Chapter 30

4.1K 86 10
                                    


HABANG TINATAHAK ang daan palabas sa malawak na gymnasium ng GU ay walang nagsasalita sa aming lahat. Walang nagtangka na bumasag sa katahimikan nang magsama-sama na kaming maglakad matapos ang graduation ceremony.

Theodore was walking beside me, holding my hand. His thumb was caressing my palm as if he was saying that he was just there beside me. Sina Tatay, Stan, at Xavier naman ang sabay-sabay na naglalakad sa likod namin at sa pinakahuli ay sina Skyren at Nanay na tahimik lang din.

I wanted to break the silence. Gustong-gusto kong magsalita pero nagkanda-buhol-buhol ang mga salita sa utak ko dahil sa pagkagulat nang makita ko si Nanay kanina. Sina Nanay at Tatay ang nagsuot ng medalya ko sa akin bilang Magna Cum Laude ng department namin, pero matapos no'n ay naging tahimik lang si Tatay, pero nahuhuli ko ang pagsulyap niya kay Nanay at parang pinipigilan niya lang ang kaniyang sarili.

Tahimik kaming nagkaniya-kaniya ng punta sa napag-usapang restaurant kung saan kami kakain pagkatapos ng graduation. I was with Theodore, then my father and Stan chose to go with Xavier, at si Skyren at Nanay naman ang magkasama sa kotse nila.

I let out a loud breath as I rested the back of my head on my seat.

"You okay, baby?" malambing na tanong ni Theo at inabot ang kaliwang kamay ko na marahan niyang pinisil.

"I don't know..." I whispered as I was just staring at nowhere. "Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko ngayon..."

"I'm just here, hmm?" he softly muttered as his thumb was caressing the back of my hand. "You can tell me what's running inside your pretty head."

I sighed again as my lips formed a small smile. "Gustong-gusto ko nang makita si Nanay, pero hindi ko ine-expect na ngayong araw 'yon. I'm not ready. Hindi ako nakapaghanda sa pagkakataon na 'to. Hahanapin pa lang namin siya, pero siya na ang nagpakita sa amin." I licked my lower lip. Kanina pa ako natutuyuan ng lalamunan. "I... I just don't know what to feel. Naba-blangko ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, Theo. Miss na miss ko na si Nanay, pero parang may pumipigil sa 'kin. Hindi ko maintindihan..."

A tear rolled down from my eye. Agad na pinunasan ko 'yon pero naging walang kuwenta 'yon dahil naging sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko napigilang humikbi at itakip sa bibig ko ang aking kamay at patuloy na umiyak.

Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan pero patuloy lang ako sa pag-iyak. Then a warm embrace welcomed me. I suddenly felt the comfort of his warmth as I let my heart cried more on his chest.

"It's okay, baby. Nandito lang ako. Just cry it out..." Theodore's soothing voice enveloped my ears as he caressed my back. Paulit-ulit din niyang hinahalikan ang ulo ko.

"N-Natatakot ako, Theo..." umiiyak na sabi ko. "Natatakot akong malaman kung ano ang nangyari sa kaniya. Kung bakit niya kami iniwan nang walang paalam. Bakit ngayon lang siya nagpakita sa 'min?! Almost six years 'yon..."

Theodore continued caressing my back and it's making me somehow felt at ease. It helped me to calm my emotions down. Nababawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil nasa tabi ko si Theo at nakayakap sa akin.

"A-Alam ko namang may rason siya, eh..." I sobbed. "Pero natatakot pa rin ako... Paano kung hindi naman pala talaga siya babalik sa amin...?"

"Shhh. Don't overthink that much, hmm?" agad na sabi niya. "Yes, she has her reasons, but you should know what happened first, okay? Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano hangga't hindi mo pa nalalaman ang totoong nangyari."

"I can't help it..." I whispered.

He gently pulled away from the hug as he cupped both my cheeks. He dried the tears streaming down my face.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon