Chapter 9

4.4K 84 11
                                    


MIDTERM examinations were approaching. Tambak na schoolworks ang ibinigay na naka-due ang deadline sa nalalapit din na exam. Kaya talagang pinagtuunan ko na ng pansin ang mga dapat na gawin para hindi na ako mag-procrastinate kapag malapit na ang deadline.

Walang panahon para maging tamad.

At dahil nagbagsak ang mga professors ng sandamakmak na gawain ay siya namang pag-atras na ni Xavier sa trip na sinimulan niya. Hindi na raw niya keri na magpaka-estudyante ulit. Aniya pa, lalagpas na raw sa kalendaryo ang edad niya 'tapos mamomroblema pa raw siya sa mga schoolworks.

Sino ba naman kasi'ng may sabi sa kaniya na pag-trip-an niya si Sir Gresena sa pamamagitan ng pag-enrol sa Gresena University?

Sadyang malakas lang talaga ang trip niya, kaya sa huli, siya rin ang sumuko sa baliw na trip niya.

"Hey... you're not looking at me!" Agad na napakunot ang noo ko nang marinig na naman ang boses ni Theodore.

Napairap na lang ako at hindi siya tiningnan. Nagpatuloy ako sa pagsagot ng mga seatworks na pinauwi sa amin.

Tsk. Nandito na naman siya.

"I'll pay. Hello?" Theodore sarcastically said.

"I'm not the only cashier. Hindi rin kita pagsisilbihan kung 'yon ang inaakala mo," sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa ko.

"Sean..." pabulong na tawag sa 'kin ni Carlo.

"Bakit?" tanong ko habang nagsusulat ng sagot sa workbook.

"Maiistorbo lang tayo kapag hindi mo pa inasikaso si Sir Theodore..." mahinahong sabi ni Carlo.

Napataas ang kilay ko. Saglit akong nag-angat ng tingin kay Carlo at katulad ko, may hawak din siyang libro at may sinasagutan.

I sighed. "Ikaw na mag-punch. Baka masampal ko lang ulit 'yan," sabi ko pa at bumalik sa pagbabasa sa libro.

"Huh?" litong tanong ni Carlo, pero hindi na ako nagpaliwanag pa. "Tingnan mo naman kasi, halata namang sa 'yo gusto ipa-punch 'yong binili niya," mahinang pagmumumilit niya pa.

I heaved a deep sigh. "Argh! Just fucking close this store whenever he will arrive!"

"Talaga, Leon?" pang-aasar ni Theodore na mukhang narinig ang reklamo ko sa kaniya. "Ipasasara mo 'tong store? Kaya mo? Kaya mo?"

Umirap na lang ako bago tumayo. Pabagsak kong ipinatong 'yong libro, ball pen at highlighter ko sa kinauupuan ko. Nakapamaywang na humarap ako kay Theodore na prenteng nakasandal pa sa counter.

Ganito lagi ang papel niya, ang buwisitin ako palagi kapag nandito siya sa store!

He playfully smiled. "Pakipot pa."

"Just shut up!" I silently hissed. "Nasa'n na 'yong binili mo?"

Inilapag niya sa counter ang tatlong Chuckie ChocoMilk drink. Napailing na lang ako at labag sa loob na i-pinunch ang inumin niya. Iyon naman ang lagi niyang binibili tuwing nandito siya.

But seriously? Favorite drink niya ba 'to? Sa hitsura niyang 'yan? Chuckie? Ano siya bata pa? Magka-edad lang kaya sila ni Xavier! Akala mo hindi trenta kung makainom ng Chuckie!

"Wala yata kaibigan mo?" nang-aasar na tanong niya at diniinan pa talaga 'yong 'kaibigan'.

I rolled my eyes as I handed his change. Kinuha naman niya 'yon pero ramdam ko ang pagtagal ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

Napairap na lang ulit ako at pilit binabawi 'yong kamay ko, pero ayaw bitawan ng talipandas!

"Ano na naman ba?" inis na tanong ko sa kaniya.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon