Chapter 10

4.4K 95 17
                                    


"SABI KO na sa 'yo, Seanelle, hindi ka na dapat sumama rito sa airport," sabi ni Xavier nang huminto ang kotseng sinasakyan namin sa airport.

"Bakit naman hindi? Ihahatid ka lang naman, ah?" natatawang sabi ko habang kinakalas ang seatbelt sa katawan ko.

"I don't want you get tired," tugon niya bago binuksan ang katabing pinto at lumabas ng kotse.

I chuckled as I shook my head. Pinagbuksan ako ng pinto ni Xavier gaya ng palagi niyang ginagawa sa 'kin. Iyong driver ng mga Lacson na kasama namin ay busy sa paglalabas ng bagahe ni Xavier sa compartment ng sasakyan.

"Hindi naman nakakapagod ang maghatid. At saka may sasakyan naman, eh!" sabi ko naman nang makababa na ako ng sasakyan.

"Tsk. Diretso trabaho ka kaya pagkatapos mo rito! Almost one hour din biyahe pabalik," nakasimangot na sabi niya.

I cupped both of his cheeks. "Don't worry. Ginusto kong ihatid ka. Kaya ko naman ang sarili ko."

He held my hands who were holding his cheeks. "Alam kong kaya mo sarili mo, pero ayoko lang na napapagod ka masyado."

"Babawi na lang ako ng tulog," hirit ko.

"Baka matulog ka naman sa klase?" nang-aasar na tanong niya.

I rolled my eyes. "Never akong natulog sa klase."

"I don't believe it," dudang sabi niya at pinaningkitan ako ng mga mata ng magaling kong kaibigan.

"Totoo. Kahit puyat ako sa trabaho, hindi ako natutulog sa klase," proud na sabi ko.

He laughed. Inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakatabing sa aking mukha. Inilagay niya ang takas na buhok sa likod ng tainga ko at sa huli ay humawak sa aking pisngi ang isang kamay niya.

"Malapit na midterms mo. I know that you're smart, but I still wish you a very good luck. Kaya mo naman ipasa lahat ng exams mo," he said as he showed me his gentle smile.

I smiled. "Kakayanin kapag nakapag-review."

"Pa-humble pa!" he exclaimed. "Baka nangunguna ka sa acads n'yo?"

"Chamba lang 'yon!" tumatawang sabi ko.

"Nagba-blush si Miss Humble, oh!" Pinisil pa ni Xav ang pisngi ko kung saan nakahawak ang kamay niya.

"Masakit!" reklamo ko kaya tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa mukha niya para tampalin ang kamay niya sa pisngi ko.

"Cute mo talaga," he complimented.

I sighed. "Tigilan mo na 'yang pambobola mo. Hindi tatalab sa 'kin 'yan."

He laughed. "Kawawa talaga magiging manliligaw mo, 'no?"

Umirap ako. "Manliligaw ka diyan! Wala akong panahon diyan!"

"Talaga ba?" he teased.

"Tigilan mo na nga 'yan!" saway ko. "Baka ma-late ka pa sa flight mo!"

"Hindi ako mali-late. I can go whenever I want," he said as he smirked.

"Kayabangan mo!" asar ko sa kaniya.

Siya na mayaman!

Natigil kami sa pag-uusap nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Tahimik na kinuha ko ang cell phone sa bulsa ng jeans na suot ko.

From: Stanleypot

Nakaalis na si Kuya Xavier?

"Miss ka na agad ni Stan," sabi ko kay Xav at ipinakita ang message ng kapatid ko.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon