Chapter 35

3.9K 86 3
                                    


"ANG PANGIT talaga ng trip mo, Jenesis, alam mo 'yon?" sarkastikong tanong ko na naman sa kaniya habang nag-aayos ng gamit sa hotel suite namin.

Jenesis chuckled as he sat on my bed. "Naka-unli ka ba, Seanelle Villasanta-Lomiove? Hindi nga ako 'yong nag-text sa 'yo no'n!"

I rolled my eyes on him. "Desisyon ka? Kailan pa naging Lomiove ang apelyido ko?"

Tumawa siya dahil nalihis ang tunay na topic ng pinag-uusapan namin. "Pakasal ka sa 'kin, basic na basic," tumatangong sabi niya pa.

"Sakalin kaya kita?" Pinandilatan ko siya ng mga mata kaya agad naman siyang sumimangot.

Sa totoo lang, whole package na rin 'tong si Jenesis, pero hindi ko talaga nakikita ang aking sarili na maging kasintahan niya. He has feelings for me, but he respected mine that he's just a friend to me— a close friend. Ito rin ang maganda sa ugali niya, hindi siya mapilit at agad na tatanggapin kung ano ang desisyon mo. Masyadong mabait, pero minsan ay napagsasabihan ko kung sumusobra naman siya sa kabaitan niya.

Mahirap na! Somebody might just took advantage of his kindness. Too much kindness might lead you to being heartless if taken for granted.

"Pero seryoso, Sean..." he trailed off as he was looking at me now intently. He was still sitting on my bed and I was standing in front of him. "Hindi talaga ako 'yong nag-text sa 'yo no'ng isang araw."

I sighed as I sat beside him. Agad naman niya akong inakbayan kaya isinandal ko ang aking ulo sa balikat niya.

"So, it was just really a wrong sent..." I murmured as I took a deep sigh again. Was I expecting that it came from someone I knew? "Maybe, I was just overthinking too much?"

Jenesis chuckled to lighten the atmosphere as he pulled me closer to him. Nagpaubaya naman ako dahil komportable naman ako na malapit sa kaniya. "Sino ba namang hindi? You've met Sir Gresena. Mag-iisip at mag-iisip ka talaga."

I smiled faintly. "Balik na lang tayong Cebu..."

He chuckled as he planted a kiss on my hair. "Nandito na tayo, aatras ka pa? Nasa'n na 'yong matapang kong Seanelle?"

I laughed softly. "Possessive ka pa sa possessive."

"Bawal ba?" agap niya. "Kaibigan naman kita, ah! Wala bang karapatan na mang-angkin ang mga kaibigan?"

Napailing na lang ako at mahinang hinampas ang libreng braso niya. "Mag-girlfriend ka na kasi, Jenesis."

"Be my girlfriend, then," he immediately replied, but I just replied a laugh.

"Stop it, Jenesis Feron," natatawang tugon ko. "Hanggang kaibigan lang talaga."

Natatawang tumayo na lang siya mula sa aking kama kaya umayos na ako ng upo. "Mahirap nga naman palitan ang isang Theodore Reverio, ano?"

Inirapan ko siya. "Manahimik ka na lang, okay? Baka tapalan ko 'yang bibig mo."

He tsked. "Hintayin kita sa restau para mag-dinner, okay? 'Tapos pahinga ka na. A tiring day is waiting for you tomorrow."

"Sige na. Magbibihis lang ako." Matapos kong sumagot ay lumabas na rin siya ng kuwarto ko.

I sighed as I shook my head to calm my thoughts. Masyado na akong nag-o-overthink nang dahil sa wrong sent message na 'yon!

Dapat wala nang epekto 'yon sa akin, pero bakit ako nagkakaganito? Malabong mangyari ang isinisigaw ng isip ko kung sino man ang nag-text no'n! Napaka-imposibleng mangyari!

Napailing na lang ako at tinapos ang pag-aayos ng mga gamit ko sa suite. I decided to stay here in Manila for about a week. Naka-plano na rin ang pagpunta ko sa engagement party bukas ng gabi, at kinabukasan naman ay uuwi ako sa amin.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon