Chapter 36

4.4K 104 22
                                    


I REMAINED seated as I watched Theodore dancing with Zreinessa. Theodore was speaking something to Zreinessa, and they looked very serious at the moment. Mukhang may mahalagang pinag-uusapan. Nakita ko pa ang pag-ngisi ni Theodore na para bang may sinabi siya na kaniyang naalala bigla.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at ibinaling na lang sa paligid ang aking atensyon. There were couples who were now dancing on the dancefloor. Kahit si Tita Aren ay inaya na rin ni Sir Thore na sumayaw sa dancefloor. Naiwan tuloy ako sa table kasama 'yong babaeng mahinhin na Clara pala ang pangalan at 'yong kambal nina Zreinessa na sina Zeirode at Zreandra.

I was busy roaming my sight around when my phone suddenly rang. Kinuha ko naman agad 'yon sa aking pouch at nakitang si Jenesis ang tumatawag. Agad kong sinagot 'yon dahil baka importante.

"Wait! I'll just look for a quiet place here. Don't hang up," agad na sabi ko pagka-sagot ng kaniyang tawag.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at umalis sa venue ng party. Narinig ko pang nagsalita si Jenesis pero hindi ko gaano narinig dahil malakas ang tugtog sa paligid, kahit malumanay lamang ang musika. Nang makahanap ng tahimik na puwesto ay itinuon ko ulit ang aking atensyon sa kausap.

"Okay na. Hindi na maingay. Why did you call?" I asked.

Jenesis chuckled on the other line. "Hindi ka pa ba magpapasundo? Mukhang nag-e-enjoy ka yata?"

Napairap na lang ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Enjoy your face. Wala nga akong nakakausap dito."

"Ows?" he sarcastically rebutted. "Eh, si Theodore? Nagkita na kayo?"

Ramdam ko na may ngisi sa mga labi ng magaling kong kaibigan. Kung kaharap ko lang siya ngayon ay paniguradong nahampas ko na siya dahil sa pang-aasar niya na naman sa akin.

"Yeah," I just replied.

Totoo naman. Walang silbi kung sasabihin kong hindi kami nagkita. Ang imposible naman no'n. Mansyon nila 'to, 'tapos hindi ko siya makikita, 'di ba?

"What happened?" usisa ni Jenesis na ikina-iling ko na lang. Tsismoso din talaga ang isang 'to! "Did you two talk?"

"You're really expecting that we'll talk?" sarkastikong tanong ko pabalik. "That's not gonna happen, Jenesis."

"Mag-uusap lang naman kasi!" he rebutted and he was laughing to tease me. "Masyado kang defensive, Sean. Napaghahalataan na hindi pa naka-moved on."

"Shut up, Jenesis," banta ko pero tinawanan lang ulit ako ng loko. "I don't care about him anymore and I don't even wanna talk to him. He lied to me and we're over. There's no need for us to talk."

"Talaga?" Tumawa na naman siya. "Kakainin mo rin 'yang mga sinabi mo."

I just let out a heavy sigh. "Sunduin mo na ako maya-maya. I'm bored here. Gusto ko na lang magpahinga."

"Really? You're bored?"

I was stunned when I heard his deep and baritone voice behind me. His voice was giving me chills at the moment. Mas lalong lumalim 'yon kaysa dati na nakasanayan ng mga tainga ko.

Mariin akong napalunok para pakalmahin ang aking sistema. Nag-uumpisa na ring bumilis ang pintig ng puso ko na parang may sinalihan akong karera. Hindi ko na rin maintindihan ang mga sinasabi ni Jenesis sa kabilang linya, dahil ramdam na ramdam ko ang presensiya niya sa aking likuran.

"Wanna have some fun with me, then?" he teasingly asked.

I gulped then I composed myself before facing Theodore. His cold and deep eyes met mine. A smirk was formed on his lips as he was looking at me.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon