Chapter 5

5K 98 5
                                    


Puting ilaw at kisame ang bumungad sa akin pagkagising ko. Agad na pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Dahan-dahan kong ipinilig ang ulo ko para tingnan ang paligid. Napagtanto ko na nasa clinic lang ako ng GU. Nakahinga ako nang maluwag dahil do'n. Ayokong pag-alalahanin sina Tatay at Stan.

"Gising ka na pala, Sean." Narinig ko ang boses ni Nurse Daisy kaya napatingin ako sa pinto ng kuwarto.

Nakangiti siyang lumapit sa akin at may inobserbahan sa katawan ko na inilagay niya sa dala niyang chart.

"May masakit pa ba sa 'yo?" marahang tanong niya sa 'kin nang matapos siya sa ginagawa.

"Wala na. Salamat..." mahinang sagot ko.

"Ano ba'ng nangyari? Si Sir Lacson ang nagdala sa 'yo rito at wala kang malay," usisa niya.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bumuntonghininga. Nasaan si Xavier ngayon? Gusto ko siyang makausap tungkol sa nangyari at pasalamatan na rin.

"Si Larina," tanging sagot ko.

Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang pagtango niya. Na-gets naman niya siguro kung ano'ng puwedeng gawin sa 'kin ng babaeng 'yon.

"Nasaan pala si Xavier?" tanong ko na lang.

"Hindi ko lang alam, pero galit na galit siya nang lumabas siya rito pagkahatid sa 'yo," sagot niya.

Mariin akong napalunok. Hindi ako sigurado, pero pakiramdam ko ay hindi siya tatahimik dahil sa nangyari sa akin. He's somewhat protective of me ever since he knew about my situation here in the university.

"Kukuha lang ako ng pagkain mo, Sean," sabi ni Nurse Daisy na tanging pagtango na lang ang naisagot ko.

Naiwan ulit akong mag-isa nang makalabas ng kuwarto si Nurse Daisy. Bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Ngayon lang sila humantong sa ganito. Tanggap ko pa ang mga salita nila na minamaliit at inaalipusta ako, pero 'yong ginawa nila kanina ay parang nasira ang dignidad ko.

Hindi rin nagtagal ay nakabalik si Nurse Daisy at may dalang tray na may lamang pagkain. Agad naman akong kumain dahil nakaramdam na rin ako ng gutom nang maamoy ko ang pagkaing dala niya. Pinainom niya rin ako ng gamot bago ulit ako tuluyang iniwan sa kuwarto para makapagpahinga pa.

My trauma was triggered again. Walang nakakaalam sa nangyari noon sa akin, tatlong buwan na ang nakalilipas. Hindi ko sinabi kina Tatay at Stan ang nangyari noon dahil ayokong dumagdag sa mga alalahanin nila kaya sinarili ko 'yon.

I got almost raped...

Muntik na akong makagahasa ng lalaking amo ko. Nag-apply ako bilang kasambahay sa kanila pero iyon ang inabot ko. Matatawag ko na suwerte ako no'ng gabing 'yon dahil nakatakas ako sa bahay na 'yon at nang makauwi ay wala akong pinagsabihan, pero simula no'n ay naging mailap ako sa mga tao.

Umiiling-iling ako para makalimutan 'yon. Baka ilang gabi na naman akong hindi makatulog nang maayos dahil babangungutin na naman ako ng pangyayaring 'yon.

Nang sa tingin ko ay ayos na ulit ako ay nagpumilit ako kay Nurse Daisy na babalik ako sa classroom namin. Nahirapan pa akong pilitin siya dahil ibinilin daw ni Xavier na huwag akong palabasin ng clinic hangga't hindi siya bumabalik.

Tinawagan niya rin si Xavier pero hindi siya sumasagot sa mga tawag ni Nurse Daisy kaya sabi ko ay ako na ang maghahanap sa kaniya, dahil hindi naman na raw bumalik sa klase si Xavier nang dahil sa nangyari.

Sa huli ay wala ring nagawa si Nurse Daisy kung 'di ang payagan na akong makalabas ng clinic. Maayos na ulit ang suot ko, pero malaki ang t-shirt na suot ko ngayon. Amoy ko rin ang pamilyar na amoy ni Xavier kaya malamang ay sa kaniya 'tong damit.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon