa naman ako, Lacson," sabi pa ni Theodore pero bakas ang panunuya sa tono ng pananalita niya. "Sinasabihan lang kita dahil baka nakakalimutan mo na 'yon. Hindi rin naman ako papayag na mabalewala ang tungkol do'n. Don't make me move again, Lacson, because I'll assure you, I'll show no mercy."

Bago ko pa ulit sila maaawat sa pagtatalo nila ay may isa pang nilalang na pumasok sa silid. Skyren entered the room with his poker face as his eyes fixated on Xavier beside me. Nakita ko kung paano napalitan ng galit ang ekspresyon ni Skyren nang makita niya si Xavier. Katulad noong nabanggit ko na magkaibigan kami ni Xav. Bakit ba galit sila sa kaniya?

"Leon, tapos na ang operasyon. Tara na," malamig na sabi ni Skyren.

Halos magtaasan ang lahat ng buhok sa katawan ko dahil sa lamig ng boses niya.

"Uh... sige," tanging sabi ko dahil ramdam na ramdam ko na mas bumigat ang tensyon sa loob ng silid.

Napatingin ulit ako kay Skyren na galit pa ring nakatitig kay Xavier. His jaw was clenching too and he was closing his fists tightly as if he was just suppressing himself. Habang si Xavier naman ay blangkong tumingin lang kay Skyren at nakita ko naman sa mga mata niya na kilala niya si Skyren.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon