Chapter 37

3.9K 97 15
                                    


First update for the month of July! Thank you so much for waiting! My 1st year college term has already ended, so I'm back in writing again! Thank you so much for patiently waiting and still supporting my works, despite of being inactive.

Lovelots,
Trisha❤️






KINABUKASAN, isang balita ang yumanig sa buong business industry.

Zeino Nerillano passed away.

Sobrang nakabibigla ang balitang 'yon. Maraming nagulat at hindi inaasahan ang pangyayaring 'yon na kahit ako mismo ay sobrang nabigla. Parang kagabi lang ay nakita ko pa ang ngiti sa mga labi nila ni Zreinessa habang magkasayaw sila sa dance floor. Zreinessa must have been hurting right now. Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay.

"Ready ka na, Sean?" tanong sa akin ni Jenesis nang makalabas ako ng kuwarto sa suite namin.

I sighed. "Oo naman..."

He chuckled as he snaked his arms over my shoulder. "Pamilya mo naman ang pupuntahan mo. Huwag kang matakot diyan."

"Why can't I?" I rebutted. "I left them without any trace, Jenesis. Malaki ang posibilidad na galit sila sa ginawa ko."

"Alam mo? Masyado kang nag-o-overthink!" Bahagya niyang pinisil ang balikat ko. Bumuntong-hininga ulit ako para kumalma. "Ganiyan ba ang tingin mo sa pamilya mo?"

I pursed my lips. Hindi ako nakasagot. I immediately regretted thinking that they're mad at me. I was doubting them with such doubtful thinking!

"See? Trust me, Sean, hinihintay ka nila," he assured me.

I just smiled. Wala naman akong masabi pa kaya tumahimik na lang ako at nagpatuloy kami sa paglalakad paalis ng suite.

I am still nervous. Kahit ilang beses sabihin sa akin ni Jenesis na huwag akong mangamba ay hindi ko pa rin maiwasan. It's been three years since I left them. I miss them so much, but I am scared. I want to hug them tight and feel their comforts, but I am scared.

"Stop overthinking, Sean," pukaw na naman ni Jenesis sa aking mga iniisip.

I let out a heavy sigh. Napansin kong nakahinto na pala ang sasakyan sa pamilyar na bahay. Kuya Skyren's house to be exact.

"I'm really nervous." Nanatili ang tingin ko sa bahay ni Kuya Skyren.

"Gusto mong bumalik na lang tayo sa hotel?" maingat na tanong niya pa.

I immediately shook my head as I took a glance at him. "No... wala ng atrasan 'to. Nandito na tayo."

Tumingin ako sa labas ng kotse. Wala namang ipinagbago ang bahay, pero halata naman na alagang-alaga dahil makinang pa rin ang kulay sa eleganteng bahay.

"Sure ka, ah?" paninigurado pa ni Jenesis.

I nodded as my eyes were still fixed on the house. Naramdaman ko na lang ang pagbukas ng pinto ng driver's seat. Lumabas si Jenesis at nagtungo sa side ko para pagbuksan ako ng pinto.

"Thanks," I mumbled as I went outside his car.

"Always welcome, mahal na reyna!" He chuckled then he closed the door of his car.

I rolled my eyes on him. "Kalokohan mo na naman. Umayos ka, Jenesis Feron! Tatamaan ka talaga sa 'kin!"

He cupped his chest and acted like he was really hurt. "Good boy naman ako, ah? Alagang-alaga nga kita kaso ayaw mo naman magpa-alaga sa 'kin habangbuhay."

My brows furrowed as I gave him a death glare. "Tumahimik ka na nga lang!"

"Ate Sean?!"

Napatigil ang pag-aasaran namin ni Jenesis nang makarinig ako ng pamilyar na boses ng lalaki. It was really familiar but it changed than the last time I have heard it. Mas lumalim na ito kaysa sa huling dinig ko sa boses ng aking kapatid.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon